Gusto ko lang ikwento paano kumita ng $265.95 in 14 days yung isang site ko na akala ko walang kwenta. Actually ang site na ito ay ginawa ko 3 or 4 months ago na yata. Pagkatapos kong magawa ang site na ito nakalimutan ko na sya, pero bago yun na pa bookmark ko at napa rss feed ko yata sa mga tao ko before ko sya makalimutan.

Nung April nag join ako sa isang membership site where they are teaching SEO, haha oo nag jojoin parin ako ng mga membership na related sa pinagkakakitaan ko ngayon. SEO at internet marketing membership nag jojoin ako basta type ko yung matutunan ko sa nasabing program.

Nung August or late July I guess may ni release silang video ipina pakita nila yung isang site nila na kumikita daw ng $500 a month from adsense. Yung site nila is napaka simple at naisip ko napakadaling gawin nung script nun kasi puro numbers lang ang laman nito. All I have to do is create a script that will generate a numbers. To make the story short sinubukan ko syang igawan ng script. Kaya lang tinamad ako bigla na itinuloy,  kaya ginawa ko, I tried to contact my professor during college days kung kaya nya itong gawin.  Ayon sabi with in 3 days daw matatapos. After nyang matapos yung script pina bookmark ko sa mga tao ko at pina rss feed.

After that hindi ko na sya tinuloy na i promote or galawin pa kasi medyo nag dadalawang isip akong lagyan ng google ads.  Wala naman kasing laman talaga yugn site kundi puro phone numbers lang.  Iniisip ko kung lalagyan ko sya ng adsense baka i ban ng google kasi wala naman syang masyadong laman, list lang ng mga phone numbers.

Nung October 16 habang tinitignan ko yung stat ng server ko, napansin ko yung isang site ko dun na consistent ang traffic, nasa 100+ unique a day ang traffic nya.  Nang hinayang naman ako sa traffic nung site, so ang ginawa ko nag hanap ako ng affiliate program na puede kong subukan na ilagay dun and I found spokeo.com.  Sa unang araw na nilagay ko yung search banner sa site ko naka benta ako agad ng 1 subscription.  Ngayon after 14 days I already earned $265.95 from it.

Nakaka tuwa lang kasi diko I did not put to much time to it, ginawa ko lang tapos nun kinalimutan ko na sya. Naisip ko kung siguro month or two months ago nag promote na ako ng affiliate product mas malaki na siguro kita ko ngayon.

Siguro na pa puzzle kana kung ano yung site na yun no :).  Ang concept ng site na ito is to list all US telephone numbers, para sa ganun pag may taong mag hahanap ng US number puedeng ma pickup yung page ng website. Ang kagandahan kasi sa mga phone numbers walang mga SEO people ang tumatarget sa mga ito.  Kaya ang chance na mag pakita yung page ng site na ito ay malaki. Pero since diko naman sya prinomote or di ako nag link build sa kanya medyo hindi ganun ka ganda ang ranking nya sa mga search engines. Pero still nakaka 100+ unique a day parin sya.

Yah… I read your mind, haha hindi ako manghuhula… pero alam kong kanina mo pang gustong malaman kung ano URL ng site na yun.  Okey heto na yung url ng site ko http://phoneinfolookup.net. Simpleng simple lang diba actually 5 files lagn ang nag papatakbo sa site na yan. Simpleng simple lang diba, kung iisipin mo how the hell this kind of site earn $265.95 in 14 days.

Ayan alam mo na kung anong klaseng site behind the $265.95, ano gusto mo rin kumita ng $265.95 start ka narin ng site mo na ganito tapos i market mo kapag ma imarket mo ng mas maayos sa malamang mas malaki ang kikitain mo sa akin.

5 Comments on $265.95 in 14 days from I thought dead site, what is the story behind it?

  1. sir e2 ung hanap k, gustong gsto k matutunan kng paano nyo ginawa or nilagay ung area codes at latest comment.
    Sna poh maishare nyo kht PM nyo nlng poh, tnx

  2. Yung mga comments ginawa ko ay nag collect ako tapos nilagay ko sa isang database then using script naka pag create ng maraming comments :). BTW I am offering this in public soon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *