Ways to Make Money Online : Microcity Computer College Presentation

Last October 12, I was invited para maging guest speaker sa Microcity Computer College, the seminar is all about Internet Marketing.  After 14 years, nakabalik ulit ako sa aking Alma Mater and feel at home parin :).

Gusto ko lang din i share sa mga sumusubaybay sa blog na ito yung nilalaman ng aking presentation sana may matutunan kayo or magkaroon din kayo ng idea specially if you’re looking for something na makakatulong sa inyo to start your online business.

My topic is about Ways to make money online

Why Online Business?

    •  You earn dollar from home

 

Gusto mo bang kumita ng dollar without leaving the country? With online marketing, hindi mo na kailangan umalis ng bansa para kumita ng dollar. Hindi mo na kailangan mag paalila sa ibang bansa para kumita ng dollar.

 

    • You have more free time

Sa Internet marketing control mo ang oras mo pwede kang mag trabaho anytime na gusto mo at pwede ka rin mag pahinga anytime na gusto mo.

    •  You don’t need to wake up very early in the morning  and go to work.

I am sure maraming nakaka relate dito, lalo na kung nag wowork kana ngayon.  Kapag may daily job ka, kailangan mong gumising ng maaga para pumasok sa work.  Kahit puyat ka pa kinagabihan kailangan mo parin gumising the next day para pumasok or else bawas sahod kung malas malasin ka baka tanggal trabaho ka pa.

Ito ang isang reason kung bakit hindi na ako naghanap ng trabaho after materminate ako sa work. Gusto ko mag work kung kailan feel ko ang mag work.

Sa online marketing, hindi mo kailangan puwersahin yung sarili mo para gumising ng maaga. Pwede kang gumising kung anong oras mo gustong mag work.

  • You don’t have boss

Ang hirap mag work lalo na kung naiinis ka sa boss mo, yung tipo bang tinatamad kang pumasok kasi makikita mo ulit yung boss mong masungit.  Sa online marketing wala kang boss.

  • You work for your self not for a company or someone else.

Aminin man natin o hindi kahit sabihin pa natin na malaki ang compensation mo sa iyong trabaho. Ang nakikinabang sa galing at talino mo ay ang company na pinag tratrabahuan mo, sila ang pinapayaman mo hindi ang sarili mo.  Binibigyan ka lang ng maliit na share sa perang ipinapasok mo sa kanila.

Kung online marketer ka, ang pinapayaman mo ay ang sarili mo. The more you work the more money you earn. Unlike kapag namamasukan ka kahit super sipag kapa ganun parin ang kikitain mo.

  • You can work any where as long as there is computer and internet.

I love this one. Kahit saan ako pumunta pwede akong mag work at kumita. Magbakasyon kami ng pamilya ng kahit isang bwan I am not worrying na baka pag uwi ko wala na akong work or wala akong sasahurin kasi pwede kong patakbuhin yung online business ko basta may internet at may computer.

Note : Skip ko na yung part ng presentation ko kung saan naka paloob kung sino ako, my downs and ups in life. At kung ano na ang narating ko financially dahil sa online marketing.

People will judge you base on what car you’re driving, dress you’re wearing, and place where you eat.

Newbie’s Questions

Ito yung mga tanong na madalas kong marinig sa mga baguhan sa internet marketing.

  • How Can I Make Money Online
  • Can I really make money online?
  • What are the requirements to start online business?
  • Is it true that I can earn dollar from home?
  • I am not good in computer, can I still earn dollar online?
  • What are the ways to earn money online?

How Can I Make Money Online?

Internet income comes in three forms:

  • Selling other people’s stuff

Kikita ka online by selling other people products or services. Halimbawa may isang online marketer na nag bebenta ng info product about how to make money online. At isa ka sa kanyang mga affiliate partner, kapag nakabenta ka nung info product na make money online automatic may commission ka. Ang commission ay depende sa may ari ng product. Pwedeng 5% – 100% and pwede mong kitain as affiliate partner.

Saan pwedeng kumuha ng product na ibebenta at nagbibigay ng commission?

Libre lang sumali sa mga site na yan…

  • Selling your own stuff

Kung kaya mo naman gumawa ng sarili mong eproducts or provide services then much better, kasi pwede kang kumita ng mas malaki. Ano ano ba ang mga ito?

e-Book  -  We are now in the age of information technology, ang mga tao pumupunta sa net para maghanap ng information. And many of them are willing to pay para sa information na kanilang hinahanap. Kung magaling kang magluto pwede kang gumawa ng sarili mong recipe ebook, kung magaling ka naman sa programming pwede kang gumawa ng ebook about programming, kung magaling ka naman sa beauty pwede karin gumawa ng ebook about beauty.Then ibenta mo ang info product na ito sa mga taong kailangan ito. Kung ibebenta mo ito ng $7 per copy at maka benta ka ng 1000 copies that will be $7,000. Ang maganda dito is, dimo na kailangan ng inventory at bodega para mag stock. You create once and sell multiple times.

Articles- Magaling kabang magsulat ng articles? Pwede kang magsulat ng mga articles at ibenta mo ito or magsulat ka para sa mga online marketer na hindi marunong magsulat ng article or walang time para magsulat. Nag re-range from $4 – $15 per article.

Web Sites- Dito ako nag start sa online marketing. Create website then drive some traffic then benta. Pwede kang kumita ng $30 to $3,000,000,000 sa isang website na ibebenta mo depende sa traffic, earnings at potential. Alam mo bang yung original na may ari ng myspace ay kumita ng $600,000,000 nung benenta nya ito at yung original na may ari ng youtube ay kumita naman ng $3,000,000,000,000 nung benenta nya ito sa google. Ganyan kalaki ang potential na pwede mong kitain sa pagbebenta ng website.

Graphics- Magaling ka bang gumawa ng mga logos, images, cartoons, and other graphics? Pwede mo itong i alok sa mga online marketers na hindi marunong gumawa ng logos, banners , at iba pang graphics.

Jewelry – Kung mahilig ka sa mga jewelry, pwede mo rin itong pag kakitaan. Yung isang kaibigan ko from Singapore, she started her own jewelry store online and she is making $4000 a month from it.

Tech Gadget - Pwede ka rin magbenta ng mga gadget online, maraming mga online marketer na ang ginagawa ay drop shipping.

Services – Sa ngayon sikat ang mga Filipino pagdating sa outsourcing. Maraming mga foreigner ang lumilipat na sa Pilipinas from India. Isa sa reason bakit mas gusto nila ang mga Filipino ay mas magaling sila sa pakiki pagusap ng English compare to other none english nationals. Ano ano bang service ang pwede mong i provide online para kumita ka? SEO related jobs, data entries, web developing, software developer, designer,web template creation, at marami pang iba.

  • Renting your Internet property for advertising purposes

Kung may sarili kang website pwede kang mag benta ng ad space sa website mo. Halimbawa ang topic ng website mo ay related sa mga Filipino families or karamihan ng audience ng site mo is mga batang pinoy, pwedeng si Jollibee or si Mcdo magbayad sayo para ilagay mo ang kanilang ads sa site mo. Pero karamihan sa mga may website ang ginagamit nila to monetized their site is using google adsense.

Google adsense is a Pey Per Click program, kung saan may ilalagay ka lang ng code sa website mo kung saan mo gusto mag pakita yung ads ng google. Yung code ay provided ng google adsense. Every time na may bumisita sa website mo at nag click sila ads na galing sa google adsense automatic kikita ka ranging from $0.01 to $20 per click.

Ito ang ibat ibang mga program na pwede mong gamitin to monetized your website or blog

- Pay Per Click – Ito yung mga ads na pwede mong ilagay sa website mo na every time may mag click sa ads may kita ka.
- Cost Per Action – Ito yung mga ads na pwede mong ilagay sa website mo kung saan pwede kang kumita kapalit ng action, halimbawa yung visitor mo iwan nila yung email nila sa site na prino promote mo.
- Sell Ads Space – Ito naman kung may mga taong interested na direct magbabayad sayo kapalit ng paglagay mo ng kanilang ads sa site mo
- Pay Per Impression – For every 1000 view ng ads ng advertiser sa website mo babayaran ka nila from $1 – $5.
- Pay Per Post – Pwede kang maningil sa mga taong gustong mag post ng article sa website mo kapalit ng link papunta sa kanilang website.

 

Can I really make money online?

Yes! But…
There is no such easy money
You will not become millionaire over night
Perseverance is the name of the game

Kung may lumalapit sayo at nagsasabing madaling kumita sa net overnight yayaman ka at sabihin bayaran mo ako para ituro ko sayo ang sekreto magdalawang isip ka. Oo madaling kumita ng pera online pero hindi overnight yayaman ka. Kailangan mo parin mag work para kumita online at dapat mahaba ang pasensya at marami kang tyaga kung gusto mong kumita sa internet.

What are the requirements to start online business?

Computer
Internet Connection
Willing to invest

Paano kung wala akong internet at computer? Nung nag uumpisa ako sa internet marketing wala din akong computer at internet. Ang ginagawa ko ay nag rerent ako sa mga computershops. Naalala ko nga dati sa Olongapo yung may ari ng computer shop lagi nyang ni rereserve yung computer na ni rerentahan ko di nya pinapagamit sa iba. Ganun ako nag start before I afford to buy my own computer. So hindi mo pwedeng idahilan yung wala kang computer at internet kung gusto mo talagang kumita online.

Maliban sa computer at internet syempre kailangan mong mag-invest. There is no business in this world na hindi mo kailangan mag invest. Kung iniisip mo wala kang pera na i invest para mag start ng online business, don’t worry sa online marketing hindi mo kailangan ng malaking pera to start you can start from nothing to few thousand. Depende kung anong klaseng online marketing ang gusto mong tahakin.

Ang kailangan mong investment talaga sa online marketing is time, kung gusto mong maging successful sa online marketing kailangan mong maglaan ng oras para dito.

I am not good in computer, can I still earn dollar online?

You don’t need to become computer guru to earn money online
Do you know how to use computer?
Do you know how to use internet?
Do you know how to use search engine (e.g. Google, yahoo, bing)?
Can you read?

Kung ang sagot mo sa lahat ng tanong na yan ay oo, then you are qualified to earn money online. Maraming mga successful online marketer ang natuto nalang mag computer at mag internet nung pumasok sila sa online business. At hindi mo kailangan super galing sa computer para kumita online.

Is it true that I can earn dollar from home?

If I can why can’t you?
You need to believe that you can make dollar from home.
Leap from where you are right now to where you want to be.
You have arrived at where you are right now because you are exploring

Walang pinagkaiba yan sa kahit anong career na gusto mong pasukin, kung naniniwala kang kikita ka for sure kikita ka. Kailangan mo lang pagsumikapan ito. Kung papasok ka bilang real estate agent kung dika naniniwalang kikita ka as real estate agent sa malamang hindi ka kikita. Pero kung naniniwala kang kikita ka sa pagiging real estate agent mo at magsusumikap ka for sure you will earn. Ganun lang din sa online marketing.

Why Many Newbie’s Failed?

They Expect Too Much
Dahil maraming nagsasabi sa kanila na malaki ang kita sa internet, inisip nila na pwede silang maging millionaryo sa loob lang ng napakaiksing panahon. After 2 months 3 months di sila naging milyonaryo, they start loosing their faith. Sasabihin nila di naman pala totoong yayaman ako online, then they quit.

They Have Kangaroo Mind Set
I admit from time to time nagiging ganito rin ako, pero worse kung newbie ang may ganitong mindset. Ito yung mga taong puro umpisa walang natatapos, kasi talon sila ng talon. Halimbawa may nagsabi sayo kumikita sya ng maganda sa adsense, so dahil gusto mo rin kumita gumawa ka rin ng website mo para sa adsense. Tapos may naka pagsabi sayo maganda ang kita sa clickbank, ang ginawa mo tinigil mo yung website na ginagawa mo ngayon for adsense at nag start kana ulit ng bagong site pang clickbank mo kasi sabi nung nakausap mo maganda ang kita sa clickbank. Nabaliwala ang pagod at oras na ininvest mo sa unang site mo. Then after few weeks may narinig ka ulit na kikita ka ng malaki, iiwan mo ulit yung current project mo at susubukan mo ulit yung bagong narinig mo. Ang nang yari puro ka umpisa wala kang natapos, bandang huli you quit kasi iisipin mo dinaman pala totoong kikita ka sa net.

If you want to become successful online kailangan mong mag focus, kapag kumikita kana sa isang program saka ka susubok ng ibang program para sa ganun may source of income ka while waiting na mag earn yung new program na sinusubukan mo mag fail man ito may pinagkakakitaan kana.

Band With Mediocre People

Hindi ko sinasabing magalit ka sa mga taong ganito, pero kung kaya mo silang iwasan, umiwas ka. Hindi sila makakatulong sayo para mag success pero sila ang hihila sayo para mag fail. I still remember one time I met some old classmates na nakakakilala sa akin na marunong akong mag program. Nung sinabi kong nag oonline marketing ako at sa bahay lang ako nag wowork. Ang sabi nila sa akin, sinasayang ko lang daw yung galing ko bakit daw di ako maghanap ng magandang trabaho. WTF ano ba ang ginagawa ko, naglalaro lang? Kung naglalaro man ako at least masasabi kong I making more money than them.

Lack Of Interest

Kung mag iinternet marketing ka dahil nakikiuso ka lang I suggest wag mo ng umpisahan. Kasi magsasayang ka lang ng oras at pagod. Kung wala kang interest sa bagay na ginagawa mo sooner or later magsasawa ka rin at hindi mo ibibigay ang 100% na effort mo para dito.

They Quit

Marami sa mga sumusubok sa online marketing ay nag qui quit bago pa man sila mag start na kumita. Dinila alam kung gaano na sila kalapit sa tagumpay nung mag quit sila. Ano ba ang goal ng mga taong umaakyat sa bundok? Ang goal nila ay para maabot ang tuktok ng bundok na gusto nilang akyatin. Kahit gaano pa katagal nila itong inaakyat basta hindi lang sila babalik at aayaw alam nilang mararating din nila yung pinaka asam asam nilang tuktok ng bundok. Ganun din ang mga sumasali sa mga takbuhan, ang goal nila ay para marating ang finish line. Kung hindi sila titigil sa pagtakbo at aayaw alam nila na makakarating din sila sa finish line gaano man ito katagal. Ganun din sa online marketing, ang ultimate goal natin is to earn money. Kung hindi tayo aayaw sooner or later mararating din natin yung pinapangarap nating kita.

 

 

Tips to become successful

Dream BIG Dreams

 

Libre lang mangarap, so kung libre lang bakit mo ito titipirin? Marami sa atin ganito, pangarap kong akyatin ang Mt. Everest, kaya lang mataas pala yun masyado. Mt. Apo na nga lang ang aakyatin ko. Teka mataas din pala masyado yung Mt. Apo, Mt. Samat na lang ang aakyatin ko mas madali. Eh pag tingin nila sa Mt. Samat mataas parin pala. Sasabihin nila sa burol na nga lang ako umakyat mas madali.

 

Set Your Goal
Now convert your dreams into goals else they will remain as dreams. Marami sa atin ang daming pangarap pero wala naman ginagawa para maabot ang mga ito. Para maabot natin ang ating mga pangarap kailangan natin mag set ng goal. Kung gusto mong akyatin ang Mt. Everest kailangan mo itong iset as goal. Pwede mong sabihin in 3 years from now aakyat ako sa Mt. Everest, pero bago ko akyatin ang Mt. Everest kailangan ko munang akyatin ang Mt. Samat para ma practice ako then akyatin ko pa ang ibat ibang bundok para ma practice ako sa pag akyat.

Ito ang sekreto ng mga successful people, para maabot nila yung mga parang imposibleng dreams nila hinahati nila ito sa mas maliliit na goals. Ang mahalaga may natatapos silang maliliit na goal palapit sa mas malaking goal nila.

Focus!
On our way to reach our goal maraming mga distractions tayong madadaanan, kung wala tayong focus madali tayong maligaw. Ang sekreto para laging focus sa goal mo is create a to do list.

Eliminate Distractions

Kung hindi makakatulong sa goal mo dapat hindi mo ito gagawin. Ang madalas na distractions sa mga online marketers ay madalas na pag check ng email, chatting, fb, twitter, at watching youtube.

Do Not Stop
Kahit anong mangyari wag kang titigil sa pag abot sa yong mga pangarap gaano man ito katagal. Basta everyday be sure mayginagawa ka para maabot mo ito. Pasasaan ba at maabot mo rin ito basta wag ka lang titigil.

Be Patient
Tyaga tyaga tayga…

Duplicate What Successful People Doing
Hindi mo na kailangan mag trial and error para lang malaman kung ano ang uubra at hindi uubra. Bakit kailangan mo pang gumawa ng square or rectangle na gulong kung alam naman ng lahat na bilog ang proven to work na klase ng gulong.

All you have to do is hanapin mo kung ano na yung mga systemang ginagamit ngayon ng mga successful people at gayahin mo sila. Kung naging successful sila with those system for sure magiging successful ka rin.

Don’t Work Hard, Work Smart.

Every time na na iinvite ako para magsalita about internet marketing hindi ito nawawala sa aking presentation. Daig ng mga taong madiskarte ang mga taong masipag. Ito isang example, Ngayon kumikita na ako ng $50 a day by doing something that I’ve proven to work. Using the same program where I am making $50 a day gusto kong kumita ng $500 day. Ang problema I have only 24 hours to work everyday.

Ano ang gagawin ko? I duplicate my self. Since alam ko na paano kumita ng $50 a day, all I have to is train 10 person na gawin yung ginagawa ko ngayon para kumita ng $50 a day, para sa ganun 11 na kami lahat na kikita ng $50 a day. Smart ha?

Ayan ang kabuoan ng presentation ko, may mga part na iniskip pero halos na discuss rin naman sa ibang part ng presentation. Kung gusto mong makuha yung presentation file mismo please leave your name and email below. I send ko nalang sayo yung presentation.

 

13 Responses to “ “Ways to Make Money Online : Microcity Computer College Presentation”

  1. Perl says:

    Batch, interested akong subukan yang ginagwa mo pero wala talaga akong knowledge sa ginagawa mo ano puede kong gawin

  2. Will says:

    Nag wowork ako ngayon, pero bigla akong nag kainterest sa online marketing. Gusto ko sanang subukan ang blogging pero wala akong idea how to start at kung paano gawin ito.

  3. Jem says:

    Salamat sir sa pag share nito, habang binabasa ko sya parang madali lang gawin pero after ko mabasa diko naman alam paano na ako mag uumpisa.

    Kayo ba paano kayo nag start ano ma-isasuggest nyo sa katulad kong wala pang alam sa internet marketing. Paano ako makaka pag start

  4. Jayson says:

    Sana may post po kayo step by step para sa aming mga wala pang alam

  5. rod says:

    Sir paano ba ako makaka pagstart halimbawa gusto kong mag blog, wala po akong knowledge how to create a blog. Kasi gusto ko dun lang muna mag start habang nag aaral ako

  6. Menard says:

    Salamat po sa pag share nito, sana matutunan ko rin mag online marketing kagaya nyo. I was inspire sa success story nyo.

  7. Ron says:

    Good job Ed, keep sharing your knowledge buddy.

  8. Roel says:

    Good Day! Sir Ed.., thank you for visiting us here in MICROCTY Computer College. Madami kami natutunan sa seminar. God Bless!

  9. Ed Pudol says:

    Hi Roel, it’s my pleasure to share my knowledge specially sa mga student ng school na aking pinag mulan. Hope you and other student and staff of microcity will continue reading ang mga blog post ko. Na inspire akong ipag patuloy ito dahil sa mga kagaya nyo

  10. Zienna says:

    Hi I’m Tina a.k.a Zienna,

    Sige nga, dumayo ka naman sa ginawa kong blog at bigyan mo ako ng idea. Di ko pa alam gawin ang wordpress at wala pa yatang nagpupunta sa blog site ko.Nasuwetihan kong mag-navigate sa google at ito ang lumabas. I followed the post and presto! I’ve got you.
    Thanks in advance..

  11. Ed Pudol says:

    Hi Tina,

    Bigay mo sa akin URL ng blog mo and I will check… and I’ll to give you some pointers…

  12. Jahn jhan says:

    Ano bang step san ba mauna at panu kunin kung may pera kanang sinalihan at panu ka kumita ng pera eh hindi mo rin alam panu kunin at walang requirements pa kasi pulubi wlang makain tamad how can start this problem

  13. Ed Pudol says:

    Ang pagkuha ng pera ay hindi po masyadong problema, mas mahirap po mag umpisa kaysa yung problema nyo kung panao makukuha ang pera. Kapay may pera kanang kukunin puede mo itong i withdraw directly to your bank account, pero gaya ng sabi mo pulubi so wala kang bank account. Kahit pulubi ka at wala kang bank account puede mo i request na i send sayo via check.

    Side comment lang :) Bilib po ako sa inyo, kayo lang yung pulubi na nakaka pag internet :)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


+ four = 7

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>