Ilan na ba ang nag approached sa akin para turuan ko silang kumita online? 10, 20 , 50 or maybe more? Diko na alam kung ilan ang exact count, pero sa daming yon ilan lang ba ang naging seryosong gawin ito? Maybe 10 or 15, and most of them become successful in online marketing. Some of them used what they earned from online marketing to put up their own business.  Yong mga ibang nag approach para turuan ko sila for Free preferred to go to other direction. Gaya ng mas ginusto nalang maghanap ng daily job, yong iba mas ginustong tumambay, yong iba naman mas ginustong mag benta benta ng kung ano ano online, yong iba naman nag networking nalang, at yong iba naman nag oonline din daw sila pero gusto nila easy job like illegal clicks ads or typing capcha.

Wala naman masama sa mga napili nilang path, ang tanong ko lang sa kanila are they making good money from what they choose? Kumikita ba sila kahit natutulog na sila? Kung ang sagot nila is Oo I am happy for them. Pero kung ang sagot nila is NO, then something wrong sa kanilang napilang way to make money.

Recently may mga nag papaturo ulit sa akin kung pwede ko rin daw ba silang turuan kumita online, some of them are old friends , yong iba nag babalik lang, at yong iba naman nakilala lang sa online.  Diko alam kung seryoso talaga silang gawin ang online marketing or nakikiuso lang sila or naririnig lang nila. Dahil akala nila ang online marketing is something na easy money. They start from wrong perception, napanood nila sa news, or nakita nila sa mga ads online na yong isang tao kumikita ng certain amount of money. They didn’t realized na before kumita ng ganong karaming pera yong nagsasalit sa video or nabasa nila ay maraming hirap muna ang pinag daanan nito. Maraming pagpupuyat, research, at pag aaral.

Although hindi ako sigurado kung seryoso sila I still tried my best to give them some insight and how to start online marketing. It’s my practice kapag may nag papaturo sa akin sa online marketing, na i encourage them to start their own blog, a blog na something very passionate sila. Kasi base sa experience ko kung gusto mo yong ginagawa mo, hindi ka maiinip, hindi ka mag sasawa. Kaya kung ibla blog nila yong bagay na gustong gusto nila alam ko hindi sila magsasawang gawin ito kasi na ii enjoy nila. Kasi kung gagawa sila ng blog na ang iniisip nila ay kikita agad I bet sooner or later kapag wala silang nakitang earnings aayaw na sila.  Ang nakaka lungkot lang marami sa mga nag papaturo sa akin hanggang umpisa lang sila. I always told them naman na bigyan nila ng 6-12 months yong sarili nila na gawin ito at pag aralan. They don’t need to do it fulltime at least 2-3 hours a day nga lang mahaba na yon. But still they give up, yong iba nga wala pang one month nag i stop na :).

Why blogging?

Kasi para sa akin ito ang pinaka madaling way to learn online marketing, bakit? Kasi kung nag bla blog kana unti unti matutunan mo ang tamang pagsulat ng article na search engine friendly. Dahil may blog ka matutunan mong mag SEO kasi yong mga ituturo ko sayo or mababasa mo online about SEO ma i apply mo na sya agad sa iyong website. Ikaw mismo ang makaka pagpatunay kung yong mga diskarteng natutunan mo ay effective ba o hindi. Applying what you learned is the best way to learn. Mahirap yong puro ka lang basa at theory pero wala kang application.  Maliban sa magagamit mo na iyong blog to apply what you learned in SEO which is one of the core of online marketing. Matutunan mo rin paano ito magkaroon ng visitor from other source of traffic like social media and other websites. Your blog is your training ground, para magpaka dalubhasa sa online marketing. Para kung  sakali in the future gusto mong mag provide ng SEO service, Article writing service, or  SEM services madali nalang para sayo kasi well trained kana, hindi nalang theory ang alam mo kundi actual knowledge and skill na ginagamit mo na sa iyong sariling blog. Ganon kasi ako nag start dati before ako napunta sa outsourcing business. Maliban sa matoto kana pwedeng kumita ka narin sa iyong blog if you do it right. Kung magkaroon ka ng mga regular readers at alam mo na paano magka roon ng maraming traffic ang iyong blog pwede kanang kumita sa papamamagitan ng Adsense, Affiliate sales, or paid guest blog post.

Anong connect nong blog sa title ng post na ito?

Haha , napahaba yong introduction ko yata. Actually gusto ko lang kasing i emphasized sa mga baguhan or yong mga gustong pumasok sa online marketing na hindi madali ang online marketing although kung marami kang tyaga at sipag sinisiguro kong kikita ka online hindi man millions pero pwedeng lampasan ang kinikita ng mga Engineers, Doctors, and OFWs. Pero kung nag hahanap ka ng easy money hindi ito para sayo.

As early as March may mga nag approach sa akin na turuan ko daw silang mag online marketing. As usual I ask them to create blog, sponsor ko na yong domain kako. Ang nasa isip ko is mag focus lang kami sa Adsense muna to monetized their blog. Para sa ganon mapatunayan ko kung kikita ba talaga sila kung gagawinnila yong aking mga tinuturo, gumawa rin ako ng sarili kong website kasabay ng paggawa nila ng website nila. Yong first site ko I started by March and the second one is May. All sites were started from scratch para sa ganon parehas kami nong mga tinuturuan ko. Marami kasing nag sasabi na kahit mga fellow online marketer na naka base sa Pilipinas na mahirap na daw kumita ngayon sa adsense dina daw kagaya datil. Pero hindi ako naninwala doon kasi I give up my outsourcing business na kumikita ng not less than 5K usd per month net para lang mag focus ako sa adsense. Less stress kasi ang pag gawa ng mga adsense sites kaysa mag maintain ng mga makukulit ng mga clients, and I am 100% sure na mas malaki ang kitaan sa adsense compare sa pag proprovide ng services, at hindi mo need umupo 16 hours sa harap ng computer mo.

Back to the topic  :), yong mga nagsabi sa akin na turuan ko sila hanggang umpisa lang sila, everytime I remind them lagi lang nilang sinasabi sige sir gagawin ko na, pero ang malungkot hanggang ganon lang gagawin ko na pero wala naman silang ginagawa hanggang umpisa lang. Yong iba maraming dahilan busy, wala kasing internet connection, may ibang priorities. Pero ang sabi ko di naman nila need laging naka internet, di rin nila need ng napaka habang oras para mag sulat at ipromote ang blog nila. Pero nakikita ko naman lagi silang active sa facebook, lagi silang may update, may comment sa mga friends nila pero pag dating sa blog nila marami silang dahilan obviously they are not interested. Magpaganon pa man itinuloy ko parin gawin yong expirement ko, with two adsense account para sa 2 website. Heto na yong kinikita nong first expirement ko way back March

After 6 months nag aaverage na sya ng 20usd – 30usd per day. I covered the site url for privacy reason.

At ito naman yong second experiment ko na website at adsense account way back May I started this site.

 

Meaning kung sinunod lang sana nong mga nagsabing turuan ko sila sa online marketing yong mga sinasabi ko sa kanila at hindi sila nag ningas kugon siguro ganyan narin kinikita nila or mas malaki pa lalo na kung ito lang ang kanilang ginagawa hindi ko kagaya na may mga iba pang piang kakaabalahan maliban sa dalawang expirement website ko. I want to challenge all those who approached me before to continue what you started this time seryosuhin nyo at hwag ng ningas kugon. Sigurado ako in 4-6 months from now makikita nyo narin ang fruit ng pagsusumikap nyo.

Kung may oras kayong tumatambay sa facebook at instagram bakit di nyo gamitin ang oras na ito para i promote ang iyong website or pagkakitaan ito. Sa halip na yong may ari lang ng facebook ang yumayaman sa palagi nyong pag popost at pag tatambay dito bakit hindi nyo rin gamitin ang mga social media para kumita kayo ng passive income. I showed you proof na pwede kayong kumita sa adsense nasa sainyo na kung diparin kayo mag seryoso at mas pipiliin nyo parin walang gagawin at maniniwalang makakahanap kayo ng easy money.

1 Comment on Adsense Still Works Period

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *