Adsense Still Works Period

Ilan na ba ang nag approached sa akin para turuan ko silang kumita online? 10, 20 , 50 or maybe more? Diko na alam kung ilan ang exact count, pero sa daming yon ilan lang ba ang naging seryosong gawin ito? Maybe 10 or 15, and most of them become successful in online marketing. Some of them used what they earned from online marketing to put up their own business.  Yong mga ibang nag approach para turuan ko sila for Free preferred to go to other direction. Gaya ng mas ginusto nalang maghanap ng daily job, yong iba mas ginustong tumambay, yong iba naman mas ginustong mag benta benta ng kung ano ano online, yong iba naman nag networking nalang, at yong iba naman nag oonline din daw sila pero gusto nila easy job like illegal clicks ads or typing capcha.

Wala naman masama sa mga napili nilang path, ang tanong ko lang sa kanila are they making good money from what they choose? Kumikita ba sila kahit natutulog na sila? Kung ang sagot nila is Oo I am happy for them. Pero kung ang sagot nila is NO, then something wrong sa kanilang napilang way to make money.

Recently may mga nag papaturo ulit sa akin kung pwede ko rin daw ba silang turuan kumita online, some of them are old friends , yong iba nag babalik lang, at yong iba naman nakilala lang sa online.  Diko alam kung seryoso talaga silang gawin ang online marketing or nakikiuso lang sila or naririnig lang nila. Dahil akala nila ang online marketing is something na easy money. They start from wrong perception, napanood nila sa news, or nakita nila sa mga ads online na yong isang tao kumikita ng certain amount of money. They didn’t realized na before kumita ng ganong karaming pera yong nagsasalit sa video or nabasa nila ay maraming hirap muna ang pinag daanan nito. Maraming pagpupuyat, research, at pag aaral.

Although hindi ako sigurado kung seryoso sila I still tried my best to give them some insight and how to start online marketing. It’s my practice kapag may nag papaturo sa akin sa online marketing, na i encourage them to start their own blog, a blog na something very passionate sila. Kasi base sa experience ko kung gusto mo yong ginagawa mo, hindi ka maiinip, hindi ka mag sasawa. Kaya kung ibla blog nila yong bagay na gustong gusto nila alam ko hindi sila magsasawang gawin ito kasi na ii enjoy nila. Kasi kung gagawa sila ng blog na ang iniisip nila ay kikita agad I bet sooner or later kapag wala silang nakitang earnings aayaw na sila.  Ang nakaka lungkot lang marami sa mga nag papaturo sa akin hanggang umpisa lang sila. I always told them naman na bigyan nila ng 6-12 months yong sarili nila na gawin ito at pag aralan. They don’t need to do it fulltime at least 2-3 hours a day nga lang mahaba na yon. But still they give up, yong iba nga wala pang one month nag i stop na :).

Why blogging?

Kasi para sa akin ito ang pinaka madaling way to learn online marketing, bakit? Kasi kung nag bla blog kana unti unti matutunan mo ang tamang pagsulat ng article na search engine friendly. Dahil may blog ka matutunan mong mag SEO kasi yong mga ituturo ko sayo or mababasa mo online about SEO ma i apply mo na sya agad sa iyong website. Ikaw mismo ang makaka pagpatunay kung yong mga diskarteng natutunan mo ay effective ba o hindi. Applying what you learned is the best way to learn. Mahirap yong puro ka lang basa at theory pero wala kang application.  Maliban sa magagamit mo na iyong blog to apply what you learned in SEO which is one of the core of online marketing. Matutunan mo rin paano ito magkaroon ng visitor from other source of traffic like social media and other websites. Your blog is your training ground, para magpaka dalubhasa sa online marketing. Para kung  sakali in the future gusto mong mag provide ng SEO service, Article writing service, or  SEM services madali nalang para sayo kasi well trained kana, hindi nalang theory ang alam mo kundi actual knowledge and skill na ginagamit mo na sa iyong sariling blog. Ganon kasi ako nag start dati before ako napunta sa outsourcing business. Maliban sa matoto kana pwedeng kumita ka narin sa iyong blog if you do it right. Kung magkaroon ka ng mga regular readers at alam mo na paano magka roon ng maraming traffic ang iyong blog pwede kanang kumita sa papamamagitan ng Adsense, Affiliate sales, or paid guest blog post.

Anong connect nong blog sa title ng post na ito?

Haha , napahaba yong introduction ko yata. Actually gusto ko lang kasing i emphasized sa mga baguhan or yong mga gustong pumasok sa online marketing na hindi madali ang online marketing although kung marami kang tyaga at sipag sinisiguro kong kikita ka online hindi man millions pero pwedeng lampasan ang kinikita ng mga Engineers, Doctors, and OFWs. Pero kung nag hahanap ka ng easy money hindi ito para sayo.

As early as March may mga nag approach sa akin na turuan ko daw silang mag online marketing. As usual I ask them to create blog, sponsor ko na yong domain kako. Ang nasa isip ko is mag focus lang kami sa Adsense muna to monetized their blog. Para sa ganon mapatunayan ko kung kikita ba talaga sila kung gagawinnila yong aking mga tinuturo, gumawa rin ako ng sarili kong website kasabay ng paggawa nila ng website nila. Yong first site ko I started by March and the second one is May. All sites were started from scratch para sa ganon parehas kami nong mga tinuturuan ko. Marami kasing nag sasabi na kahit mga fellow online marketer na naka base sa Pilipinas na mahirap na daw kumita ngayon sa adsense dina daw kagaya datil. Pero hindi ako naninwala doon kasi I give up my outsourcing business na kumikita ng not less than 5K usd per month net para lang mag focus ako sa adsense. Less stress kasi ang pag gawa ng mga adsense sites kaysa mag maintain ng mga makukulit ng mga clients, and I am 100% sure na mas malaki ang kitaan sa adsense compare sa pag proprovide ng services, at hindi mo need umupo 16 hours sa harap ng computer mo.

Back to the topic  :), yong mga nagsabi sa akin na turuan ko sila hanggang umpisa lang sila, everytime I remind them lagi lang nilang sinasabi sige sir gagawin ko na, pero ang malungkot hanggang ganon lang gagawin ko na pero wala naman silang ginagawa hanggang umpisa lang. Yong iba maraming dahilan busy, wala kasing internet connection, may ibang priorities. Pero ang sabi ko di naman nila need laging naka internet, di rin nila need ng napaka habang oras para mag sulat at ipromote ang blog nila. Pero nakikita ko naman lagi silang active sa facebook, lagi silang may update, may comment sa mga friends nila pero pag dating sa blog nila marami silang dahilan obviously they are not interested. Magpaganon pa man itinuloy ko parin gawin yong expirement ko, with two adsense account para sa 2 website. Heto na yong kinikita nong first expirement ko way back March

After 6 months nag aaverage na sya ng 20usd – 30usd per day. I covered the site url for privacy reason.

At ito naman yong second experiment ko na website at adsense account way back May I started this site.

 

Meaning kung sinunod lang sana nong mga nagsabing turuan ko sila sa online marketing yong mga sinasabi ko sa kanila at hindi sila nag ningas kugon siguro ganyan narin kinikita nila or mas malaki pa lalo na kung ito lang ang kanilang ginagawa hindi ko kagaya na may mga iba pang piang kakaabalahan maliban sa dalawang expirement website ko. I want to challenge all those who approached me before to continue what you started this time seryosuhin nyo at hwag ng ningas kugon. Sigurado ako in 4-6 months from now makikita nyo narin ang fruit ng pagsusumikap nyo.

Kung may oras kayong tumatambay sa facebook at instagram bakit di nyo gamitin ang oras na ito para i promote ang iyong website or pagkakitaan ito. Sa halip na yong may ari lang ng facebook ang yumayaman sa palagi nyong pag popost at pag tatambay dito bakit hindi nyo rin gamitin ang mga social media para kumita kayo ng passive income. I showed you proof na pwede kayong kumita sa adsense nasa sainyo na kung diparin kayo mag seryoso at mas pipiliin nyo parin walang gagawin at maniniwalang makakahanap kayo ng easy money.

Union Bank EON Card registration is sucks

For those who are considering to used Union Bank EON Card to make online transactions or for what ever purpose it is, think again.  Here is my case pero hindi lang ako ang naka experience nito. Ang Union Bank EON Card ay pwede ng bilhin sa 7/11 tapos i activate mo at mag register ka online… sa pag reregister pa lang napaka hirap na, paulit ulit mag type ng info kasi nag loloko ang system nila or dimo maintindihan bakit pina paulit ulit ang pag reregister mo.

During the registration you need a valid ID need mo itong pictureran , in my case ginamit ko yong sss ID ko, for 5 or 7 times tries na complete din ang registration ko. Akala ko everything is okay na. Nong mag request na ako ng upgrade kasi a client of mind sent me 80,000 pesos, doon na nag simula ang kalbaryo ng buhay ko sa kanila. Makilipas ang more than 5 days na pag hihintay ko sa request ko for upgrade nag submit ako ng support kasi wala man lang silang update sa akin kung ano na status ng request ko for upgrade.

Doon ko palang nalaman na may problema daw yong ID na ginamit ko kasi walang info yong likod ng ID ko. Obviously wala talaga kung SSS ID ang gagamitin mo. Ang nakakainis hindi man lang nila ako ininform na need kong magbigay ng ibang ID. Binigay ko naman yong totoong email at phone number ko.

So I provided additional ID dalawa na hindi nalang isa ang ID ang pinasa ko. Sabi ng support nila, bigyan ko daw sila ng 3-5 business day para sa upgrade kasi napasa na daw. After 6 business days wala parin akong narinig mula sa EON support. So nag follow up ako, after 2 days palang bago sila sumagot ulit. This may hinihingi na naman sila, need ko daw mag provide ng proof of billing, my God anong klaseng systema mayron ang Union Bank after more than 2 weeks bago nila sabihin need kong mag provide ng additional documents bakit dipa nila sinabi noong una palang, para sabay sabay nang ipadala sa kanila yong mga documents na kailangan nila.

Dahil sa sobrang disappointment ko, sabi ko sa kanila paki balik nalang yong pera na sinend ng aking client. Ang problema ang dami na naman nilang tinatanong at hinihingi like magkano daw yong pinadala, kailan daw pinadala. Juice ko po naman anong klaseng system ang gamit ng Union Bank EON at di kayang i trace yong mga information na yon.

Kaya kung ako sa inyo kung ayaw nyo ng sakit ng ulo.. iwasan nyong gamitin ang service na ito… maniwala kayo masakit sa ulo….

I almost paid $20,000 for a client mistake, positive actions will always do the magic.

Kung ko lang i share what happened to me 4 days ago. I receive a phone call from an attorney  base in Makati, according to him may demand letter na ang (diko na i mention yong company) regarding sa infringement of  international copyright law. Dahil daw I used a trademark and copyrighted images. According to him there were 5 emails sent to me asking me to cease and disease all those promotion we’ve made 6 years ago. To be honest hindi ako aware na may mga emails na palang dumating sa isang email address ko kung saan halos 2-3 years ko ng di binubuksan.

Nong i search ko yong nasabing request I found out na mayron nga at napakatagal na pala ito. Dahil akala nila I ignored all their emails and request they file case against me and my company. Nong nalaman ko ito ang unang pumasok sa isip ko ay natakot, syempre bakit madedemanda ako sa kasalan diko naman ginusto. Hindi ako maka pag isip ng maayos diko alam ano gagawin ko saan ako kukuha ng $20,000 agad agad to settle the problem.

Nag umpisa yong problem dahil sa dalawang images na binigay sa akin ng aking client, diko narin i meniton ang name nya. Matagal kong naging client yon and I admit I made lot of money from him. During that time I guess it wast 2012 may pina promote syang mga websites nya where he is selling wines. Binigyan nya kami ng 2 images na gagamitin namin to build graphics material for the promotion of his online liquor website. I even ask him personally kung may pahintulot ba sa kanya na gamitin ang dalawang images and he replied with a scanned image na nagsasabing pinapahintulutan syang gamitin ang mga nasabing images. Yon pala hindi totoo fake lang.

Nong dumating problemang ito at sya muna ang hinabol ang ginawa nya dinown nya ang kanyang website tapos saka kami itinuro na may kasalanan. Pinalabas nya na kinuha lang namin yong image online without asking permission. Kinausap ko yong client about this problem I even show him our email correspondence pero still he is insisting na kasalanan daw namin yong nangyari kasi hindi namin verify ang authenticity nong agreement to use. And after that he ignored me totally kahit anong message ko sa kanya kahit anong pakiusap ko sa kanya na tulungan nya akong maayos ang problemang ito kasi sya naman maykasalanan hindi na ako sinasagot.

For the past 3 days halos wala akong tulog, kaiisip ano gagawin ko para ma solve ko ang problem na ito. Iniisip ko saan ako kukuha ng 20,000 usd that is more than 1 million pesos if we convert it sa current rate exchange. Di ako makatulog, stress as in stress di maka pag isip ng maayos to the point na mainit lagi ang ulo ko nadadamay pati mga mgahal ko sa buhay. Pati anak ko na sisigawan ko at napalo ko pa sya twice I am totally disoriented.

But I said to my self this morning, oo this morning lang kung wala akong gagawin I should not expect any result.  Ang condition nila I’ll pay para sa danyos or I will remove all those images online and they will withdraw all the charges against me ang my company. So naisip ko ang pagasa ko nalang is kailangan ko maalis lahat yong mga images na ginamit ko ang kanilang trademark.

I tried to search the image and I found it, and tried to remove the image luckily standard yong mga gamit namin dati sa aming company sa paggawa ng username at password pati email address so hindi ako nahirapan alisin yong unang image then I move to the next image pero naisip ko ang dami more than 40,000 entries ang need kong linisin how can I do that for 7 days (yon ang binigay sa akin na palugit). Pero need kong gawin ito I need to make possible the impossible. No room for negative today.. so I started to think paano mapabilis kung mag hahire ako kahit 10 pa ang i hire ko di namin kayang linisin lahat ng mga images na mga yon. Tapos kaninang mga 2 siguro or 3 diko matandaan nakita ko yong post ko sa facebook it’s a joke about sa mga students na gustong maging programmer.. haha biglang naisip ko what the heck programmer pala ako bakit diko naisip agad I can create a simpel script to do all the magic.

Yes… in less than 1 hour I completed a very simple program na ang gagawin i seasearch lahat yong mga images using certain keywords and criteria and boy magic talaga  kasi in less than 10 minutes wala na lahat yong mga images na need kong burahin. Sobrang saya ko, nabunutan ako ng tinik actually hindi nga tinik eh pako na di singko.

Then I contacted the legal department of the said company, sinabi ko na lahat ay naayos ko na. Sabi ng kausap ko 2 hours ago nakita pa daw nila na 40k plus yong mga images na nakakalat online. I told to him na i check ulit and he said what the hell have you done how did you do that? Sabi ko I created a simple program that will search and destroy all information that I want to be remove online.

Biglang nagka interest about that said script and offer me kung gusto ko daw i compensate nila ibigay ko lang yong script na ginamit ko. Wow astig haha ngayon ako na kikita sa halip na ako ang magbabayad. Well wala naman na akong panggamitin sa nasabing script why not anyways it’s a 50 lines program lang naman sya haha. Kumita pa sa bandang huli.

The lessons are:

  1. Mag ingat sa mga nakaka transact online kahit matagal mo ng kakilala or customer kapag sa gipitan na ililigtas nila ang kanilang sarili.
  2. Tandaan mo malaking usaping ang copyright infringement pagdating sa online so mag ingat ka sa mga ginagamit mong images, trademark materials, content, at even text.
  3. Kapag mayganitong kasalimoot ng problemang daratign sa buhay mo hwag kang mataranta, mag isip ka ano dapat mong gawin para sa ganong masolosyonan instead of matakot or tumahimik nalang magmokmok. Kapag hinayaan mong kainin ka ng problema hindi kana makaka pag isip ng maayos, pati mga taong mahal mo at nagmamahal sayo ay madadamay na.
  4. Don’t give up, think think think then focus. Use every possible resource of knowledge you have to solve your problem
  5. Tandaan mo kung maghahanap ka ng solosyon sa problema mo makakahanap ka..
  6. Kung quequestionin mo ng quequestionin bakit sayo ang problemang hinaharap mo instead of doing something to solve  the problem don’t expect na mawawala ang probelmang kinahaharap mo
  7. Stop complaining , you need to act.

Am I mediocre when it comes to MLM?

Ang blog post na ito ay para sa mga kakilala, kaibigan , at mahal sa buhay na nag iinvite sa akin para sa kanilang networking business (Paki usap basahin hanggang huli). Please don’t hate me kung hindi ko kayo na pagbibigyan or kung may mga sinasabi ako na hindi pabor sa inyong paniniwala. Hindi ibig sabihin nito mayabang na ako or close minded na ako at diko kayo naiintindihan sa inyong paniniwala. My stand on multi-level marketing is base on my experienced, and like what most networker always said you need to be open minded, being more open minded I leanred na may butas ang system ng MLM.

Do I hate Multi-Level Marketing?

My answer is no, sa totoo lang marami akong natutunan sa multi-level marketing. Maraming mga aral sa multi-level marketing
na nai aapply ko parin sa buhay ko ngayon. Like “Don’t give up”,”If you’re tired don’t quit, take some rest then continue”, “Always think positive”,
“Leverage”,”Don’t work hard, work smart”, I even bought a great book “the 21 secret of self made millionaire”, itong book na ito ang first gift ko sa sarili
ko sa unang kinita ko sa MLM. And this book have BIG influence to my life, and I am forever thankful sa MLM kundi dahil sa MLM I have no chance to buy this book.

At aaminin ko rin I knew some people who are successful in Multi-level marketing, but most of them sila ang mga nauna sa product or service na pinu-push nila. Kumbaga naka position sila agad before pa lumawak ang network ng product distribution. So hindi ko inaalis ang posibilities that you will really make lot of money in MLM as long as you’re one of the people the top of the pyramid. Armon Gatos is one of them who is successfully push the buahmerah product of essensa, nakilala at nakasama ko sya Online Marketing Group.

I was once a multi-level marketing believer or maybe fanatic

Nong nasa 20s pa ako, I am very active in multi-level marketing. I was inspired by my uplines (Reynaldo Fombuena, Chinkie Tan, at iba pa). Kung saan saan ako nag prepresent, pumupunta pa ako sa Manila sa Pampaga, at Nueva Ecija to present the so called opportunity for those who want to become millionaire. Those were the days of Buhay Milyonaryo of Prodential Inc, AXN, at iba pang mga mlm companies. Nauubos ang pera ko (sahod ko bilang computer instructor) sa pag tri-trit ng mga invites, sa pamasahe papunta kung saan saan para mag present. I did all these things with all my hearth at buong sipag dahil naniniwala ako na ito na ang chance para gumanda ang buhay ko, para yumaman, at para maiahon ko ang pamilya ko sa kahirapan.

Sabi nga ng mga uplines ko don’t give up, think positive, we are offering the best opportunity to those who want to become millionaire. Dika ba naman ma iinspire
sa lagi nilang sinasabi na makaka tulong kana yayaman ka pa. Sino ba naman ang taong di gustong gumanda ang buhay. Sabi pa mag focus ka lang , so I did it. For 3
years I guess I did Multi-level marketing talagang focus ako.

I even started to get mad or magtampo sa mga kakilala ko, sa mga kaibigan ko, at sa mga mahal ko sa buhay kasi binibigyan ko na nga sila ng pagkakataon para kumita ng malaki, para yumaman, para maka-ahon sa hirap pero feeling ko, nilalayuan nila ako , piang tataguan nila ako, piang tatawanan ako, feeling ko di nila ako naiintindihan, feeling ko rin hindi sila naniniwala sa akin. I told to my self papatunayan ko sa inyo na yayaman ako dito at pipila kayo para isali ko kayo sa business opportunity na inaalok ko sa inyo dati.

To be honest marami sa mga kaibinga ko, mga kakilala , at mahal sa buhay ang halos diko kausapin or iniiwasan ko na during those days kasi nga iniisip ko mga negative people sila.At dapat I detached my self from them kundi hihilain nila ako pababa. Ganon ako ka panatic during those days, hindi ko iniisip inilalayo ko na yong sarili ko
sa mga taong nag mamalasakit sa akin at nagmamahal sa akin dahil sa paniniwala kong hindi sila supportive kung sino pa yong mga mahal mo sila pa ang di makaintindi.

But after 2 years hindi parin ako yumaman paminsan minsan kumikita rin, pero di sapat pamalit sa mga nagagastos ko. But still I didn’t give up. Sabi ko positive lang don’t give up I am in the right direction. Then after 3 years ng pag sisipag at paninwalang yayaman ako sa multi-level marketing, I started to realized na sa halip maka tulong ako sa mga taong na convince ko to join my team ay na uulit lang din sa kanila yong nararanasan ko na walang kita. Naisip ko nangako ako sa kanila in just 6-12 months yayaman na sila and they trusted me pero what happened some of them , more than 1 year na pero di parin nababago ang buhay nila. At kahit dinila sinasabi alam ko they started to lose their trust to me. Ang tanong ko rin sa sarili ko how can I tell them na hwag silang mag give-up pasasaan ba at yayaman din sila kung ako mismo diko masabing mayaman na ako na successful na ako.

Tapos yong mga nag turn down dati na mga kaibigan, kakilala at mahal sa buhay andyan parin nilayuan ko kasi akala ko they are negative people.

I learned the hard way

On my third year in MLM, I lose my day job. Malakas ang loob ko kasi nga malakas talaga pananampalataya ko na kikita ako sa multi-level marketing. Dahil I learend to become positive thinker I even said to my self ayos mas matutukan ko na MLM ngayon. But sad to say, after losing my job I was broke. Walang ipon kasi nagamit ko sa pag nenetworking ko. Dahil wala na akong trabaho wala narin akong pang gastos unti-unti naramdaman ko yong mga taong lagi kong kasama dati in short my team ay unti unti ng nawawala or lumalayo.

This time napakarami ko ng time para mag isip, where I started to think kung magwowork ba talaga ang MLM. Gumawa ako ng mga computations and diagrams.and I found out that networking is a good marketing strategy to sell a product or service, pero pagdating sa kitaan ang kikita lang ay yong mga taong nasa taas
ng pyramid. Dito ko na realized ang tanong na ito, what if ako na ang huling sasali sa opportunity na ito kikita pa ba ako. I even ask this question to my
uplines and other networker who are in the market for so long and no one straightly answered my question ng Yes. Dito ko napag tanto na ito ang butas ng Multi-level marketing kung ako ang may ari ng product or service na i pupush ng mga networker surely I will make tons of money for the effort of lot of people. Pero kung ako ay nasa
buttom ng pyramid I will surely not make money.

Kaya mula noon I stop multi-level marketing…

Who was there when I was broke at pinaka down na down na part ng buhay ko?

Sila yong mga kaibigan ko at mga mahal ko sa buhay na akala ko noon ay pinagtatawanan ako, na akala ko di naniniwala sa aking mga sinasabi, na akala ko
mga negative people, na akala ko lumalayo sa akin, pero ako pala lumalayo.

Sila yong mga taong unang tumulong sa akin, sila yong mga taong muling nag inpire sa akin para ituloy ang buhay para muling mangarap Diman sila mayayaman
diman sila yumaman, pero at the end of the day sila parin ang mga taong nasandalan ko at nag encourage sa akin para lumaban sa hirap ng buhay.

Final words

Para sa inyo na mga nag nenetworking please don’t hate or magtampo sa mga kakilala nyo, kaibigan or mahal who don’t share the same beliefs with you pagdating sa MLM.
Sa ngayon iba ibang tao ang makakasama nyo who are passionate as you are pagadating sa pinupush nyong product or service trough multi-level marketing, pero tandaan mo hwag na hwag mong uulitin ang pagkakamaling nagawa ko. Hwag mong ipagpalit sa mga bagong kilala ang mga nagmamahal sayo at subok mo ng mga kaibigan. Soon kapag nawala kana sa grupo or team hindi kanarin kilala ng mga karamihan sa mga taong madalas mong kasama ngayon. And only those people who loves you even before you discover MLM will stay besides you maging successful ka man or hindi sa tinatahak mong landas ngayon. Those are people na nasa background mo lang na akala mo iniwan ka ang makakadamay mo at the end.

Ito ang dapat natin tandaan lahat, “there is no such easy money in life”, itinatanim kasi ng mga nag rerecruit sa atin na sa program na ito madali lang yumaman, pero in reality hindi ganon kadaling gawin. Hwag kang maniwala kung sasabihin sayo ng kausap mo na yayaman ka in 6 – 12 months just by presenting a new opportunity to others. Tanungin mo muna ang sarili mo yong nagsasabi sayo non mayaman na ba sya talaga? If yes yumaman ba sya dahil sa program na ina aalok sayo or yumaman sya sa ibang paraan like pag nenegosyo, work abroad, have good job or dati ng mayaman ang family.

Kung ibi base ko sa experience ko, success needs lot of works, puyat, thinking, at diskarte. Set clear goals, set time frame, then list your solotions para ma reach mo ang iyong goal. Thendo something everyday para mapalapit ka sa iyong goal, that’s how succesful people do.

To be honest, naniniwala parin akong pwedeng maging successful ang isang networker as long as he/she have the best product or service to offer , hindi pa saturated ang target market, at pwede syang kumita with or with the recruiting part.

Don’t take my words

Ask Reynaldo Fombuena , he is the one who introduce multi-level marketing to me, at sya rin ang unang taong inalok kong turuan para gawin ang ginagawa ko sa online marketing. You can also ask Leonardo Paguio a real friend who were there when I was so down hindi man nya ako matulungan financially but emotionally and encouragement the best sya, isa sya sa mga pinipilit ko dati na sumali sa pinasukan kong mlm pero diko sya na convinced and dumating ako sa point na halos iwasan sya, pero at the end sya parin ang umalalay sa akin. Ang mag asawang Irving and Mean Dela Fuente na umampon sa akin dahil wala na akong mapuntahan wala akong matirhan. They did not give up on me kahit halos diko na sila pansinin nong tinurndown nila ako about sa MLM.

Yeheey.Biz Legitimate or Not?

Lately ang daming mga taong nag shi-share sa facebook about this, kesyo madali daw kumita mag click ka lang ng ads at maglogin logout ka lang kikita kana. They even claiming that they are partner of google adsense, infolinks , and other known pay per click advertising companies.  Those claims are obviously not true, they don’t even show evidence that google adsense is actually partnered with them. Malinaw sa Terms of use the google adsense na hindi pwedeng i compensate ang sino man para i click ang kanilang mga ads, hindi rin pwedeng encourage or i ask ang mga kakilala para i click ito. How come na ang company na ito ay binabayaran ang kanilang members para mag click ng ads.

Ito ay malinaw na pandaraya sa mga nagbabayad ng ads, ang reason bakit nagbabayad at gumagastos ang mga advertiser ay dahil gusto rin nilang kumita sa pinag hihirapan nilang pera. Paano kikita ang mga advertiser kung ang mga nag cliclick sa ads nila ay hindi naman interested sa ads na cliniclick nila. They are clicking this ads because they were promised by yeheey to received money every time they click an ads.

Nakakalungkot isipin na may mga taong gustong kumita sa madaling paraan at walang paki alam kung may tao silang napag sasamantalahan. Paano nila nasisikmurang kainin at ipakain sa kanilang pamilya ang perang masasabi kong ninanakaw nila sa mga taong naghihirap para lang kumita ng pera.

I hope google , infolink, and other companies will make an action para habulin ang mga mandarayang kagaya ng company na ito, dahil kawawa naman ang mga advertisers kagaya ko na nagiging biktima ng mga ganitong klaseng scheme.

Here are some screenshots of their claims

Para sa mga nag join na sa company na ito ang kumita na, maaring sabihin nyo sinisiraan ko lang ang yeheey, ang sagot ko lang dyan is good for you. Pero dika ba nakokonsensyang kumita ka ng pera pero may mga tao namang malungkot kasi yong perang pinag ipunan nila at ginastos nila para sa mga ads nila ay napunta sa mga kagaya mong walang paki alam kung kikita yong mga nag aadvertise basta kikita ka lang? If that’s okey with you then wala na akong magagawa. Pero para sa aming mga advertiser at mga legitimate na adsense user hindi yon tama at fair.

Para sa mga nagbabalak namang sumali sa company I am suggesting na pagisipan nyong mabuti, mag research pa kayo. Malay nyo mali pala ako at yong sinasabi nila ang tama. Pero gusto ko lang ipaalam sa inyo lahat nong mga sinasabi nilang companies na tie up nila or partner nila ay free lang ang pagsali dito. At kung babasahin nyo sa kanilang TOS (Term of use) mahigpit nilang pinag babawal ang artificial clicking, compensating someone to click, or encouraging someone to click the ads.  Sana bago kayo sumali sa scheme na ito isipin nyo rin yong mga kawawang advertiser na napag sasamantalahan dahil sa illegal clicks na ginagawa ng mga members ng yeheey.

Kung may mga taga yeheey.biz na gustong mag re-act you are welcome po. You can show your evidence na hindi nga kayo nanlalamang ng kapwa nyo, na kayo ay legitimate partner ng mga company na binanggit nyo, na kayo ay pinapayagang mag click ng mag click ng ads. Yong exit ang logout is for the Pey Per Impression which is artificial din ang ginagawa ng mga members.

How to create html file or document?

Skip ko na yong mga mahabang mga intro intro hindi naman yon makaka tulong para matuto kang gumawa ng web page. So direct to the point nating. Ang tanong paano ba gumawa ng html document or page?

Para maka pag create ka ng html document you need a text editor, I suggest notepad or notepad++. I suggest mag download ka ng notepad++ mas maging organized ang coding mo doon.

  1. Create new document from your favorite text editor (notepad or notepad++)…
  2. Ang mga HTML documents ay laging nag i start sa code na ito <!doctype html>
  3. Followed by <html>  Note : as  a rule of thumb you need to close what you opened. First in first out ang rule sa pag susulat ng html code. so ang <html> tag must be the last one to close. Para dika malita saka ko na ilagay yong close pag dating natin sa dulo.
  4. Then followed by <head>. Lahat na nasa loob ng tag na <head> ay di nag papakita sa guest ng website mo. They have special purpose for browser or for online spiders or robots. Note : robots are programs or script created by internet programmer to scrape the world wide web.
  5. Now type <title>. Dito mo ilalagay ang title ng page or html file na ginagawa mo. Example <title>This is my first HTML document</title> or <title>This is the title</title>.  Notice mo nag start sya sa <title> and it ends with </title> yan yong sinasabi ko na every tag you open it must be closed. para ma i close ang tag need mo lang yong / doon sa tag kung titignan mo yong title  may / na sa closing tag. Bago ko makalimutan ang title tag ay ang result nito ay makikita mo sa title bar ng browser mo… Pansin mo later or pansinin mo yong mga ibang sites sa pinaka title bar ng browser yong sa pinaka taas taas may makikita kang text usually doon, yon yong nasa title tag.
  6. Type <meta name=”description”  content = “You can write a description of this page in this part of the html document” />. Marami pang mga meta meta na pwede mong gamitin but for now tama na muna itong isa meta description.  Optional ang mga metas pero maraming nag sasabing mga experts na mahalaga parin ito pagdating sa mga search engine, kasi minsan binabasa nila ito as summary of your website or webpage. Wala naman bayad kung ilalagay mo sya kapag naggagawa ka ng website.  Na notice mo yong / bago mag > since itong html tag na ito ay di need ng closing tag, kaya lang sa html 5 need lahat ng tag ay ma i close. So the purpose of / bago > ay to indicate na close na ang tag na ito.
  7. now close the head tag that you open in number 4. to close just type </head>.
  8. Now we proceed to the body of the document ito na yong mga nakikita ng public pag open nila ng page mo sa kanilang browser. To start the body part of the html document you need to type <body>. Lahat na itype mo under this tag will show in your browser except html tags.
  9. Type anything you want na mag pakita pag open ng html document mo sa browser. You can add text, pictures, videos , and other web page elements including open source script like javascript (sa mga susunod na lesson)
  10. After mong mong mailagay lahat ng gusto mong ilagay sa new page mo you need to close your body taga. to do that just type </body>.
  11. To close the entire html document type </html> ito na yong closing ng <html> tag sa number 3.
  12. Now save the document as .html file. Example myfirst.html
  13. Open your html document by double clicking it.

Things that you need to remember.

  • Ang html , boday, title, meta, at head tags ay isang beses lang pwedeng gamitin sa bawat html document.
  • Tandaan first in last out, meaning ang unang html tag na inilagay mo ay ang syang dapat mahuling i close
  • Lahat ng inopen dapat i close. Kung ang html tag ay walang closing tag you need to append / before the > sign.

Example ng buong htm document. (you can try this example copy and paste sa iyong text editor. Pero I suggest mag type ka ng sarili mo hwag copy and paste. Kapag tina type mo kasi mas natutunan mo yong sequence kaysa i copy and paste mo lang. So hanggat maari avoid mo ang copy and paste).

<!doctype html>
<html>

<head>

<title>This is my page title</title>

</head>

<body>

This is my site content, you can add as many text as you want here, you can even add images or videos… to make this text bold just use <b></b> <b>this is a bold text</b> and <i>this is an italic text</i>. And <font size=’5′>this is a large text</font> ang font number ay from 1 to 7. Kung gusto mo pa ng mas maraming mga html tag punta ka sa https://www.w3schools.com/html/default.asp dyan makikita mo halos lahat ng mga html tag na pwede mong gamitin sa loob ng body ng document mo.

</body>

</html>

Pagka save mo pwede mo ng i check ano itsura ng first mong ginawa na html document… don’t worry kung wala pa masyadong itsura yong gawa mo it’s normal every web programmer nag start lang din sa ganyang itsura or mas worst pa 🙂

Introduction

Gawin lang natin maiksi ang part na ito para di masyadong kakain ng time. Ang pag aaralan natin sa part na ito ng Basic tutorial are basic HTML and Basic CSS.

Ang tanong mo siguro ano ba ang HTML, HTML is Hyper Text Markup Language. Ito ang tawag sa mga instructions na na-iintindihan ng mga Browser natin. Hindi ko na masyadong i laborate
kung gusto mo pa ng masmalalim na paliwanag about it you can go to google and search “what is html”. Sa tingin ko hindi naman masyadong mahalaga yong ibig sabihin ng HTML para
dimo matutunan gawin ito.

Some terms to remember
Mahalagang alam mo kung ano ang mga ginagamit na term ng mga online marketer at online programmers..

HTML – Hyper Text Markup Language
HTML Tags – Ito ang mga sets of html commands na naiintindihan ng ating mga browser.
examples : <b></b> or <u></u>
Browser – Ito yong mga ginagamit natin na program para i open ang mga websites like facebook.com, google.com and more…
examples : Google Chrome, Internet Explorer, Firefox at iba pa.
URL – Uniform Resource Locator ito yong exact location ng isang page
example : http://kumitasanet.com/introduction-to-basic-tutorial-section/
Website – Ito ay binubuo ng mga pages, images, text, domain, hosting, at iba pang data and information. Walang pinagkaiba sa isang libro, kagaya ng libro may iba ibang bahagi like pages at cover.
Web page – Ito ay specific page ng isang website. Halimbawa http://kumitasanet.com/page1.html or http://kumitasanet.com/thisispage/
Protocol – Ito rule of internet connection halimbawa http, https , ftp. Parang sila mag sasabi kung anong klaseng connection ang gagamitin para kunin ang data from the server papunta sa client machine.
http – Hypertext transfer protocol – Unsecure connection , meaning yong mga data na ipapadala sayo galing sa server ay hindi encrypted.
https – Hypertex trasfer protocl secure – All data na i tratransfer from the server will be encrypted bago makarating sa local machine
FTP -File Transfer Protocol – usually ginagamit ito para mag transfer ng file from local machine to the server or vice versa.
Hosting – Is yong provider ng space mo online, kumbaga sila yong nag papa upa ng space online.
Server – Ito yong computer where your website is hosted. Kumbaga dito nakalagay lahat ng files ng isa or mas maraming pang mga website. Wala itong pinagkaiba sa ginagamit nating computer nagkakatalo lang sa operating system, speed, diskspace, at memory
Domain – Is the name of your online business. For example facebook.com kumitasanet.com, sample.net, engineer.org and more.
TLD (Top Level Domain) – Ito yong mga extention ng mga domain example .com .net .org. ph .top .site .website and more

Introduction to basic tutorial section

Ang part na ito ng site is dedicated para sa mga gustong matoto ng online web designing at online marketing. Please take note that these tutorials are for beginners so don’t expect lot from here kung knowledgeable kana sa web designing, programming, seo, at web marketing. You can go to other site dedicated to each topic with more advance tutorial.

Gagawin kong simple lang ang mga laman ng mga tutorials na ididiscuss ko dito, kung need nyo ng mas advance lesson please let me know kung anong topic yon at pwede kong i consider kung kaya ko ang iyong request.

Ang suggestion ko kung first time mo lang sa mga topic dito at first time mo lang din sa site na ito pero gusto mong matoto, please start your journey from Web designing tutorial. Mahalagang may basic knowledge ka sa web designing before ka mag aral mag program specially ang involved sa programming sa mga tutorials ko ay PHP programming which required little knowledge in html and css. Same lang din kung gusto mong mag SEO dapat may kunting knowledge ka parin sa html kasi may mga part sa part na ito ng online marketing na need mong maintindihan atleast ang source code ng mga sites when you need to adjust them.

You need to try and implement all examples and lessons na pag aaralan natin sa mga tutorials dito kung gusto mong matutunan talaga ang online marketing. The secret of success online is practice practice practice what you learn and don’t give up!

One more thing, hindi ako nag pro-proofread sorry for that, kaya kung may makita kayong mali sa grammar ko or mali sa sinabi ko please let me know para ma i correct ko.

What you need para magawa mo ang mga simple lessons?

  1. Computer / Laptop / Mini Laptop
  2. Web Browser (chrome, firefox, or IE)
  3. Text Editor (notepad or notepad++)
  4. Internet connection
  5. Installed Xampp for client (para sa programming kung walang hosting account)
  6. Google account (create ng account sa gmail.com)

Do not use PSBank (Philippine Savings Bank) if you’re a freelance

Kung ayaw nyong sumakit ang ulo  at di ma stress , avoid PSBank kung ang purpose mo ay gagamitin ito para sa inyong freelance work online. Lalo na kung ito ay para sa remitance of Google Adsense earnings or paypal fund.

Base sa experience namin sasakit talaga ang ulo mo sa kanila. We used to connect our PSBank account to our Google adsense account para sa ganon direct deposit nalang from google to our PSbank account. The problem is nong ipinadala na ng Google yong kita namin last October 2017, hindi nila ito tinanggap bagkos hinold lang nila. They ask me certificate of employment which is obviously we cannot provide,  we are freelance blogger paano ka mag proprovide ng certificate of employment sa kanila. Di rin naman nag proprovide ang google ng certificate of employment kasi di naman tayo employee ng google they are paying us para maglagay ng ads sa website natin as freelance blogger.

Ito yong receipt of google payment… para sa PSBank ito ay hindi Valid and proof of the authenticity of the money transfer.

We explain them everything about freelance blogger and website owner , we also explain them about Google Adsense. Nag provide din kami ng mga screenshots ng aming account pati yong receipt na pinadala na ni Google yong bayad nila. But still they said not a valid document daw yon and they are insisting us to provide an employment certificate. Kahit daw yong certificate of employment ko as midwife, what the hell is the connection of my daily job sa kinita ko bilang freelance blogger. Hindi naman yong employer ko ang nag send ng pera it’s google.

Di nila maintindihan what Google Adsense is? Mabilis lang naman i search sa google kung gusto nila. Ang mahirap pa nito pinatagal nila ng isang linggo ng kung ano ano mga hinihingi at tinatanong tapos bandang huli hindi rin pala i aaccept yong remitance maanong at first palang kinancel na nila yong remitance para dina tumagal.

Kaya ang suggestion ko sa inyo base sa 12 years experience ko bilang freelance online marketer avoid using PSBank by all means, I suggest BDO sila pinaka mabilis makaintindi pagdating sa online freelancer. Kapag sinabi mong freelance blogger ka or onlinemarketer ka… naiintindihan na nila agad…