Category: Adsense

Adsense Still Works Period

Ilan na ba ang nag approached sa akin para turuan ko silang kumita online? 10, 20 , 50 or maybe more? Diko na alam kung ilan ang exact count, pero sa daming yon ilan lang ba ang naging seryosong gawin ito? Maybe 10 or 15, and most of them become successful in online marketing. Some of them used what they earned from online marketing to put up their own business.  Yong mga ibang nag approach para turuan ko sila for Free preferred to go to other direction. Gaya ng mas ginusto nalang maghanap ng daily job, yong iba mas ginustong tumambay, yong iba naman mas ginustong mag benta benta ng kung ano ano online, yong iba naman nag networking nalang, at yong iba naman nag oonline din daw sila pero gusto nila easy job like illegal clicks ads or typing capcha.

Wala naman masama sa mga napili nilang path, ang tanong ko lang sa kanila are they making good money from what they choose? Kumikita ba sila kahit natutulog na sila? Kung ang sagot nila is Oo I am happy for them. Pero kung ang sagot nila is NO, then something wrong sa kanilang napilang way to make money.

Recently may mga nag papaturo ulit sa akin kung pwede ko rin daw ba silang turuan kumita online, some of them are old friends , yong iba nag babalik lang, at yong iba naman nakilala lang sa online.  Diko alam kung seryoso talaga silang gawin ang online marketing or nakikiuso lang sila or naririnig lang nila. Dahil akala nila ang online marketing is something na easy money. They start from wrong perception, napanood nila sa news, or nakita nila sa mga ads online na yong isang tao kumikita ng certain amount of money. They didn’t realized na before kumita ng ganong karaming pera yong nagsasalit sa video or nabasa nila ay maraming hirap muna ang pinag daanan nito. Maraming pagpupuyat, research, at pag aaral.

Although hindi ako sigurado kung seryoso sila I still tried my best to give them some insight and how to start online marketing. It’s my practice kapag may nag papaturo sa akin sa online marketing, na i encourage them to start their own blog, a blog na something very passionate sila. Kasi base sa experience ko kung gusto mo yong ginagawa mo, hindi ka maiinip, hindi ka mag sasawa. Kaya kung ibla blog nila yong bagay na gustong gusto nila alam ko hindi sila magsasawang gawin ito kasi na ii enjoy nila. Kasi kung gagawa sila ng blog na ang iniisip nila ay kikita agad I bet sooner or later kapag wala silang nakitang earnings aayaw na sila.  Ang nakaka lungkot lang marami sa mga nag papaturo sa akin hanggang umpisa lang sila. I always told them naman na bigyan nila ng 6-12 months yong sarili nila na gawin ito at pag aralan. They don’t need to do it fulltime at least 2-3 hours a day nga lang mahaba na yon. But still they give up, yong iba nga wala pang one month nag i stop na :).

Why blogging?

Kasi para sa akin ito ang pinaka madaling way to learn online marketing, bakit? Kasi kung nag bla blog kana unti unti matutunan mo ang tamang pagsulat ng article na search engine friendly. Dahil may blog ka matutunan mong mag SEO kasi yong mga ituturo ko sayo or mababasa mo online about SEO ma i apply mo na sya agad sa iyong website. Ikaw mismo ang makaka pagpatunay kung yong mga diskarteng natutunan mo ay effective ba o hindi. Applying what you learned is the best way to learn. Mahirap yong puro ka lang basa at theory pero wala kang application.  Maliban sa magagamit mo na iyong blog to apply what you learned in SEO which is one of the core of online marketing. Matutunan mo rin paano ito magkaroon ng visitor from other source of traffic like social media and other websites. Your blog is your training ground, para magpaka dalubhasa sa online marketing. Para kung  sakali in the future gusto mong mag provide ng SEO service, Article writing service, or  SEM services madali nalang para sayo kasi well trained kana, hindi nalang theory ang alam mo kundi actual knowledge and skill na ginagamit mo na sa iyong sariling blog. Ganon kasi ako nag start dati before ako napunta sa outsourcing business. Maliban sa matoto kana pwedeng kumita ka narin sa iyong blog if you do it right. Kung magkaroon ka ng mga regular readers at alam mo na paano magka roon ng maraming traffic ang iyong blog pwede kanang kumita sa papamamagitan ng Adsense, Affiliate sales, or paid guest blog post.

Anong connect nong blog sa title ng post na ito?

Haha , napahaba yong introduction ko yata. Actually gusto ko lang kasing i emphasized sa mga baguhan or yong mga gustong pumasok sa online marketing na hindi madali ang online marketing although kung marami kang tyaga at sipag sinisiguro kong kikita ka online hindi man millions pero pwedeng lampasan ang kinikita ng mga Engineers, Doctors, and OFWs. Pero kung nag hahanap ka ng easy money hindi ito para sayo.

As early as March may mga nag approach sa akin na turuan ko daw silang mag online marketing. As usual I ask them to create blog, sponsor ko na yong domain kako. Ang nasa isip ko is mag focus lang kami sa Adsense muna to monetized their blog. Para sa ganon mapatunayan ko kung kikita ba talaga sila kung gagawinnila yong aking mga tinuturo, gumawa rin ako ng sarili kong website kasabay ng paggawa nila ng website nila. Yong first site ko I started by March and the second one is May. All sites were started from scratch para sa ganon parehas kami nong mga tinuturuan ko. Marami kasing nag sasabi na kahit mga fellow online marketer na naka base sa Pilipinas na mahirap na daw kumita ngayon sa adsense dina daw kagaya datil. Pero hindi ako naninwala doon kasi I give up my outsourcing business na kumikita ng not less than 5K usd per month net para lang mag focus ako sa adsense. Less stress kasi ang pag gawa ng mga adsense sites kaysa mag maintain ng mga makukulit ng mga clients, and I am 100% sure na mas malaki ang kitaan sa adsense compare sa pag proprovide ng services, at hindi mo need umupo 16 hours sa harap ng computer mo.

Back to the topic  :), yong mga nagsabi sa akin na turuan ko sila hanggang umpisa lang sila, everytime I remind them lagi lang nilang sinasabi sige sir gagawin ko na, pero ang malungkot hanggang ganon lang gagawin ko na pero wala naman silang ginagawa hanggang umpisa lang. Yong iba maraming dahilan busy, wala kasing internet connection, may ibang priorities. Pero ang sabi ko di naman nila need laging naka internet, di rin nila need ng napaka habang oras para mag sulat at ipromote ang blog nila. Pero nakikita ko naman lagi silang active sa facebook, lagi silang may update, may comment sa mga friends nila pero pag dating sa blog nila marami silang dahilan obviously they are not interested. Magpaganon pa man itinuloy ko parin gawin yong expirement ko, with two adsense account para sa 2 website. Heto na yong kinikita nong first expirement ko way back March

After 6 months nag aaverage na sya ng 20usd – 30usd per day. I covered the site url for privacy reason.

At ito naman yong second experiment ko na website at adsense account way back May I started this site.

 

Meaning kung sinunod lang sana nong mga nagsabing turuan ko sila sa online marketing yong mga sinasabi ko sa kanila at hindi sila nag ningas kugon siguro ganyan narin kinikita nila or mas malaki pa lalo na kung ito lang ang kanilang ginagawa hindi ko kagaya na may mga iba pang piang kakaabalahan maliban sa dalawang expirement website ko. I want to challenge all those who approached me before to continue what you started this time seryosuhin nyo at hwag ng ningas kugon. Sigurado ako in 4-6 months from now makikita nyo narin ang fruit ng pagsusumikap nyo.

Kung may oras kayong tumatambay sa facebook at instagram bakit di nyo gamitin ang oras na ito para i promote ang iyong website or pagkakitaan ito. Sa halip na yong may ari lang ng facebook ang yumayaman sa palagi nyong pag popost at pag tatambay dito bakit hindi nyo rin gamitin ang mga social media para kumita kayo ng passive income. I showed you proof na pwede kayong kumita sa adsense nasa sainyo na kung diparin kayo mag seryoso at mas pipiliin nyo parin walang gagawin at maniniwalang makakahanap kayo ng easy money.

Do not use PSBank (Philippine Savings Bank) if you’re a freelance

Kung ayaw nyong sumakit ang ulo  at di ma stress , avoid PSBank kung ang purpose mo ay gagamitin ito para sa inyong freelance work online. Lalo na kung ito ay para sa remitance of Google Adsense earnings or paypal fund.

Base sa experience namin sasakit talaga ang ulo mo sa kanila. We used to connect our PSBank account to our Google adsense account para sa ganon direct deposit nalang from google to our PSbank account. The problem is nong ipinadala na ng Google yong kita namin last October 2017, hindi nila ito tinanggap bagkos hinold lang nila. They ask me certificate of employment which is obviously we cannot provide,  we are freelance blogger paano ka mag proprovide ng certificate of employment sa kanila. Di rin naman nag proprovide ang google ng certificate of employment kasi di naman tayo employee ng google they are paying us para maglagay ng ads sa website natin as freelance blogger.

Ito yong receipt of google payment… para sa PSBank ito ay hindi Valid and proof of the authenticity of the money transfer.

We explain them everything about freelance blogger and website owner , we also explain them about Google Adsense. Nag provide din kami ng mga screenshots ng aming account pati yong receipt na pinadala na ni Google yong bayad nila. But still they said not a valid document daw yon and they are insisting us to provide an employment certificate. Kahit daw yong certificate of employment ko as midwife, what the hell is the connection of my daily job sa kinita ko bilang freelance blogger. Hindi naman yong employer ko ang nag send ng pera it’s google.

Di nila maintindihan what Google Adsense is? Mabilis lang naman i search sa google kung gusto nila. Ang mahirap pa nito pinatagal nila ng isang linggo ng kung ano ano mga hinihingi at tinatanong tapos bandang huli hindi rin pala i aaccept yong remitance maanong at first palang kinancel na nila yong remitance para dina tumagal.

Kaya ang suggestion ko sa inyo base sa 12 years experience ko bilang freelance online marketer avoid using PSBank by all means, I suggest BDO sila pinaka mabilis makaintindi pagdating sa online freelancer. Kapag sinabi mong freelance blogger ka or onlinemarketer ka… naiintindihan na nila agad…

Finally google adsense support filipino language

google manila office doodle filipino language supportGood news para sa mga kapwa ko Filipino who want to start their site or blog to make money online. Lalong lalo na yong mga kagaya kong hirap mag sulat or mag construct ng english articles or blog entry.

0Alam ko maraming matutuwa lalong lalo na yong mga kasama ko na sa industry for long time, kasi isa sa mga reason why we can not start our own blog for adsense monetization is that we can not write good article in english.

I am encouraging everyone , lalo na yong mga nag fa follow sa blog na ito na mag start na kayong mag create ng blog nyo. Gawin nyong tag-lish para kahit papaano mas maraming mga ads ang pwedeng i serve ng google sa website nyo.

Sa ngayon diko pa nasusubukan kung ano ang niche na magandang i target sa wikang filipino pero ang suspect ko is that mas maganda kung related ang blog mo sa mga may kinlaman sa mga gadget, cars, online shopping, travel, foods and restaurant, at gamings. Ito kasi yong mga  products or services na pwedeng i target ng mga advertiser ang mga filipino audience.

Kung gusto mo naman ng something na malakas sa traffic (bumibisita sa site) gumawa ka ng blog na may kinalaman sa mga current events na sa palagay mo mag tre-trending.

Basta ang rule is you need to provide quality content to your audience para sa ganon matatak sa isipan nila ang iyong website at muling babalk pa sila to see what is new in your website.

Hope to hear from other fellow filipino blogger ng kwento about sa success or experience nila with this new development. May ginawa na ako dating filipino language blog kaya lang diko na ituloy walang time para magsulat. Pero siguro susubukan ko ulit mag create ng new blog in filipino language. Kung ano man magiging result nito I will update in this blog.

So good luck sa atin lahat.. sa mga OFW try nyo rin mag blog, malay nyo makatulong ito para makadagdag sa kinikita nyo ngayon.

Bakit Adsense?

Hello Folks. Arvin here. Isang hamak na contributor sa blog ni Sir Ed. Kumikita na ako online for over 2 years now. Nag start ako sa pagsusulat ng articles. May pera din sa pagsusulat para sa ibang tao – pero hindi ka yayaman. Kaya naghanap ako ng iba pang paraan para kumita online.

Sa lahat ng sinubukan ko – affiliate marketing, article writing, Amazon, CPA – mas pinaka-gusto ko ang Adsense. Ngayon, hindi pa rin naman ako mayaman, pero at masasabi kong alam ko na kung pano kumita sa adsense.

May isang post the si Ed tungkol sa kung bakit maganda and adsense para sa newbies pero gusto kong talakayin nag topic na ito. Bakit nga ba maganda ang Adsense?

Matatag na Company ang Google

Maraming iba’t ibang companies online na maari kang tulungan para kumita. Pero ang Google lang siguro ang multi-billion company. Sa madaling salita, hindi ka matatakot na tatakasan ka ng Google. As long as hindi ka gumawa ng anuman na against sa kanilang Terms of Service (TOS), makakasigurado kang makakatanggap ka ng bayad every month (basta na reach mo yung $100 at least).

Western Union QuickCash

Ang Google Adsense ay may option na ipadala sa yo ang payment sa pamamagitan ng Western Union QuickCash. Yung ibang companies such as Clickbank and Amazon, checks ang ipapadala ng bukod sa matagal dumating ay matagal din bago ma-clear. Sa Western Union, pagdating ng MTCN, pera na kagad.

Cents Can Add Up To Thousands of Dollars

Oo, cents lang karaniwan ang kikitain mo per click sa adsense. Sa mga websites ko, pinakamalaki na yata yung $5 per click na nakita ko. Bihirang bihira yung mga ganun at depende sa niche mo. PERO . . .

Kahit na cents lang, numbers game lang naman e. Either you target high-paying keywords OR you increase traffic to your sites to earn more.

Isa pa, gaya nga ng sinabi na ni Ed dun sa isang post niya, nakaka motivate na may makita kang earnings everyday kahit cents lang. Nakakalibang na pinduting yung refresh button tapos makita mo nadagdagan ng ang kita mo. =)

Magandang Proof of Income

Natalakay na rin ni Ed to. And adsense ay napakandang proof of income kung magbebenta ka ng website. Pakita mo lang yung screenshots ng adsense earnings mo. Basta kumikita na sa adsense ang isang website, madali itong mabenta. Nakabenta ako ng website for $5000 two months na nakakalipas. Kumikita yun ng mahigit $200 buwan buwan.

Madali Ma-approve

Siguro may ilan sa inyo na ang sumubok mag-apply ng adsense account na hindi na-approve. Ang totoo, madali lang ma-approve sa adsense basta disente ang content ng website mo. May alam kong secret ninja move para madaling magkaron ng adsense account. Siguro sa ibang pagkakataon ituturo ko.

Madali I-Maintain

Dahil nga contextual ang adsense, hindi mo kailangang magpalit ng magpalit ng code. Kahit hindi mo na baguhin yung ads mo, kikita pa rin at kikita. Hindi katulad sa CPA na kapag natapos na yung promotion, kailang paltan mo na naman yung ad. Ang adsense, basta’t nailagay mo yung code, hindi mo na kailangang galawin.

Take note, you have to find the optimum ad placement and ad size muna siempre. Pero after na magawa mo na yun, matagal-tagal na rin bago mo kailangang baguhin.

Babaguhin mo lang naman ang ad placement kung marami kang return visitors na susceptible sa ad blindness. Pero kung 90% ng traffic mo ay new visitors, you won’t have to change your ad placement.

Madali Ibagay Sa Kahit Aling Website

Hindi ako masyadong concerned kung pangit ba o maganda ang itsura ng site ko basta’t kumikita. Pero kung ikaw ay conscious sa visuals ng website mo, madali isingit ang adsense. Maraming ad size. Makakapili ka ng kulay para mag match sa theme ng website mo. At kung talagang kailanga, pwede ka pang mag request sa Google na bigyan ka ng customized na ad sizes. Tingnan mo na lang bilang halimbawa ng ezinearticles.com.

Marami pang ibang bagay ang pwede kong sabihin kung bakit gusto ko ang adsense pero yan siguro yung mga top reasons. Sabagay, halos pare-pareho din naman ang paraan para kumita sa lahat ng klase monetization ng websites. Kailangan mo parin ng keyword research, ng link building, ng onpage optimization, ng social bookmarking etc. etc.

Adsense lang ang pinakapaborito ko at alam mo na kung bakit.

Kung meron kang tanong, mangyari lamang na mag-comment.

Anong site ba ang puede kong gawin para sa adsense?

Kahit ano except topic related to  guns, sex, rasist , porn, gumbling ay puede.  Kahit anong maiisip mo na sa palagay mo ay may interesadong individual or group sa information na ilalagay mo sa site mo ay puede.

Well actually sabi nung mga ibang so called gurus na kung saan field ka daw magaling ay dun ka mag focus kung magaling ka sa cooking , why not share your recipes to your audience, kung magaling ka naman sa basketball why not talk about basketball.

Personally hindi ako masyadong naniniwala dun,  madalas ang ginagawa ko yung against sa mga sinsabi nung mga so called gurus hehehehe ewan ko pero iniisip ko kung minsan sinsabi nila ito para mabawasan ang kalaban nila sa mga niche na talagang may malaking market value.

Hind masamang gumawa ka ng site na related sa field mo pero dapat alamin mo rin kung gaano ba kalaki ang market or audience sa field mo. Kung sa palagay mo ay malaki then go for it pero kung kukunti lang wag mo nang balakin dahil sayang lang pagod at effort mo.

Anong mga Niche ang malakas sa adsense?

Base sa experience ko lahat ng mga high paying niche ay matindi ang compitation pero andito ang pera. Believe me the effort is the same, kahit dun ka sa niche na kukunti ang compitation kailangan mo parin ibigay ang 100% effort mo. Kung ganun din naman pala bakit hindi nalang sa mga niche na sigurado na ikaw maki pag compete.

Ito ang mga niche na matataas ang bayad ng bawat click

– Any health related topic

– Any business related topics

– Any Finance related topics

– Job related topics

– Realestate related topics

– Internet Marketing topics

– Beauty related topics

– Vacation or travel related topics

base sa experience ko yan ang mga field na mataas ang puede mong kitain if you do it correctly.

Start your online marketing journey with adsense

I suggest na mag start kayo sa Adsense, bago kayo pumasok sa affiliate marketing o iba pang mga money making opportunities online.

Bakit?

Kung gusto mong mag benta ng website kailangan may maipakita kang prof of income ang site mo at usually sa adsense nila ito sinusukat. At least kung sa adsense ka nag start bago mo ibenta ang site mo may maipapakita ka nang earnings nito.

Kung gusto mong mag benta ng articles or mag provide ng service para mag sulat ng blog post kaialnga mo rin mag pakita ng sample ng work mo. At least kung may sarili kanang site or blog na ginagawa at ginagamit sa adsense may maipapakita kana at isa pa praktisado kanang mag sulat nun.

Lastly and most important reason ay madaling maka frustrate if after a month or more wala kang nakikitang kita kahit barya man lang. At least sa google adsense may nakikita kang earnings kahit pa barya barya lang… kapag nakikita mo yung pakunti kunti mong earnings lalo kang na iinspire na mag work pa ng mabuti para lumaki ang kita mo.

Dahil sa pagsisikap mo na ito slowly dimo nararamdaman natutunan mo na ang mga pasikot sikot sa net. Specially marketing your sites…

Believe me start your journey with adsense…