Category: Blogging

Adsense Still Works Period

Ilan na ba ang nag approached sa akin para turuan ko silang kumita online? 10, 20 , 50 or maybe more? Diko na alam kung ilan ang exact count, pero sa daming yon ilan lang ba ang naging seryosong gawin ito? Maybe 10 or 15, and most of them become successful in online marketing. Some of them used what they earned from online marketing to put up their own business.  Yong mga ibang nag approach para turuan ko sila for Free preferred to go to other direction. Gaya ng mas ginusto nalang maghanap ng daily job, yong iba mas ginustong tumambay, yong iba naman mas ginustong mag benta benta ng kung ano ano online, yong iba naman nag networking nalang, at yong iba naman nag oonline din daw sila pero gusto nila easy job like illegal clicks ads or typing capcha.

Wala naman masama sa mga napili nilang path, ang tanong ko lang sa kanila are they making good money from what they choose? Kumikita ba sila kahit natutulog na sila? Kung ang sagot nila is Oo I am happy for them. Pero kung ang sagot nila is NO, then something wrong sa kanilang napilang way to make money.

Recently may mga nag papaturo ulit sa akin kung pwede ko rin daw ba silang turuan kumita online, some of them are old friends , yong iba nag babalik lang, at yong iba naman nakilala lang sa online.  Diko alam kung seryoso talaga silang gawin ang online marketing or nakikiuso lang sila or naririnig lang nila. Dahil akala nila ang online marketing is something na easy money. They start from wrong perception, napanood nila sa news, or nakita nila sa mga ads online na yong isang tao kumikita ng certain amount of money. They didn’t realized na before kumita ng ganong karaming pera yong nagsasalit sa video or nabasa nila ay maraming hirap muna ang pinag daanan nito. Maraming pagpupuyat, research, at pag aaral.

Although hindi ako sigurado kung seryoso sila I still tried my best to give them some insight and how to start online marketing. It’s my practice kapag may nag papaturo sa akin sa online marketing, na i encourage them to start their own blog, a blog na something very passionate sila. Kasi base sa experience ko kung gusto mo yong ginagawa mo, hindi ka maiinip, hindi ka mag sasawa. Kaya kung ibla blog nila yong bagay na gustong gusto nila alam ko hindi sila magsasawang gawin ito kasi na ii enjoy nila. Kasi kung gagawa sila ng blog na ang iniisip nila ay kikita agad I bet sooner or later kapag wala silang nakitang earnings aayaw na sila.  Ang nakaka lungkot lang marami sa mga nag papaturo sa akin hanggang umpisa lang sila. I always told them naman na bigyan nila ng 6-12 months yong sarili nila na gawin ito at pag aralan. They don’t need to do it fulltime at least 2-3 hours a day nga lang mahaba na yon. But still they give up, yong iba nga wala pang one month nag i stop na :).

Why blogging?

Kasi para sa akin ito ang pinaka madaling way to learn online marketing, bakit? Kasi kung nag bla blog kana unti unti matutunan mo ang tamang pagsulat ng article na search engine friendly. Dahil may blog ka matutunan mong mag SEO kasi yong mga ituturo ko sayo or mababasa mo online about SEO ma i apply mo na sya agad sa iyong website. Ikaw mismo ang makaka pagpatunay kung yong mga diskarteng natutunan mo ay effective ba o hindi. Applying what you learned is the best way to learn. Mahirap yong puro ka lang basa at theory pero wala kang application.  Maliban sa magagamit mo na iyong blog to apply what you learned in SEO which is one of the core of online marketing. Matutunan mo rin paano ito magkaroon ng visitor from other source of traffic like social media and other websites. Your blog is your training ground, para magpaka dalubhasa sa online marketing. Para kung  sakali in the future gusto mong mag provide ng SEO service, Article writing service, or  SEM services madali nalang para sayo kasi well trained kana, hindi nalang theory ang alam mo kundi actual knowledge and skill na ginagamit mo na sa iyong sariling blog. Ganon kasi ako nag start dati before ako napunta sa outsourcing business. Maliban sa matoto kana pwedeng kumita ka narin sa iyong blog if you do it right. Kung magkaroon ka ng mga regular readers at alam mo na paano magka roon ng maraming traffic ang iyong blog pwede kanang kumita sa papamamagitan ng Adsense, Affiliate sales, or paid guest blog post.

Anong connect nong blog sa title ng post na ito?

Haha , napahaba yong introduction ko yata. Actually gusto ko lang kasing i emphasized sa mga baguhan or yong mga gustong pumasok sa online marketing na hindi madali ang online marketing although kung marami kang tyaga at sipag sinisiguro kong kikita ka online hindi man millions pero pwedeng lampasan ang kinikita ng mga Engineers, Doctors, and OFWs. Pero kung nag hahanap ka ng easy money hindi ito para sayo.

As early as March may mga nag approach sa akin na turuan ko daw silang mag online marketing. As usual I ask them to create blog, sponsor ko na yong domain kako. Ang nasa isip ko is mag focus lang kami sa Adsense muna to monetized their blog. Para sa ganon mapatunayan ko kung kikita ba talaga sila kung gagawinnila yong aking mga tinuturo, gumawa rin ako ng sarili kong website kasabay ng paggawa nila ng website nila. Yong first site ko I started by March and the second one is May. All sites were started from scratch para sa ganon parehas kami nong mga tinuturuan ko. Marami kasing nag sasabi na kahit mga fellow online marketer na naka base sa Pilipinas na mahirap na daw kumita ngayon sa adsense dina daw kagaya datil. Pero hindi ako naninwala doon kasi I give up my outsourcing business na kumikita ng not less than 5K usd per month net para lang mag focus ako sa adsense. Less stress kasi ang pag gawa ng mga adsense sites kaysa mag maintain ng mga makukulit ng mga clients, and I am 100% sure na mas malaki ang kitaan sa adsense compare sa pag proprovide ng services, at hindi mo need umupo 16 hours sa harap ng computer mo.

Back to the topic  :), yong mga nagsabi sa akin na turuan ko sila hanggang umpisa lang sila, everytime I remind them lagi lang nilang sinasabi sige sir gagawin ko na, pero ang malungkot hanggang ganon lang gagawin ko na pero wala naman silang ginagawa hanggang umpisa lang. Yong iba maraming dahilan busy, wala kasing internet connection, may ibang priorities. Pero ang sabi ko di naman nila need laging naka internet, di rin nila need ng napaka habang oras para mag sulat at ipromote ang blog nila. Pero nakikita ko naman lagi silang active sa facebook, lagi silang may update, may comment sa mga friends nila pero pag dating sa blog nila marami silang dahilan obviously they are not interested. Magpaganon pa man itinuloy ko parin gawin yong expirement ko, with two adsense account para sa 2 website. Heto na yong kinikita nong first expirement ko way back March

After 6 months nag aaverage na sya ng 20usd – 30usd per day. I covered the site url for privacy reason.

At ito naman yong second experiment ko na website at adsense account way back May I started this site.

 

Meaning kung sinunod lang sana nong mga nagsabing turuan ko sila sa online marketing yong mga sinasabi ko sa kanila at hindi sila nag ningas kugon siguro ganyan narin kinikita nila or mas malaki pa lalo na kung ito lang ang kanilang ginagawa hindi ko kagaya na may mga iba pang piang kakaabalahan maliban sa dalawang expirement website ko. I want to challenge all those who approached me before to continue what you started this time seryosuhin nyo at hwag ng ningas kugon. Sigurado ako in 4-6 months from now makikita nyo narin ang fruit ng pagsusumikap nyo.

Kung may oras kayong tumatambay sa facebook at instagram bakit di nyo gamitin ang oras na ito para i promote ang iyong website or pagkakitaan ito. Sa halip na yong may ari lang ng facebook ang yumayaman sa palagi nyong pag popost at pag tatambay dito bakit hindi nyo rin gamitin ang mga social media para kumita kayo ng passive income. I showed you proof na pwede kayong kumita sa adsense nasa sainyo na kung diparin kayo mag seryoso at mas pipiliin nyo parin walang gagawin at maniniwalang makakahanap kayo ng easy money.

Union Bank EON Card registration is sucks

For those who are considering to used Union Bank EON Card to make online transactions or for what ever purpose it is, think again.  Here is my case pero hindi lang ako ang naka experience nito. Ang Union Bank EON Card ay pwede ng bilhin sa 7/11 tapos i activate mo at mag register ka online… sa pag reregister pa lang napaka hirap na, paulit ulit mag type ng info kasi nag loloko ang system nila or dimo maintindihan bakit pina paulit ulit ang pag reregister mo.

During the registration you need a valid ID need mo itong pictureran , in my case ginamit ko yong sss ID ko, for 5 or 7 times tries na complete din ang registration ko. Akala ko everything is okay na. Nong mag request na ako ng upgrade kasi a client of mind sent me 80,000 pesos, doon na nag simula ang kalbaryo ng buhay ko sa kanila. Makilipas ang more than 5 days na pag hihintay ko sa request ko for upgrade nag submit ako ng support kasi wala man lang silang update sa akin kung ano na status ng request ko for upgrade.

Doon ko palang nalaman na may problema daw yong ID na ginamit ko kasi walang info yong likod ng ID ko. Obviously wala talaga kung SSS ID ang gagamitin mo. Ang nakakainis hindi man lang nila ako ininform na need kong magbigay ng ibang ID. Binigay ko naman yong totoong email at phone number ko.

So I provided additional ID dalawa na hindi nalang isa ang ID ang pinasa ko. Sabi ng support nila, bigyan ko daw sila ng 3-5 business day para sa upgrade kasi napasa na daw. After 6 business days wala parin akong narinig mula sa EON support. So nag follow up ako, after 2 days palang bago sila sumagot ulit. This may hinihingi na naman sila, need ko daw mag provide ng proof of billing, my God anong klaseng systema mayron ang Union Bank after more than 2 weeks bago nila sabihin need kong mag provide ng additional documents bakit dipa nila sinabi noong una palang, para sabay sabay nang ipadala sa kanila yong mga documents na kailangan nila.

Dahil sa sobrang disappointment ko, sabi ko sa kanila paki balik nalang yong pera na sinend ng aking client. Ang problema ang dami na naman nilang tinatanong at hinihingi like magkano daw yong pinadala, kailan daw pinadala. Juice ko po naman anong klaseng system ang gamit ng Union Bank EON at di kayang i trace yong mga information na yon.

Kaya kung ako sa inyo kung ayaw nyo ng sakit ng ulo.. iwasan nyong gamitin ang service na ito… maniwala kayo masakit sa ulo….

Do not use PSBank (Philippine Savings Bank) if you’re a freelance

Kung ayaw nyong sumakit ang ulo  at di ma stress , avoid PSBank kung ang purpose mo ay gagamitin ito para sa inyong freelance work online. Lalo na kung ito ay para sa remitance of Google Adsense earnings or paypal fund.

Base sa experience namin sasakit talaga ang ulo mo sa kanila. We used to connect our PSBank account to our Google adsense account para sa ganon direct deposit nalang from google to our PSbank account. The problem is nong ipinadala na ng Google yong kita namin last October 2017, hindi nila ito tinanggap bagkos hinold lang nila. They ask me certificate of employment which is obviously we cannot provide,  we are freelance blogger paano ka mag proprovide ng certificate of employment sa kanila. Di rin naman nag proprovide ang google ng certificate of employment kasi di naman tayo employee ng google they are paying us para maglagay ng ads sa website natin as freelance blogger.

Ito yong receipt of google payment… para sa PSBank ito ay hindi Valid and proof of the authenticity of the money transfer.

We explain them everything about freelance blogger and website owner , we also explain them about Google Adsense. Nag provide din kami ng mga screenshots ng aming account pati yong receipt na pinadala na ni Google yong bayad nila. But still they said not a valid document daw yon and they are insisting us to provide an employment certificate. Kahit daw yong certificate of employment ko as midwife, what the hell is the connection of my daily job sa kinita ko bilang freelance blogger. Hindi naman yong employer ko ang nag send ng pera it’s google.

Di nila maintindihan what Google Adsense is? Mabilis lang naman i search sa google kung gusto nila. Ang mahirap pa nito pinatagal nila ng isang linggo ng kung ano ano mga hinihingi at tinatanong tapos bandang huli hindi rin pala i aaccept yong remitance maanong at first palang kinancel na nila yong remitance para dina tumagal.

Kaya ang suggestion ko sa inyo base sa 12 years experience ko bilang freelance online marketer avoid using PSBank by all means, I suggest BDO sila pinaka mabilis makaintindi pagdating sa online freelancer. Kapag sinabi mong freelance blogger ka or onlinemarketer ka… naiintindihan na nila agad…

2523 comments

Ang tagal ko na palang di nag a update kaya umabot na sa 2573 spam comments ang natanggap ng aking blog. Siguro out of 2523 , 20 lang dyan ang legitimate na comment.

Hopefully ma update ko na ulit ang blog na ito. Na i inspire ako tuwing may nababasa akong magandang comment dito or may nag pi PM sa akin sa FB.

Actually may mga gusto na akong topic na i post dito , sana in the future magawa ko ang mga topic na mga ito

  1. Ang hirap ng buhay ng mga OFW
  2. Ano ba ang website traffic?
  3. Paano ba nag kaka traffice ang website?
  4. Ano ba talaga ang pwedeng gawin para kumita online?
  5. Kumusta na ba yong mga taong ginawa kong example dito sa blog na ito?

Puede bang kumita ang Taglish na blog?

Marami ang nag tatanong kung puede daw bang gumawa ng blog na TAGLISH kasi kagaya ko di rin sila magaling mag English. Ang sagot ko dito ay “diko alam” diko pa kasi nasusubukan dati. Pero dahil sa dami ng mga nag tatanong at nag kaka problema sa pagsusulat ng English. Gusto kong subukan kung may chance bang kumita sa blog na hindi pure English ang content.

Kaya naisipan kong gumawa ng model blog, I will consider this as challenge narin. So watch my journey in 6 months at sabay sabay natin tuklasin kung kikita ba ang mga site na hindi pure english ang laman.

How this challenge works?

1.  Choosing a niche to blog – Sabi ko nga, kung ano ang passion mo yun ang i blog mo, kasi kapag fashion mo hindi ka mahihirapan mag sulat at maghanap ng ilalagay mo dito. At the same time syempre alam mo kung ano ang sinasabi mo. Since mahilig talaga akong gumala taong kalye kumbaga , I decided to start a blog about sa buhay kalye (more on travel like blog), mga na i experience ko habag nag gagala ako, gaya ng mga pagkain, problema sa daan, ano nakita ko, san msarap kumain and so on.

2. Choosing the right domain – Mas maganda kung related ito sa topic na napili mo, for me I choose buhaykalye.com and registered it at ipage.com kasi may free domain na at hosting.

3.  Choosing blog CMS – Syempre favorite ko talaga is wordpress, kaya wordpress selfhost ang gagamitin ko. Kung baguhan ka palang at walang budget puede kang gumamit ng blogger para free. Ang reason lang naman kaya gusto ko ang wordpress is I have more control on it than blogger plus the fact that I can host it in my server.  Yung ibang reason hindi ko na sasabihin mahalaga for now is maka-pag start. Kahit anong cms ang gagamitin mo like drupal, wordpress, or blogger okey lang yun.

Heto tutorial paano mag setup ng wordpress blog sa sarili mong server

At heto naman kung blogger ang gusto mong gamitin

4. Link building –  Since Taglish ang content ng site na ito it is hard to get back link from english websites , so I naiisip ko lang na link building na puede kong gawin dito is directory submission, filipino forums, social bookmarking, and social media sites. Kung may mga iba pang source of back link akong gagawin in the future for sure ma-ilalagay ko rin sa blog na ito.

In six month i bla-blog ko lahat ang mga ginagawa ko sa blog na gagawin ko at makikita nyo rin kung ano ano ang mga ilalagay ko na laman ng blog.

Kung after 6 month at kumita kahit $100 a month ang model site na gagawin ko meaning may pag-asa rin kumita ang mga none english blogs.

So watch out guys…

Para hindi maubusan ng ideas na isusulat sa blog

Mabilisan lang ito, it’s 3:25 AM na hehe medyo inaantok narin, pero kailangan ko ring i update ang blog na ito to update yung mga nag hihintay ng new post ko. Sensya na medyo busy pa kaya hindi masyadong nakaka pag update. I am creating a product right now that will be soon to launch hopefully next week na. Puede kang mag join dito and you can earn 100% commission directly deposited to your paypal account. I announce ko dito day before the launching.

Since mabilisan lang ito, please kung may mga mali ako or kulang kulang paki inform nalang din ako or kayo nalang bahalang umintindi. Baka kasi di makasunod yung mga daliri ko sa sinasabi ng utak ko :).

Here we go..

Okey,  aminin na natin kahit pa passion natin at knowledgeable tayo sa topic na napili natin para iblog.  Dumarating  tayo sa point na hirap tayong mag isip kung ano ba ang isusulat natin. Sa kadahilanang ito,  dito nag uumpisang tatamarin na tayong mag sulat para sa blog natin kasi akala natin nasabi na natin lahat. Akala natin wala natayong idea or alam pang isulat sa blog natin. Ito ang isang reason why other people feel bored writing their blog content.

I mentioned in one of my previous blog that you must start a blog that you are passionate .  Kasi kung passion mo or knowledgeable ka sa topic na napili mo hindi ka mahihirapan mag sulat ng content ng blog mo. Mag paganun paman may times talaga na palagay mo naibigay mo nalang nasulat mo nalahat.  Pero sa tutoo lang walang katapusan ang puede mong isulat, kaya lang wala kang clue kung paano mang yayari ito.

Para dika maubusan ng idea kung ano ang isusulat mo,  kailangan mo ng magbibigay sayo ng mga ideas.

1.  Magazines

Ang mga magazines na related sa niche mo ay malaking tulong para magkaroon ka ng idea kung ano ba ang dapat mong isulat sa blog mo.  Maraming articles dun na puede mong gawing reference para sa susunod mong post. Alam mo ba na yung mga ads duon ay puede rin maging clue para sa susunod mong blog post.

2. TV Shows

Halimbawa ang blog topic mo ay about cooking, sa pamamagitan ng mga tv cooking shows magkaka roon ka ng idea kung ano ang susunod mong i susulat sa blog mo. Ang mga tv shows ay napakalaking tulong sa atin para maging updated tayo kung anong bago sa ating napili na topic. Kung minsan kasi dahil busy tayo dina tayo updated sa mga bagay bagay na interesting para sa atin.

3. Books

Maghanap ka ng  aklat na related sa topic or passion mo. For sure ang mga aklat na ito ay makakapagbigay sayo ng maraming ideas para may maisulat ka saiyong blog. At hindi lang basta idea at information kundi high quality information that you can share to your blog readers.

5.  Group / Organization

Kung may mga grupo or organisasyon sa niche na napili mo, maganda kung makakasali ka sa kanila. Dahil ang mga members ay makakatulong sayo para makakuha ka ng ideas. Kadalasan kasi ang mga members ng isang org for a particular niche laging updated mga yan at gusto nila nauuna silang magbalita sa mga kasamahan nila.

6. Join Forums

Maghanap ka sa internet ng mga forums na related sa napili mong topic, mag join ka sa top 5 forums na makita mo.  Regular mong bisitahin ang mga forum na mga ito. For sure marami kang makukuhang idea sa mga members.

7. Use Google Alert

Ang google alert ay napaka effective tool para maging updated ka kung ano ang mga bago sa niche mo. Kailangan mo lang sabihin kay google kung anong keywords ang i aalert sayo everytime may bagong pang yayari sa topic na napili mo.

8. Subscribe to related blog

Hwag kang matakot na mag subscriber sa mga ibang blogs na related sa site mo, makakatulong ang mga ito para sa ganun maging udpated ka lagi kung ano na ang bago sa niche mo.  Karamihan kasi sa mga authority blogs owner everytime maybagong post sila pina padalhan din nila ang kanilang mga subscribers.  Kung naka subscribe ka sa top 10 blogs na related sa niche mo dika na halos mauubusan ng idea kung ano ang susunod mong isulat para sa mga readers mo.

Kung sa palagay mo maganda yung blog post na nabasa mo at naging reference mo magbigay ka ng link papunta dun. Hwag kang mang hinayang sa link na palabas, usually kapag nakita ng mga ibang bloggers na nagbigay ka ng link sa kanila at nagustuhan din yung blog content me they will do the same dimo na ito kailangan hingin sa kanila.

9. Idol/hero sites

Kunin mo yung top 10 sites sa niche mo, parang yung sa number 8 lang din. Gawin mo silang idol site mo. Diba kapag idol mo ang isang tao ang ginagwa mo halos ginagaya mo sya. Diko naman literally sinabing kupyahin mo buong site, what I mean is tignan mo kung ano ang ginagawa nya sa site nya baka puede mo rin implement sa site mo. The fact na sila yung top 10 sites ibig sabihin authority sites na sila sa niche mo.

Since authority site na sila proven na , nag wowork yung mga ginagawa nila sa mga sites nila.  So kung gagayahin mo rin yung ginagawa nila sa mga sites nila sooner or later magiging authority site narin ang site mo. Hwag mong isipin ang mga site na mga ito ay kalaban mo. They are your role model to become successful.

Itong mga idols/hero sites mo ang makakatlong sayo para dumami lalo ang idea mo kung ano ang puede mong isulat para sa blog mo.

Ayan syam lang dipa nabuong sampo :).

Siguro naman ngayon using this 9 source of ideas hindi kana mauubusan ng idea para may ma ipost ka sa blog mo.  Tandaan mo lang, mag focus ka lagi sa pag proprovide ng high quality content para sa mga readers mo. Money will only the second reason why you’re blogging.

Ayan it’s 4:00 AM na… sensya na guys kung medyo magulo yung pagkakasulat ng blog post na ito kapag magkaruon ako ng time na i edit i edit ko sya. For the meantime… unawain nyo muna 🙂

What should we write for our first blog post?

Kumusta kumusta… Ang tagal ko ng gustong mag post about this topic pero inabot yata ako ng katamaran kaya dina natuloy tuloy. Inabot na tuloy ng undas bago matapos.

Ano ba ang effective way para sa blog posting? Itong tanong na ito ay nanggaling sa isang kaibigan ko na gustong sumubok mag blog para may additional income daw sila. Full time mom kasi sya, so gusto nya makatulong sa asawa nya sa mga free time nya.

Isa lang ang alam kong  sekreto ng mga successful bloggers kapag gumagawa sila ng blog post, ito ay ang makuha nila ang emotion ng mga readers nila.  Believe it or don’t lahat tayo ay emotional, hindi tayo machine na walang emotion.  Para basahin ng mga tao ang  mga blog post mo at subaybayan nila ang blog mo kailangan ma hit mo ang kanilang emotion. So paano mo ito magagawa?

Story Telling

Sa palagay ko ito ang isa sa pinaka effective way to promote or market your self or your blog sa mga prospect readers mo.  Start your blog with your story.  Sabihin mo kung ano ba ang kwento behind this passion. Bakit ang bagay na ito ang passion mo, paano ka nag umpisa.  Marami sa atin ang mas gustong magbasa ng kwento about sa buhay buhay ng ibang tao, lalo na kung nakaka relate tayo sa kwento ng writer, marami sa atin ang pagbabasa ng facts ay boring.

Karamihan sa mga nakabasa ng kwento ng buhay ko ay naging avid reader ng blog na ito. Kasi sa unang post ko palang naka connect na ako sa emotion nila.

Puede mong umpisahan lagi yung blog post mo with a story of yours, a friend, or someone else na sa palagay mo makaka relate ang mga readers mo. A story that you can connect to your blog post topic.

Ang kagandahan kung ang mga blog post mo ay dinadaan mo lang sa kwento ay dika mahihirapan mag isip kung ano ang isusulat mo. Dahil ito ay kwento mo siguradong high quality information ang maibibigay mo sa mga readers mo.

Don’t Tell a Lie

Ang mga reader mararamdaman nila kung totoo ba o hindi ang sinasabi mo sa kanila. Wag kang mag imbento ng kwento para lang may ma ipost ka. Baka sabi mo, sabi ni Ed  “idaan ko daw sa kwento yung mga blog post ko”. Oo sinabi ko na idaan mo sa kwento ang blog post mo pero diko sinabi na mag sinungaling ka or gagawa ka ng kwentong hindi totoo.

Tandaan mo sa online marketing kahit ano pa ang napili mong way to earn from online, reputation is very important. Alagaan mo ang reputation mo kung gusto mong maging successful.

Heto personal kong experience, may ginawa akong blog post dati sa luma kong blog.  Sinabi ko dun na ito ang ginagawa ko para kumita  ng $40 a day ang site na ito from adsense, pero yung site na yun hindi naman talaga kumikita ng $40 a day kundi $7 a day lang yata minsan lower pa nga eh.  Naisip ko kasi kapag ginawa ko yun maraming tao ang pupunta dun, kasi gusto nilang malaman ano ginawa ko para maka $40 a day yung blog na yun.

Ang dami kong nakuhang magagandang comments, kaya lang hindi ko inexpect may isang visitor yung blog ko na nag sabi mas maganda daw kung sana ipakita ko yung screenshot nung sinasabi kong $40 a day para lalong ma inspired yung mga readers.  Dahil sa comment na yun bigla akong nahiya sa sarili ko at sa mga ibang taong nag comment.  Ano ang ipapakita ko sa kanila eh wala naman talagang $40 a day earnings yung site na yun. What I did is I deleted that post. At mula nun I promised to my self na hindi na ako gagawa ng kwento na hindi totoo.

What if pinilit nila akong mag pakita ng ebidensya sa sinulat ko sa blog ko, kapag wala akong maipakita syempre sasabihin nila sinungaling ako at dina sila ulit babalik pa sa blog ko. Sira pa ang reputation ko.

Kaya wag na wag kang mag popost ng dimo sigurado at hindi totoo para dika masira sa mga taong sumusubaybay sa blog mo. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa isang post ko na mas magandang passion mo ang blog na gagawin mo para alam mo kung ano ang sinasabi mo at dimo na kailangan magsinungaling or mag imbento ng kwento.

Focus on providing quality information

Syempre kung gusto mong balik balikan ka ng mga readers mo dapat mag focus ka sa pag provide value sa kanila. Mga information na makakatulong sa kanila. Marami kasing nag bla blog na ang iniisip nila ay mag bla blog sila para kumita. Nakakalimutan tuloy nila na dapat mag focus sila sa pagbibigay ng mahalagang impormasyon sa mga readers ng blog nila.  Kung ang mga information na ibinibigay mo sa mga tao ay high value, ma eearn mo ang kanilang tiwala.  At kapag ang mga taong ito ay may tiwala na sayo, everytime na may i rerecommend kang product sa kanila sa malamang bibilhin nila ito kasi may tiwala na sila sayo.

Sabi nga ni Zig ZiglarYou can have everything in life you want, if you will just help other people get what they want.

Don’t limit your thoughts

Ang tanong ng isang tao ko nung sinabi kong gawa sya ng blog ay gaano kahaba yung blog post sir?  Hwag nyong i limit ang haba ng post nyo. Hayaan nyong tuloy tuloy lang yung information na ibinibigay mo sa reader ng blog post mo. Hindi puede yung, uy naka 500 words na ako puede na ito. Bakit kailangan mong tapusin yung blog post mo kapag naka 500 words kana kung hindi mo pa naman naibibigay yung kabuoan ng information na gusto mong ipaabot sa magbabasa nito. Kung umabot ito ng 300 words, 500 words or 2000 words then let it be.  Ang mahalaga masaya yung nakabasa ng blog post mo pagdating nya sa dulo ng article.

All text is boring

Lastly,  to be honest kapag nakita ko na puro text yung isang blog post tinatamad akong umpisahang basahin ito. Boring kasing tignan at parang ang haba nakaka tamad na basahin.  Magandang lagyan mo ng at least one or more related image ang blog post mo para magkaroon ng buhay ito.

That’s it for now, salamat sa pagbasa…

Can I ask a favor from you, puede bang mag iwan ka ng comment? Kung may gusto kang  talakayin ko sa blog na ito na diko pa na natatalakay dati, please paki sabi sa comment para maisama ko sa mga susunod na mga blog post ko.

At kung gusto mo ang mga laman ng blog na ito, at gusto mong makatanggap ng email everytime may bago akong post, paki fill up yung subscription form sa left top side ng page na ito.

Happy Halloween sa inyong lahat… Punta muna ako sa October Fest 🙂

 

I want to start my blog, but what topic should I choose?

Pagkatapos ng seminar sa Microcity, habang nag memeryenda kami, Miss Carmen Morales (Owner of the school) ask me kung puede ko daw ba syang turuan mag start sa online marketing. Ang sagot ko ay sure maam, mag start kayo sa pagsusulat ng blog. Ang sagot sa akin is paano ako mag i start ng blog at ano ba ang gagawin kong blog?

The other night, bago kami mag sleep ni misis I ask her bakit hindi sya mag blog. Ang sagot sa akin ano daw ang ibla-blog nya? Sumunod na araw an online friend from Singapore also approach me asking me if I can help her to start a blog para maka pag adsense sya. At tinatanong ako ano daw ba ang topic na puede nyang gawin.

Tapos yung dati ko naman classmate nung high school, ka chat ko sa fb the other day after nyang mabasa yung post ko about sa Seminar namin sa Microcity about how to make money online. And dami rin nyang tanong about sa online marketing I list some of her questions sa last post ko. At ganun din, di rin nya alam kung anong topic ba ang gagawin nyang blog.

Last night nag post ako ng survey sa seo org philippines official FB group and I learned na marami parin pala sa mga nasa online marketing na ang wala pang blog o dikaya dina naa-update. Isa sa nakikita kong reason bakit wala pang blog yung iba ay dirin talaga alam kung ano ba ang kanilang gagawin na blog at yung iba naman na nag start ng blog nila pero dina nila na update sa malamang wala silang interest sa topic ng blog na inumpisahan nila.

What topic should I choose?

Kung mag re-research ka online about sa question na ito, at kung magtatanong ka sa mga nasa online na ngayon.  Malamang dalawa ang pagpipilian mong sagot, ang isang grupo sasabihin sayo maghanap ka ng mga topic na may mataas ang potential earnings gaya ng insurance, health, attorney at iba pang high paying keywords. Yung isang grupo naman sasabihin sayo mag start ka ng blog base sa interest at passion mo.

Para sa akin , proven na in the long run, na mas successful ang mga taong nag bla-blog, na ang topic ay ang kanilang passion o may interest sila sa topic na sinusulat nila.

Kung passion mo or interested ka sa  napili mong topic na iblog mas madali para sayo ang mag-sulat ng high quality content para sa iyong mga readers.  Hindi mo kailangan ipeke ang mga isusulat mo kasi alam na alam mo ito. Hindi rin stressful para sayo ang magsulat kasi nga nag eenjoy ka dito.  Hindi ka mauubusan ng isusulat para sa mga taga subaybay ng blog mo. Hindi ka rin magsasawang mag sulat kasi gusto mo yung sinusulat mo.

Ang magkaroon ng blog na related sa passion or interest mo ay magbibigay sayo ng 99%  assurance na mag success ka. Kung passion mo ang isang topic or industry mas marami kang alam dito at kung marami kang alam dito mas marami kang pweding isulat. Dahil marami kang maisusulat mas malaki ang chance na malaki ang kikitain mo.

Paano mo malalaman ang passion mo?

Marami sa atin ang nalilito at hindi alam kung ano ba talaga ang passion nila. Tinanong ko yung 40 staff ko sa office, kung ano ang passion nila sa buhay. Marami sa kanila ang hindi makasagot ng diretso kung ano ba talaga ang passion nila. Hindi sa wala tayong passion, minsan hindi lang natin nabibigyan ng pansin ito. Minsan naman di tayo nabigyan ng pagkakataon na gawin ito.

Ito ang pinaka malaking dahilan kaya marami sa mga nag-uumpisa ng blog ang hindi kumikita at tumitigil sa pag susulat ng laman ng blog nila. Hindi sila makapag bigay sa mga prospect audience nila ng valuable information kasi nga kulang sila ng interest at kaalaman sa napili nilang topic.

Ito ang advantage ng mga taong may blog na related sa kanilang interest at passion.  That is the main reason why I am suggesting that you start a blog in your passion.

Masasabi mong passion mo ang ginagawa mo KUNG:

–    Nag eenjoy ka sa ginagawa mo gaano man ito kahirap.
–    Nawawala ang stress mo habang ginagawa mo ito.
–    Manalo ka ng 100 million pesos sa lotto ngayon, bukas gagawin mo parin ito.
Example :

1.    Mahilig kang umakyat sa mga bundok, alam natin lahat na ang pagakyat sa mga bundok ay mahirap at nakakapagod. Marami ang nagtatanong ano ba ang napapala nang mga taong umaakyat sa bundok?  Pero para  sayo ang pagakyat sa mga bundok ay libangan at masaya ka kapag ginagawa mo ito.

2.    Mahilig kang mag alaga ng aso, kahit pagod na pagod kana galing sa trabaho nagagawa mo paring paliguan ito, nagagawa mo parin ipasyal ito. Para sa mga ibang tao di nila maisip bakit sinasayang mo ang oras at pera mo sa pag aalag ng aso, at minsan they are

questioning bakit pati sa pagtulog katabi mo eh ang baho daw nito. Pero para sayo nawawala ang stress mo habang ginagawa mo ito.
Marami pang ways para malaman ang passion natin pero ang tatlong nabanggit ko ang sa palagay ko ang pinaka simpleng paraan para malaman mo kung passion mo ba ang bagay na ginagawa mo o hindi.

Paano malalaman kung profitable ang napili mong topic?

Passion nalang ang gamitin kong salita para I describe ang topic instead of niche (sa mga online marketers kasi niche talaga ang ginagamit nilang salita kapag blog or site topic ang pinag uusapan). Oo nga sinabi ko sa taas na mas malaking ang chance na maging successful ka sa pag bla-blog kung ang uumpisahan mong blog ay related sa passion mo. Pero kailangan din malaman mo na may mga interest or passion din tayo na maliit or walang potential para pagkakitaan natin online.

Gumawa ako ng check list para malaman mo kung ang passion or interest mo ay may potential na pagkakitaan online.

–    Maliban sa iyo, may mga tao rin bang passion din nila ang passion mo? Mga taong nangangailangan ng information or product about sa passion mo.  Halimbawa mahilig kang magluto, alam natin marami rin ang kagaya mong mahilig magluto na naghahanap ng mga iba ibang recipes online or minsan nga bumibili pa sila ng mga recipe books.

–    May mga dedicated forums sa online about your passion.

–    May mga existing magazines or books, na related sa passion mo. May mga existing product na about sa passion mo. Halimbawa ang passion mo ay mountain climbing.  May mga product na bang ibenebenta ngayon para sa mga mountain climber? Oo marami, gaya ng mga bags, cook sets, shoes, tents, at mga guides para makatulong sa mga climber.

–    May mga existing radio or TV shows about your passion. Ito ay malaking advantage in your part, dahil madali nalang para sayo ang malaman kung ano ano ang mga latest information about your passion.

–    Saguting mo ang tatlong tanong na ito without thinking.
1.    Ano ba ang kailangan ng mga taong kagaya ng passion mo?
2.    Ano ba ang gusto nila?
3.    Ano ang mga problemang na eencounter nila?
Example : Ang passion ko ay mountain climbing, Kailangan nila ng matibay na bags, maayos na lutuan, matipay na shoes, gusto nilang malaman ang mga trail paakyat sa isang bundok, madalas nilang problema ay maghanap ng makakasamang umakyat.

Yan ang limang checklist natin para malaman natin kung profitable ba o hindi ang napili nating niche. Hindi naman lahat ay required para masabing profitable ang niche mo, pero at least may dalawa man lang sa limang nabanggit ko.

Palagay ko enough na ang information na ito para maka pag decide ka kung anong topic ang gagawin mong blog. Kung may tanong ka sa mga sinabi ko sa post na ito I’ll be happy to hear them .  Masaya akong mabasa ang mga comments at suggestions niyo regarding sa blog post na ito.

Kung interested ka talagang mag start ng online business, then start with a blog.

 

Hello, kumusta na?

Grabe ang tagal ko na palang di binibisita ang blog na ito, sorry sa mga follower and subscriber. Medyo naging busy lang for the past months, kaya dina naka pag update.

Nagulat ako pag bukas ko ng admin area ang daming spam comment umabot na sa 4230 yung comment 2 hours na akong nag dedelete marami paring natirang spams :).

Halatang dina nabibisita… Last few weeks kasi medyo busy sa lexorsoft.net, binalak ko kasing i open sya to all Filipino freelance pero I decided na hindi na ituloy, instead yung lexorsoft.com nalang ang gawing parang freelance website. Same concept din sya. Tapos naging busy rin ako sa pag start ng office namin sa Iloilo sadly after 2 months nag close kasi hindi magustuhan ng mga customers yung result ng trabaho namin dun.

Baliban sa mga nabanggit ko, I am busy with my online coaching. Gusto ko slowly ship my online service from providing services to passive income. Okey naman kita sa outsourcing kaya lang matrabaho talaga at malaking oras ang kinakain.

Watch out my journey… update ko kayo in blog kung ano na ang progress ng bago kong goal.

Paano ba magsulat ng laman ng blog?

blog content writingIto na naman paulit-ulit nalang tinatanong sa akin. Paano nga ba magsulat ng laman ng blog? Sa totoo lang hindi naman mahirap magblog or magsulat ng blog, ang nagiging problema lang nung ibang nag bloblog syempre kagaya ko kung hindi magaling mag english at english ang gusto nyang laman ng blog nya medyo mahihirapan ka. Pero dapat hindi balakid yun para makapag blog ka.

Bottom line dapat alam mo kung ano yung sinasabi mo at ma i deliver mo ng maayos yung idea or thought na gusto mong sabihin sa reader ng blog mo.

Ito ang isang sekreto sa pagsusulat ng blog,  isulat mo lang kung ano yung naiisip mo o nararamdaman mo as in nag susulat ka lang para sa sarili mo at wala kang paki-alam sa ibang tao. Eh ano kung mali mali grammar ko eh ano kung mali mali spelling ko at least naiintindihan ko naman kung ano sinasabi ko. Kapag ganito ang mind set mo makakagawa ka ng magagandang blog post.  Malamang isa kana rin sa mga addict sa Facebook, diba kapag nagpopost ka dun kung ano nararamdaman mo at naiisip mo yun ang post mo. Parang ganun lang din sa blogging.

Ito tip, narinig ko lang sa radio while driving one day. Ito ay related sa problema natin pagdating sa pagsasalita or pagsusulat ng English. Ayun sa kanya, kapag nagsusulat or nag sasalita ka ng English wag mong iisipin in tagalog muna bago mo ito i translate sa English, kasi mag iiba na ang  kalalabasan nito kapag ito ang naging kagawian mo. Kailangan na kung English ang inumpisahan mong isulat dapat wag mong isipin yung sinasabi mo in Tagalog dapat English agad.