Category: Content

Paano ba magsulat ng laman ng blog?

blog content writingIto na naman paulit-ulit nalang tinatanong sa akin. Paano nga ba magsulat ng laman ng blog? Sa totoo lang hindi naman mahirap magblog or magsulat ng blog, ang nagiging problema lang nung ibang nag bloblog syempre kagaya ko kung hindi magaling mag english at english ang gusto nyang laman ng blog nya medyo mahihirapan ka. Pero dapat hindi balakid yun para makapag blog ka.

Bottom line dapat alam mo kung ano yung sinasabi mo at ma i deliver mo ng maayos yung idea or thought na gusto mong sabihin sa reader ng blog mo.

Ito ang isang sekreto sa pagsusulat ng blog,  isulat mo lang kung ano yung naiisip mo o nararamdaman mo as in nag susulat ka lang para sa sarili mo at wala kang paki-alam sa ibang tao. Eh ano kung mali mali grammar ko eh ano kung mali mali spelling ko at least naiintindihan ko naman kung ano sinasabi ko. Kapag ganito ang mind set mo makakagawa ka ng magagandang blog post.  Malamang isa kana rin sa mga addict sa Facebook, diba kapag nagpopost ka dun kung ano nararamdaman mo at naiisip mo yun ang post mo. Parang ganun lang din sa blogging.

Ito tip, narinig ko lang sa radio while driving one day. Ito ay related sa problema natin pagdating sa pagsasalita or pagsusulat ng English. Ayun sa kanya, kapag nagsusulat or nag sasalita ka ng English wag mong iisipin in tagalog muna bago mo ito i translate sa English, kasi mag iiba na ang  kalalabasan nito kapag ito ang naging kagawian mo. Kailangan na kung English ang inumpisahan mong isulat dapat wag mong isipin yung sinasabi mo in Tagalog dapat English agad.

Paano kumita via selling article

Okey nabanggit ko sa mga nauna ko nang post na puede kang kumita ng pera sa net sa pamamagitan ng pagsusulat ng articles. Take note hindi basta article but high quality articles.

Good grammar and spelling. Ang pinaka magagandang articles na ibenta ay mga related sa health, beauty and fitness, internet related, at business and finance.

Kung makakagawa ka ng mga article sa mga field na mga ito almost sure na puede kanang kumita. You can sell an article from $2 to $10 each depende sa topic at haba nito, at syempre yung quality nito.

Una mong gawin write 2-4 different articles, tapos i post mo sya sa internet as your free sample. Puede mong ipost ito sa http://www.articlesroom.com Wait ka ng 24 hours bago ma aaprove ang article mo, or gumawa ka ng blog mo sa blogger.com at ipost mo dun yung mga sample articles mo.

After mong ma ipost yung mga article samples mo, punta ka sa forums.digitalpoint.com under ng buy and sell forum, i explore yung mga subtopics at mga post tignan mo kung may mga nag hahanap ng mga article writer dun kung mayron kuntakin mo yung member nangangailangan ipakita mo yung sample mo.. same sa http://www.warriorforum.com

Kung magugustuhan nila yung sample mo kasunod nun syempre gawin mo na yung kanilang mga order, pero bayad muna bago mo ito gawin kasi maraming mga balasubas na customer kung inuna mong ibigay yung article sasabihin nila di nila nagustuhan yung article mo.

BTW mag join ka sa mga nabanggit kong forum kasi dun ka mag hahanap lagi ng mga customers mo.

Before you make any transaction kailangan mo munang mag karoon ng Paypal account. Kasi karamihan sa mga bumibili ng electronic products sa net ay paypal ang gusto.

Signup ka muna ng paypal account Dito and start selling your articles.. .good luck.

Anong ipo-post ko sa blog ko?

Ewan! Blog mo yan eh! Hehehehehe….

Depende kung anong topic ang laman ng blog mo, kung ang blog mo ay related sa skill or line of profession mo for sure hindi na malaking issue ito. Pero kung ang napili mo na topic ay hindi related sa line of profession or hilig mo then may problema nga siguro kasi dimo pa alam ang gagawin mo.

Kung ang topic na napili mo ay hindi mo line, madali parin yan. Maraming mga free articles na puede mong kunin tapos i rewrite mo ito para mag mukhang unique sya para sa mga visitors mo at hindi ka maakusahan na magnanakaw ng article ng mga ibang tao.

Saan makakakuha ng mga free articles?

Sa articlesroom.com, ezinearticles.com, at goarticles.com are good source of free articles. Karamihan sa mga articles sa mga nasabing site ay well written. Ang gawin mo lang gamitin mo yung mga search box sa mga site na yan to search for a topic na related sa niche na napili mo.

Pagkatapos mong makapili ng article or mga articles mula sa mga free article directories. I re-write mo ito para sa ganun magmukha syang original at hindi ka pag bintangan na magnanakaw. Hindi ito mahirap na gawin so gawin mo. Mahina ka sa Englisan kagaya ko hindi yan problema, use google translate tool tapos i correct mo nalang yung result nito.

Paano gamitin ang google translate para maka pag rewrite ka?

1. Open google translate site http://translate.google.com/translate_t

2. Paste mo yung article na gusto mong i re-write sa text box tapos i translate mo sya from english to German, then from German to Frence, Then Frenche to Spanish , tapos i translate back mo na sya sa English at this time makikita mo nang magkaiba ang dalawang article. Kung dika pa satisfied ulitin mo lang yung process ulit.

3. Correct the grammar of your new article.

Ganun lang kadali may ilalagay sa blog mo..

Ulitin ko lang wag mong kupyahin ng boong boo ang article , re-write mo.