Category: Inspirational

I almost paid $20,000 for a client mistake, positive actions will always do the magic.

Kung ko lang i share what happened to me 4 days ago. I receive a phone call from an attorney  base in Makati, according to him may demand letter na ang (diko na i mention yong company) regarding sa infringement of  international copyright law. Dahil daw I used a trademark and copyrighted images. According to him there were 5 emails sent to me asking me to cease and disease all those promotion we’ve made 6 years ago. To be honest hindi ako aware na may mga emails na palang dumating sa isang email address ko kung saan halos 2-3 years ko ng di binubuksan.

Nong i search ko yong nasabing request I found out na mayron nga at napakatagal na pala ito. Dahil akala nila I ignored all their emails and request they file case against me and my company. Nong nalaman ko ito ang unang pumasok sa isip ko ay natakot, syempre bakit madedemanda ako sa kasalan diko naman ginusto. Hindi ako maka pag isip ng maayos diko alam ano gagawin ko saan ako kukuha ng $20,000 agad agad to settle the problem.

Nag umpisa yong problem dahil sa dalawang images na binigay sa akin ng aking client, diko narin i meniton ang name nya. Matagal kong naging client yon and I admit I made lot of money from him. During that time I guess it wast 2012 may pina promote syang mga websites nya where he is selling wines. Binigyan nya kami ng 2 images na gagamitin namin to build graphics material for the promotion of his online liquor website. I even ask him personally kung may pahintulot ba sa kanya na gamitin ang dalawang images and he replied with a scanned image na nagsasabing pinapahintulutan syang gamitin ang mga nasabing images. Yon pala hindi totoo fake lang.

Nong dumating problemang ito at sya muna ang hinabol ang ginawa nya dinown nya ang kanyang website tapos saka kami itinuro na may kasalanan. Pinalabas nya na kinuha lang namin yong image online without asking permission. Kinausap ko yong client about this problem I even show him our email correspondence pero still he is insisting na kasalanan daw namin yong nangyari kasi hindi namin verify ang authenticity nong agreement to use. And after that he ignored me totally kahit anong message ko sa kanya kahit anong pakiusap ko sa kanya na tulungan nya akong maayos ang problemang ito kasi sya naman maykasalanan hindi na ako sinasagot.

For the past 3 days halos wala akong tulog, kaiisip ano gagawin ko para ma solve ko ang problem na ito. Iniisip ko saan ako kukuha ng 20,000 usd that is more than 1 million pesos if we convert it sa current rate exchange. Di ako makatulog, stress as in stress di maka pag isip ng maayos to the point na mainit lagi ang ulo ko nadadamay pati mga mgahal ko sa buhay. Pati anak ko na sisigawan ko at napalo ko pa sya twice I am totally disoriented.

But I said to my self this morning, oo this morning lang kung wala akong gagawin I should not expect any result.  Ang condition nila I’ll pay para sa danyos or I will remove all those images online and they will withdraw all the charges against me ang my company. So naisip ko ang pagasa ko nalang is kailangan ko maalis lahat yong mga images na ginamit ko ang kanilang trademark.

I tried to search the image and I found it, and tried to remove the image luckily standard yong mga gamit namin dati sa aming company sa paggawa ng username at password pati email address so hindi ako nahirapan alisin yong unang image then I move to the next image pero naisip ko ang dami more than 40,000 entries ang need kong linisin how can I do that for 7 days (yon ang binigay sa akin na palugit). Pero need kong gawin ito I need to make possible the impossible. No room for negative today.. so I started to think paano mapabilis kung mag hahire ako kahit 10 pa ang i hire ko di namin kayang linisin lahat ng mga images na mga yon. Tapos kaninang mga 2 siguro or 3 diko matandaan nakita ko yong post ko sa facebook it’s a joke about sa mga students na gustong maging programmer.. haha biglang naisip ko what the heck programmer pala ako bakit diko naisip agad I can create a simpel script to do all the magic.

Yes… in less than 1 hour I completed a very simple program na ang gagawin i seasearch lahat yong mga images using certain keywords and criteria and boy magic talaga  kasi in less than 10 minutes wala na lahat yong mga images na need kong burahin. Sobrang saya ko, nabunutan ako ng tinik actually hindi nga tinik eh pako na di singko.

Then I contacted the legal department of the said company, sinabi ko na lahat ay naayos ko na. Sabi ng kausap ko 2 hours ago nakita pa daw nila na 40k plus yong mga images na nakakalat online. I told to him na i check ulit and he said what the hell have you done how did you do that? Sabi ko I created a simple program that will search and destroy all information that I want to be remove online.

Biglang nagka interest about that said script and offer me kung gusto ko daw i compensate nila ibigay ko lang yong script na ginamit ko. Wow astig haha ngayon ako na kikita sa halip na ako ang magbabayad. Well wala naman na akong panggamitin sa nasabing script why not anyways it’s a 50 lines program lang naman sya haha. Kumita pa sa bandang huli.

The lessons are:

  1. Mag ingat sa mga nakaka transact online kahit matagal mo ng kakilala or customer kapag sa gipitan na ililigtas nila ang kanilang sarili.
  2. Tandaan mo malaking usaping ang copyright infringement pagdating sa online so mag ingat ka sa mga ginagamit mong images, trademark materials, content, at even text.
  3. Kapag mayganitong kasalimoot ng problemang daratign sa buhay mo hwag kang mataranta, mag isip ka ano dapat mong gawin para sa ganong masolosyonan instead of matakot or tumahimik nalang magmokmok. Kapag hinayaan mong kainin ka ng problema hindi kana makaka pag isip ng maayos, pati mga taong mahal mo at nagmamahal sayo ay madadamay na.
  4. Don’t give up, think think think then focus. Use every possible resource of knowledge you have to solve your problem
  5. Tandaan mo kung maghahanap ka ng solosyon sa problema mo makakahanap ka..
  6. Kung quequestionin mo ng quequestionin bakit sayo ang problemang hinaharap mo instead of doing something to solve  the problem don’t expect na mawawala ang probelmang kinahaharap mo
  7. Stop complaining , you need to act.

Paano makakamtan lahat ng gusto mo sa buhay?

Gusto ko lang i share ang kwentong ito, sana basahin mo hanggang dulo. Originally ito ay English, kung mas comportable ka sa English puede mong basahin ito dito http://11pearls.org/11_Pearls.pdf

At hindi rin ako ang nag translate dito  :), ipina translate ko sa isang teacher ko sa Microcity Computer College is Maam Mhel Baluyot.

Naisipan kong ipa translate para sa mga hindi masyadong mahilig magbasa ng English eh mas maging interesting para sa kanila. Humihingi din ako ng pa-umanhin kasi diko na inedit may mga kunting typo error pero alam ko naman maiintindihan nyo na yun…

Napakaganda ng kwentong ito, sana maging interesting sa inyo at kung gusto nyo sya sana i share nyo sa mga kaibigan at kakilala nyo.

Labing Isang PERLAS

Paano mo makakamit ang lahat ng iyong ninanais sa buhay?

                Naranasan mo na bang ibigay ang lahat ng iyong makakaya para sa isang gawain, tapos ang kapalit ay isang kararampot na pabuya?  May mga tao bang mas mababa ang kakayahan sa paligid mo na siyang pumipigil sa iyong pag-asenso? Ito kaya ay ang iyong amo o isang taong malapit sa iyo na nagkukunwaring kaibigan mo?  Ang senariong ito ay isang malaking katotohanan sa ating mundo ngayon, tulad din ng kasabihang “hindi mahalaga kung ano ang alam mo, mas mahalaga kung sino ang kakilala mo”. Kung hindi ka marunong sumali sa larong ito, pasensya na lang dahil walang papel na pwede mong gampanan sa buhay na ito.

Pamilyar sa akin ang ganitong damdamin.  Hindi ako sanay sa mga mapulitikang kalakaran na kasama ng trabaho, at lalong ilang akong magkunwari.  Dahil dito, mahabang panahon akong nagdusa sapagkat hindi ako naging mabuting “taga-sunod”, hindi ko maatim na tawaging “prinsipe” o “prinsesa” ang isang taong may tungkulin nga ngunit wala naming kakayahan.  Napakahirap magkunwari, dahil dito nagpalipat-lipat ako ng trabaho.  Dumating ang pagkakataong pinagdudahan ko ang aking sarili.  Ano ba ang aking kakayahan?  Ano ba ang kaya kong gawin?

Isang araw habang ako ay nagbabakasyon sa probinsiya, natagpuan ko ang isang lumang-lumang aklat na nagbago sa aking pananaw.  Natagpuan ko ang aklat sa loob ng isang kahon sa basement ng isang giba-gibang bahay sa paanan ng burol.  Lumang-luma at halos madurog na ang mga pahina, mabuti na lamang at ito ay nakabalot ng plastik at nakasilid sa isang lata.

Maingat kong tinanggal ang balot, at sa pagkakataong iyon iba ang aking naramdaman.  Lumukso ang aking damdamin, at kahit malamig at amoy-kulob ang hangin, sa kaunaunahang pagkakataon sa loob ng maraming buwan, nakahinga ako ng maluwag!

Wala ang mga unang pahina ng aklat subalit mababasa mo ang pamagat na nakasulat sa ibaba ng pahina:  “11 Pearls”. Sa tabi ng mga salitang ito ay may larawan ng isang maliit na “crescent moon”.

Dinala ko ang aklat sa liwanag, masusi kong pinagmasdan ito at naramdaman ko ang kahalagahan ng lumang aklat.  Naupo ako sa ilalim ng isang puno at nagsimulang magbasa.  Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga oras!

Ito ay istorya ng isang lalaki, si Caleb, na dumanas ng matinding hirap at pang-aapi sa buhay.  Kahit maraming taon ng nangyari ang salaysay, pakiramdam ko ay kilala ko si Caleb: marami siyang naranasang kabiguan, madalas siyang pagtawanan at kutyain ng kaniyang mga kapitbahay, at sa murang edad ay nagtangka siyang kunin ang sariling buhay.

Umalis si Caleb sa kanilang bayan at nagpalipat-lipat sa maraming lugar, natulog sa sabsaban ng kabayo, at nabuhay sa pagkain ng mga berries at kulisap sa kagubatan, hanggang makarating siya sa pintuan ng isang magarang bahay-panuluyan sa isang malaking bayan.

Biglang lumabas ang may-ari ng bahay-panuluyan, pasigaw na tinanong kung bakit ngayon lamang siya dumating.  Nang tawagin siyang Jonny at igahis sa kanya ang apron, nagkibit balikat lang si Caleb at nagtungo na sa kusina.  Naroroon ang dalawa pang naninilbihan na sina Franco at William na nagpasaring at  tiningnan siya ng masama.

Dahil sa matinding pagod, naisip ni Caleb na sundin na lamang ang lahat ng iutos sa kanya: naglinis siya ng mga lutuan, naghugas ng plato, at naging sunud-sunuran sa lahat ng utos ng lasingerong kusinero.  Nang sumapit ang hating-gabi, tinawag siya ng may-ari at pinaupo sa isang sulok ng kusina.

Binigyan siya ng isang mangkok ng masarap na sabaw, kapirasong tinapay, at isang tasa ng mumurahing alak.  Habang ninanamnam niya ang sarap ng pagkain at nakikining sa kanyang amo naging malinaw ang lahat kay Caleb – napagkamalan siyang ibang tao!

Sa madaling salita, pinagpatuloy ni Caleb ang pagpapanggap at nanilbihan siya sa bahay-panuluyan.  Mayroon siyang maliit na tulugan, nakakain siya ng dalawang beses sa isang araw, ngunit walang sinabing sweldo ang kanyang amo.  Gayun pa man, kahit may pagka strikto, ito naman ay makatarungan.  Sanay na rin siyang tawaging Jonny, at natanto niya na malaking pagbabago ito sa dating mahirap niyang buhay.  Kung oras ng kanyang pahinga, namamasyal si Caleb sa kagubataan, habang iniisip ang susunod na kabanata ng kanyang buhay.  Hindi alam ni Caleb na may darating na isang tao na magiging guro at kanyang tagapagligtas.

Isang araw, may dumating nga na isang mahalagang bisita sa panuluyan.  Bakas sa kanyang magarang damit, magandang karwahe, at mainam na pananalita na ito ay isang maginoo.  Tinulungan siya ni Caleb na buhatin ang kanyang mga bagahe at sininop ang kanyang kabayo at karwahe.  Nang matapos si Caleb, binigyan siya ng pilak at sinabing “Salamat, Caleb”.  Nagulat si Caleb, tinangka niyang magtanong subalit sinenyasan siyang tumahimik ng ginoo at sinabing mag-uusap sila sa tamang panahon.

At dumating ang panahon ng kanilang pag-uusap.  Pinilit tinanong ni Caleb kung paano nalaman ng ginoo ang tunay niyang pangalan.  Sa huli, napilitang sumagot ang ginoo at sinabing siya ang “guardian angel” ni Caleb.  Laking gulat ni Caleb – at nang mahimasmasan tinanong kung nasaan ang kaniyang pakpak.

“Hindi lahat ng angel ay may pakpak”, tugon ng ginoo, “huwag kang magtaka dahil tukoy na tukoy namin ang taong nakatakda naming bantayan”, ang sabi niya.  Sinabi pa ng angel na may dala siyang 11 perlas, subalit hindi ito pinansin ni Caleb dahil lubha pa siyang naguguluhan.  Paglipas ng mga araw, tuluyan ng nakalimutan ni Caleb ang usapin tungkol sa angel!

Inaasam-asam ni Caleb ang mga pagkakataong sila ay nag-uusap ng angel – na tinawag niyang Uncle Beau.  Sa paglipas ng mga buwan, marami silang napag-usapan tungkol sa buhay at kung gaano kahirap mamuhay ayon sa iyong nais.  Sinabi ni Uncle Beau na walag magik sa buhay – kailangan lamang na mamuhay ka ayon sa iyong sariling kagustuhan.  Hindi sang-ayon dito si Caleb at sinalaysay niya ang mga hirap na kanyang naranasan na hindi naman niya ninais subalit kanya pa ring pinagdaanan.

Sinabi ng mahiwagang ginoo na tunay ngang walang magnanais ng ganoong buhay at tinanong niya si Caleb kung handa na siya sa isang masigla at makahulugang buhay.  Sinabi pa ng ginoo na ang masaya at magagandang bagay ay kailangan munang mabuhay sa iyong isip bago mo sila matagpuan sa iyong kapaligiran.  Tumango si Caleb subalit sinabi niyang imposibleng makamit mo ang kaligayahan sa pamamagitan ng pag-iisip lamang.

Sumangayon ang ginoo at sinabing ang kabutihan ay magmumula lamang sa kabutihan, at ang kalungkutan ay magmumula lang sa kalungkutan.  Kung nais ni Caleb ng kabutihan sa kanyang buhay, kailangan muna niyang ilagay ang kabutihan sa kanyang puso at diwa at ito ay di dapat mawala sa ating buhay.  Pagkatapos, kumuha ng pluma, tinta at papel ang ginoo at isinulat ang mga katagang ito:

pearl  Huwag kang bibitiw sa iyong pangarap dahil ito ang katuparan ng iyong buhay.

Napahiya si Caleb dahil hindi siya marunong bumasa at inamin ng ginoo na alam niya ito.  Isa-isang ipinaliwanag ni Uncle Beau ang kahulugan ng mga kataga.  Nangyari ang pag-uusap nilang ito sa kabilugan ng buwan.  Sa pagdating ng bagong buwan, patuloy nilang tinalakay ang kahulugan ng mga salitang isinulat ng ginoo.

Ito ang sunod na isinulat ng ginoo:

pearl  Isabuhay mo ang iyong pangarap sa iyong puso at diwa upang magkaroon ng pangarap ang iyong buhay.

Ipinaliwanag ni Uncle Beau na kung may pangarap ka at mga kagustuhan, ito ay magsisilbing susi upang magsikap ka na ito ay matupad, at kung masigla ang iyong pangarap, magiging masigla rin ang iyong buhay.

Upang madaling maunawaan, tinanong si Caleb kung nangarap ba siya ng mabuting buhay.  Tumango si Caleb at sinabing umalis siya sa sariling bayan dahil gusto niya ng mabuting buhay.  Ngumiti ang angel at sinabing ang pangarap na iyon ang nagdala sa kanya a mas magandang buhay sa bahay-panuluyan.

Muling nagpalit ng mukha ang buwan at nang kabilugan na, muling nagsulat ang angel:

pearl  Huwag mong pansinin ang mga taong pumipigil upang matupad ang pangarap na nasa iyong puso.

Sa panahong iyon, marunong ng magbasa ng konti si Caleb at naiintindihan na niya ang maraming katagang nakasulat sa isang aklat na ipinahiram sa kanya ng ginoo.  Patuloy silang nagtalakayan tungkol sa mga perlas sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Napansin ni Caleb at ng ginoo na marami ang nagtataka at naiingit sa pagbabago sa buhay ni Caleb.  Ang lasingerong kusinero ay pinagbubuntunan ng inis at galit si Caleb at sinisisi sa mga palpak na gawain sa kusina.  Sinabi ng ginoo na hindi galit ang kusinero kay Caleb, kundi sa kanyang sarili.   Marahil walang magandang pangarap ang kusinero at pinipigilan niya si Caleb na isabuhay ang pangarap nitong mapabuti ang buhay.

Lubos na naunawaan ni Caleb ang kahulugan  ng pangatlong perlas.  Nais niyang ipaliwanag din ito sa kusinero subalit pinigilan siya ng ginoo at sinabing hindi pa ito ang tamang panahon.

Nagdaan ang mga buwan – ang tag-init ay napalitan ng tag-ulan, naging madalang ang panauhin sa bahay-panuluyan. Nagkaroon ng maraming pagkakataong makapag-usap si Caleb at ang angel.  Ito ang sunod na mga katagang isinulat ng angel:

pearl  Magbingi-bingihan ka sa kaguluhan at kalungkutan. Panatilihin mo ang ngiti sa iyong mga labi.

Ipinaliwanag ni Uncle Beau na ang away at kaguluhan ay pumipigil sa katuparan ng isang pangarap.  Sa halip, dapat na ituon mo ang lahat ng iyong energiya sa pagpapabuti ng iyong buhay keysa maghiganti sa mga taong nagdulot sa iyo ng kabiguan.

Hinikayat siya ng ginoo na magbalik-tanaw sa dati niyang buhay – ngayon kumakain siya ng maayos, may tuluyan at sariling tulugan, at nag-aaral siyang magsulat at magbasa. Nararapat lang na isipin ni Caleb ang mga hirap na dinaranas ng ibang tao ng sa gayon ay makita niya ang biyayang natanggap niya.

Lumipas ang mga araw at ngayon ay marunong ng magsulat at magbasa si Caleb.  Patuloy din ang pagbabago sa kanyang buhay.  Isang araw, natagpuan nilang nagbigti ang kusinero sa kanyang silid.  Matapos ang isang maiksing panalangin, tulong tulong nilang inilibing ang bankay.

Labis na naapektuhan si Caleb sa mga pangyayari.  Nalulungkot siya dahil wala man lang kamag-anak na nagluksa at nangulila sa pagpanaw ng kusinero.  Muling nagsulat ang ginoo ng mga katagang ito:

pearl  Kapag dumating ang tunay na kalungkutan, yakapin mo ito hanggang kusang mapagod at lumisan.

Marunong ng magbasa si Caleb subalit hindi niya maunawaan kung papanong ang pagyakap sa kalungkutan ay magdudulot ng kabutihan sapagkat ang kalungkutan ay isang hindi kaaya-ayang pakiramdam.

Nakangiting sinabi ng ginoo na isa lamang itong natural na paraan ng pagbalanse ng mundo.  Kung walang kalungkutan, walang kaligayahan at kailangan dumaloy ang luha paminsan-minsan upang matanto ng tao kung gaano katamis ang isang ngiti.  Damhin ng lubusan ang isang pighati upang ito’y mabilis na lumipasan. Tama lamang na malunkot si Caleb sa pagpanaw ng kusinero na minsan nama’y naging isang mabuting asawa, ama, kawal at maginoo. Naging lasinggero lamang siya ng mamatay ang asawa sa sakit at dahil hindi marunong yumakap sa kalungkutan, alak ang kanyang binalingan.  Napaiyak si Caleb dahil hindi niya lubusang nakilala ang yumaong kusinero.

Pagkaraan ng ilang araw, kinausap si Caleb ng kanyang amo, at dahil naging mabuti siyang maggagawa, ibinigay sa kanya ang tungkulin bilang isang kusinero – kasama dito ang mga pribilehiyo ng bagong gawain tulad ng sariling tulugan, at sweldo.  Sa pangalawang pagkakataon, napaiyak na naman si Caleb.

Dahil napakaganda ng trato ng may ari ng bahay-panuluyan kay Caleb, nagdesisyon siya na ipagtapat na hindi siya si Jonny.  Laking gulat ni Caleb ng sabihin ng amo niya na alam niya ang pagpapanggap ni Caleb.  Subalit dahil naging mabuti siyang manggagawa, wala siyang dapat pagbayaran.  At kung maaari, ay patuloy na lang siyang tatawaging Jonny dahil ito na ang kanilang nakasanayan. Buong pakumbabang nagpasalamat si Caleb.

Kung kasiyahan ang dulot ng mga pangyayari kay Caleb, matinding poot at inggit naman ang naramdaman nila Franco at William.  Madalas nilang inaaway at sinasabihan ng masama ang bagong kusinero na piniling huwang silang patulan dahil naalala niya ang sinabi ng ginoo tungkol sa pagsuot sa kaguluhan.  Humantong ang galit ni Franco at William sa pisikal na pananakit. Isang hapon, itinulak ni  Franco si Caleb na may dalang malaking kaldero ng sabaw na sumabog sa loob ng kusina.  Mabuti na lamang at nakita  ang pangyayari ng kanilang amo.  Galit na inutusan ng amo si Caleb na linisin ang kalat, pinarusahan si Franco ng bawas-sweldo sa loob ng tatlong araw.  Naging matahimik ang lahat pagkatapos ng pangyayaring ito.

Patuloy ang pag-uusap ng dalawang magkaibigan, na tinawag nilang “moon meetings” dahil ito ay nagaganap sa pagpapalit ng mukha ng buwan.  Alam ng ginoo ang mga nangyari kay Caleb subalit sa halip na magpaliwanag, kinuha ng ginoo ang pluma at papel kung saan nakasulat ang mga naunang perlas.  Ibinigay niya ito kay Caleb at inutusang isulat ang mga sumusunod:

pearl  Ipakita mo ang iyong awa at pang-unawa lalong lalo na sa mga taong namumuhi sa iyo.

Maingat na isinulat ni Caleb ang mga katagang kanyang narinig at pagkatapos ay tumingin sa ginoo upang magtanong.  Subalit muli itong humudyat na ipagpatuloy ang kanyang pagsusulat:

pearl  Alagaan at palaguin mo ang mga pangarap mo sa buhay.

Sinabi ng ginoo na hindi galit kay Caleb sila Franco at William kundi sa kanilang sarili dahil maaaring wala silang alam tungkol sa pangarap.  Puno ng galit at lungkot ang kanilang buhay.  Nagpasalamat si Caleb dahil sa maraming pagbabagong naganap sa kanyang buhay mula ng magkakilala sila ng angel.  Matapos ay tinanong ni Uncle Beau kung alam niya ang kahulugan ng pangalawang perlas na isinulat niya sa gabing iyon.

Mahirap tanggapin para kay Caleb na dahil lamang binago mo ang pananaw mo sa buhay ay mababago nga talaga ang iyong buhay.  Sumagot si Uncle Beau na ang paulit-ulit na pag-gawa ng kabutihan ay magdudulot ng pawang kabutihan lamang, gayundin ang paulit-ulit na pag-gawa ng kasamaan ay magdudulot ng pawing kasamaan lamang.  Masayang sumangayon si Caleb at sinabing kumbinsido na  siya na talagang “guardian angel” niya si Uncle Beau.

Lumipas ang panahon at si Caleb ay nasanay sa kanyang bagong gawain bilang kusinero at ang kanyang amo ay labis ang tuwa dahil mahusay siyang manggagawa.  May mga pagkakataong hindi pa rin makapaniwala si Caleb sa kanyang mabuting kapalaran at inakala niyang ito’y isang panaginip lamang.

Pagdating ng bilog na buwan, muling nag-usap ang magkaibigan. Naging seryoso si Caleb at sinabing mahirap paniwalaan ang mga nangyari sa kanyang buhay.  Dahil ngayon ay bihasa na si Caleb na magbasa at magsulat, inutusan siya ng ginoo naisulat ang mga sumusunod:

pearl  Magpakita ka ng kabutihan sa iba lalong lalo na sa oras na ikaw ay nalulumbay.

Sinabi ni Caleb na siya ay nalulumbay at di niya yata nais makipang-usap o tumulong sa ibang tao sa pagkakataon ng kanyang pagkalito sa kanyang buhay. Natawa si Uncle Beau at sinabing lahat ng tao ay dapat gumawa ng kabutihan sa iba upang matanto niya ang kahalagahan ng kanyang sariling buhay.  Ipinaliwanag ni Uncle Beau na lahat ng tao ay mayroong isang “kindness pool” – isa itong bangko na kung saan pwede kang mag-deposit at mag-widraw ng kabutihan.  Merong mga taong wala ng pondo, ngunit marami rin namang nag-uumapaw pa ang pondo ng kabutihan na pwede nilang ipamigay.

Napangiti si Caleb at sinabing alam na niya ang kanyang susunod na gagawin.  Tinanong ni Uncle Beau ang kaniyang balak subalit tumanging sabihin iyon ni Caleb.  Nagpatuloy sila ng pasusulat;

Magpasalamat ka sa langit at mga bituin sa bawat hininga at tibok ng iyong puso.

Naluha si Caleb habang isinusulat ang mga katagang ito.  Naalala niya ang buhay niya nuon – at ang buhay niya ngayon.  Tumulo ang kaniyang mga luha at buong pusong nagpasalamat sa kanyang angel.

Kinabukasan, gamit ang perang naipon, namili si Caleb ng mga pagkain at dinala niya ito sa mag-asawang nakatira sa isang maliit na kubo sa kagubatan.  Ang tanging pinagkakakitaan nila ay ang pangunguha ng kabuti na itinitinda nila sa bahay-panuluyan. Sa kabila nito, nabubuhay ang mag-asawa na may dignidad at kasayahan.  Laking pasalamat ni Caleb na wala sila sa kubo ng dalhin niya ang basket ng pagkain – hindi niya alam ang magiging reaksyon ng mag-asawa sa kaniyang ginawa, subalit para kay Caleb, ito na ang pinakamasarap na pakiramdan na naranasan niya sa kanyang buhay.

Malaking pagbabago ang nangyari kay Caleb ng mga sumunod na buwan. Lubos ang kaniyang kasiyahan lalo na ng sinabi ng kanyang amo na may pagkakataon si Caleb na maging may-ari ng panuluyan.  Balak ng kanyang amo na magretiro at bumalik sa kanyang pamilya sa kabilang bayan, at sa tamang halaga, maari niyang bilhin ang bahay-panuluyan.

Natuwa ang ginoo at sinabing walang kaduda-duda na bunga lahat ito ng pagsisikap ni Caleb.  Sinabi rin niya na siya man ay aalis dahil may dapat siyang gawin at kailangan na niyang bumalik sa London.

Muli, naluha si Caleb at nagpasalamat sa lahat ng magagandang karanasan na ibinahagi sa kanya ng ginoo. Hindi ito ang katapusan ng kanilang pag-kakaibigan dahil pwede silang mag-sulatan.  Mayroon na lamang natitirang dalawang perlas na kailangan niyang ibigay kay Caleb.

Tulad ni Caleb, mayroon din isang angel na nagpakita kay Uncle Beau at nagbigay ng 11 perlas – at tulad din nilang dalawa, tuwing kabilugan din ng buwan nagtatagpo si Uncle Beau at ang kanyang “guardian angel”.

Kinuha ng ginoo ang panulat at papel kung saan nakasulat ang mga naunang perlas.  Dahil sa lungkot, tumulo ang luha ni Caleb at humalo sa tinta subalit malinaw pa rin niyang isinulat ang mga sumusunod:

pearl   Huwag kang magsasawang isabuhay ang iyong pangarap sa iyong puso, salita at sa gawa. Huwang kang tatanggap ng kulang-kulang sa iyong ninais na makamtan.

pearl   Huwag mong puputulin ang tanikalang ito.  Ipasa mo sa iba ang 11 perlas upang patuloy mong mapangalagaan ang iyong bagong kakayahan at kaalaman.

Naging matalik na magkaibigan ang dalawa sa loob ng isang taon. At sa nalalapit na paglisan ng ginoo, nangangamba si Caleb na hindi niya kayang mag-isang isabuhay ang aral ng mga perlas.  Subalit malaki ang tiwala ng ginoo sa kakayahan ni Caleb dahil isang masunurin at mabuting mag-aaral si Caleb. Walang duda na habang sinisunod niya ang aral ng mga perlas, patuloy siyang magtatamasa ng tuwa at ibayong karunungan.

Nagtapos ang aklat sa dalawang mag-kaibigan na mahigpit na nagyakap habang nagpapaalam sa isa’t isa.

Malimit kong naiisip kung totoo nga ang istoryang ito.  Sinubukan kong magsiyasat sa mga tindahan ng lumang aklat at mga talambuhay.  Subalit bigo akong makakita ng patunay.  Subalit walang pagdududa sa mahalagang karunungan na dala ng perlas.  Binago nila ang buhay ko, gayundin ang buhay ni Caleb at ng ginoo, at marahil ng marami pang ibang tao.  Ang aklat na ito ay isa sa pinakamahalagang yaman ng aking buhay.

Sa pagdaan ng mga taon, maraming beses ko nang ipinamahagi ang aral ng mga perlas. Subalit sabi nga in Uncle Beau kay Caleb ng maraming beses sa istorya, marami sa atin ang tatanggap lamang sa aral ng mga perlas kung wala na tayong ibang pagpipilian. Iyon ang nangyari sa akin ng matagpuan ko ang aklat, at katulad ni Caleb, naramdaman ko ang ibang damdamin ng mabasa ko ang aral ng mga perlas.

Ngayong alam mo na ang istorya ng 11 Perlas, naniniwala ka ba na “guardian angel” nga si Uncle Beau?  Naniniwala ako – siguro hindi sa isang angel, kundi sa isang mabuting kaibigan na biglang dumating sa takdang panahon na may hatid na mahalagang mensahe na magbabago ng iyong buhay.

Naniniwala ka ba sa “guardian angel”? Naniniwala ako.  Alam ko na mayroong isa na nasa tabi mo na hindi mo lang pinapansin.  Patuloy sana ninyong ikalat ang mensahe ng 11 perlas – malay mo, mayroong isang tao dyan na handa na itong tanggapin!

Paano kumita ng $14,000 in 9 months ang former lexorsoft employee?

Una sa lahat gusto kong i greet ng happy birthday si Alvin Dizon who is celebrating his birthday today…

Gusto ko lang i share ang success story  nya, he is my ex-employee. Isa sya sa mga naunang employee ng Lexorsoft. Sana ma inspire kayo sa kwentong ito at gayahin nyo. Nag lalaro na sa $2000 – $4000  ang monthly income nya ngayon, maya sa bandang baba i share ko yung screenshots ng earnings nya.

Before December last year nag paalam syang mag papahinga daw muna sya. During that time I started to offer yung phone number website script ko sa mga employee ng lexorsoft and some friends.  As early as October kasi I started earning from this kind of website, kaya naisipan kong i alok sa lahat ng tao ko. At isa si Alvin sa mga nag sabing gusto rin nyang subukan.

For 3 months sinunod nya religiously lahat ang mga sinabi kong gagawin nya para kumita sya sa ganitong site. Beside yung mga sinasabi ko ginagamit din nya yung mga ibang natutunan nyang diskarte nung nag wowork pa sya sa lexorsoft. Kahit wala syang kinikita sa nakalipas na 3 months hindi sya umayaw tuloy tuloy parin sya sa gina gawang pag promote sa nag iisa nyang phone number website.

Nag-umpisa sya sa isang website, then nung kumikita na sya bumili pa sya ng ibang website hanggang sa kaya na nyang magbayad ng sarili nyang VPS server.

 

Mahirap ba ang ginawa nya?

Palagay ko hindi, kasi pagkatapos nyang install yung script sa website nya at binago ng kunti yung header at design nung main page wala na syang ibang ginawa pa dito. Automatic kasi na nag crea-create ng million pages yung script na ginamit nya. Lahat ng possible telephone number combination sa US ay yung script na mismo ang gumagawa nito.

Maliban sa pag install ng script, ang naalala ko lang na ginawa na nya is link building which is madali lang, hindi naman kumplikado ang kailangan na link building para sa ganitong website. Siguro 2-3 hours a day lang puede na. Simple social bookmarking , rss feed, blog comment, at authority sites. No need to waste your time sa guest blogging or tiers.

Gaano katagal bago sya kumita?

Nag start sya ng December, then by March start na syang kumita hanggang sa lumaki na ng lumaki yung earnings nya. Sa ngayon mas malaki na ng apat na beses ang kinikita nya sa kinikita ko. I am happy for him.

Heto yung screenshot ng earnings nya.

earnings

Puede mo rin bang gawin ito?

Oo naman! Kahit sino ay puedeng gayahin ang ginawa ni Alvin, napakadali lang kasi nito. Hindi mo kailangan ng special skill para gawin ito.

All you need to do is bili ka ng domain at hosting tapos install ka lang ng script na kagaya nung ginamit nya sa mga websites nya. Puede ka rin gumawa ng sarili mong script or kung may budget ka puede kang mag pagawa sa iba kung dimo kaya.

Kung gusto mo yung script na ginamit nya I can give you a copy of it for free, basta be sure bago ka humingi ng script may domain kana at hosting na. You need to provide me the name of the domain na binili mo para dito.

Kung kailangan mong bumili ng web hosting I suggest Blue Host, kasi proven ko na sila pati mga clients ko ay blue host ang gamit nila.

Pero puede mo rin subukan yung mga ibang web hosting sites. Kung baguhan ka lang sa net pero gusto mong subukan ito just approach me. Puede ka rin sumali sa phone number website fan page at dun ka magtanong.

Maliban sa domain at hosting , bago ka humingi ng script sa akin I need your spokeo.com affiliate ID at Affiliate Name. Free lang mag register sa spokeo. Ito ang gagamitin mo na affiliate program para kumita pag may traffic na ang website mo. Puede rin ibang affiliate sites, pero habang pinag aaralan mo ito I suggest spokeo kasi ito na ang proven namin.

I suggest din kung may time ka i watch mo ang video na ito

Sigurado bang kikita ako dito?

Even do masasabi ko na 95% sa mga client ko ay kumita na sila sa opportunity na ito, ayaw ko parin magbigay ng 100% guarantee na kikita ka nga dito.

Depende kasi kung ano ang susunod mong gagawin after mo mainstall yung script sa site mo. At depende rin minsan sa google kung i mamark nya agad as spam or hindi yung website mo.

Pero ang masasabi ko malaki ang probabilities na kikita ka dito.  Pero at least dito malaki ang chance mong kumita compare naman sa wala kang gagawin or mag trial and error ka sa mga programs na dipa proven or mas mahirap.

 

What is the risk?

Aaminin ko ang mga phone number website type ay hindi pang habang buhay,  we called them “Churn and burn” type of website. Ibig sabihin build earn from them habang nakaka kuha pa sila ng traffic sa google. Pag na ban na sa google search engine then wala kanang kita from them you need to leave them and create another site to earn again from the same program. So dapat ang diskarte mo dito is create ka lang ng create pag may pambili kana ng maraming domain at i host mo sa iba ibang server.

Base sa experience ko may mga time na dika pa kumikita sa isang site i baban na ng google, pero may mga sites naman na umabot ng ng 6-12 months di pa rin sila na baban.

Mahalaga sa ganitong websites ay madiskarte ka, wag mong pag aksyahan ng sobra sobrang oras ang isang website mo para dika manghinayang at di mawalan ng gana kapag na sunog sila.

Para sa mga gustong subukan ang opportunity na ito start as soon as you can.. if you have any question anything about it… let me know at sasagutin ko sa abot ng makakaya ko..

Kung gusto nyong makahingi ng libre sa script na gamit namin I need the following

Domain Name kung saan mo i install yung script

Spokeo ID , Name, at spokeo email address

Mga iba pang kumikita na sa phone number websites

Baka kilala nyo ang mga ito, puede rin kayong mag tanong sa kanila, kagay ni alvin kumikita na rin sila sa kanilang mga phone number websites. Pasensya na sa mga ibang diko nabanggit diko na matandaan pa yung mga iba.

Roger Ricafort

Francis Saenz

Ivory Santos

Marry Ann Anos

Rod Buenaventura

Kevin Pudol

Christine Austria

Arlon dela Rosa

Diosa Lopes

Joseph Emanuel

Joseph Raymund Enriquez

 

 

$300 – $1,000 after 4 months for the second challenge

Matagal tagal narin palang di ako nakaka pag post dito… gusto ko lang kayong i update after 4 months yung sumunod na mga tinuruan ko paano sila kikita online from their own website.

Actually ang target lang namin dito is $200 – $300 a month  in 6 months, kasi sabi nila masaya na daw sila kapag kumita sila ng ganung kalaki. But guess what. After 3 months yung isa sa kanila kumita na ng $400+ yung iba mas mamababa, after 4 months naging $1k na ang kita sa isang affiliate program palang. Plus sa adsense malaki rin kita nya.

Palagay ko this month mas malaki na ang kita nung isa sa kanila kaysa sa kita ko sa technique na tinuro ko sa kanila.

Heto na yung mga screenshots ng mga earnings nila…

 alvin earning

click the image to enlarge

Sa lahat ng tinuruan ko sya ang top earner at pinaka matatag ang website…

Click the image to enlarge the picture
Click the image to enlarge the picture

Ito naman nung february naka $60+ lang sya, pero pagdating ng March lumaki gang $700 ang earnings nya.  He is hoping na this month eh mapapantayan din yung earnings nya kundi malampasan.

Heto pangatlo, pamangkin ko sya, first year college 16 years old. Kasi mahilig naman syang mag computer nauubos oras nya sa ka lalaro, sabi ko sa halip nanag lalaro sya bakit di nalang sya mag aral kumita ng pera sa net ng may pang tuition sya… so after 4 months.. heto na earnings nya

Click image to enlarge
Click image to enlarge

Ayan screenshot ng earnings nya ganda na rin kung ma maintain nya yang earnings na yan, makakatulong na sya sa magulang nya.

Ito ang pang apat…  ito naman nag start sya mid January I guess, after 2 months naka $700 na sya.

Click image to enlarge
Click image to enlarge

Ito naman nag umpisa rin sya ng December, kaya lang after a month nung walang kinita at traffic yung site nya tinamad na sya. Pagdating ng end of February nung i kwento ko sa kanya na kumikita na yung mga kasabayan nya. Bigla nya akong piang tatanong kung ano na daw ba ang gagawin nya. Then mid ng March nag start ng kumita yung website nya.

Click to enlarge the image
Click to enlarge the image

Marami pang mga screenshots na pinasa sa akin ng mga iba, pero tama na siguro yan na proof na puedeng kumita online kahit sino or ano kapa basta determinado kang kumita at may taong mag ga guide sayo. Yun ang advantage nila kasi may nag guide na sa kanila hindi na sila maliligaw at di na nila kailangan mag trial and error. Diko kagaya dati na kinailangan ko ng isang taon para matuto paano kumita ng $100.

Ito pala yung latest earnings ko naman sa niche na ito… hope to get my checque sa end ng month na ito. tapos 21 business days clearance…

click image to enlarge
click image to enlarge

Kung may tanong kayo about sa post na ito, puede nyong itanong dito or sa FB or anyway na puede nyo akong i contact. I am planning also to start a new batch ng tuturuan siguro limit lang sa 50. Kung interested kayong mag-aral paano kumita sa net, you can contact me para mapasama ka sa susunod na batch.

I got my first check from spokeo

Kahapon ng umaga dumating na yung first check ko from spokeo. An affiliate program where I join accidentally dahil sa isang site ko na akala ko ay walang kwenta. Yung full story ng kwentong ito ay makikita mo sa post kong may title na “$265.95 in 14 days from I thought dead site, what is the story behind it?“.

Ang total earnings ko nung Oct 16 – 31 is $272.81 less 10% na holding amount for spokeo protection in case may mag refund sa mga ni refer ko.

Total amount ng check na na receive ko ay $245.53, hindi man ganun kalaki, puede na,  hindi ko ito mapupulot sa daan kahit isang bwan pa akong maglalakad ng malalakad.  Ang kagandahan lang ng site na ito ay hindi ko na minimaintain. Pero I admit, since I learned na kumikita yung site, I ask some of my staff na mag link building dito kahit pakunti kunti lang.

 

This month medyo mas maganda ang kita ng site,  to date nakaka 663 na.  I am expecting at the end of the month aabot sya ng $700-$750 sana :).

Yang earning na yan is from my first site lang,  yung second site ko kukunti palang ang traffic nasa 10 unique a day palang after a month.

Ayan guys nakita nyo na yung patunay na puedeng kumita sa site na kagaya nung aking site ang laman ay puro numbers lang. Ang kagandahan ng niche na ito hindi pa ganun ka saturated.  Kung ma promote lang ng maayos yung ganitong site palagay ko mas malaki ang maaring kitain nito.

Isipin mo nalang sa ngayon nasa 100 – 130 unique a day lang ang traffic ng site na ito at kumikita na sya ng ganito kalaki, ano pa kaya kung ang traffic ng site na ito ay umabot ng 500 – 1000 unique a day.

Kung malikot lang ang imihinasyon mo marami kang magagawang website na involve ang mga numbers..

$265.95 in 14 days from I thought dead site, what is the story behind it?

Gusto ko lang ikwento paano kumita ng $265.95 in 14 days yung isang site ko na akala ko walang kwenta. Actually ang site na ito ay ginawa ko 3 or 4 months ago na yata. Pagkatapos kong magawa ang site na ito nakalimutan ko na sya, pero bago yun na pa bookmark ko at napa rss feed ko yata sa mga tao ko before ko sya makalimutan.

Nung April nag join ako sa isang membership site where they are teaching SEO, haha oo nag jojoin parin ako ng mga membership na related sa pinagkakakitaan ko ngayon. SEO at internet marketing membership nag jojoin ako basta type ko yung matutunan ko sa nasabing program.

Nung August or late July I guess may ni release silang video ipina pakita nila yung isang site nila na kumikita daw ng $500 a month from adsense. Yung site nila is napaka simple at naisip ko napakadaling gawin nung script nun kasi puro numbers lang ang laman nito. All I have to do is create a script that will generate a numbers. To make the story short sinubukan ko syang igawan ng script. Kaya lang tinamad ako bigla na itinuloy,  kaya ginawa ko, I tried to contact my professor during college days kung kaya nya itong gawin.  Ayon sabi with in 3 days daw matatapos. After nyang matapos yung script pina bookmark ko sa mga tao ko at pina rss feed.

After that hindi ko na sya tinuloy na i promote or galawin pa kasi medyo nag dadalawang isip akong lagyan ng google ads.  Wala naman kasing laman talaga yugn site kundi puro phone numbers lang.  Iniisip ko kung lalagyan ko sya ng adsense baka i ban ng google kasi wala naman syang masyadong laman, list lang ng mga phone numbers.

Nung October 16 habang tinitignan ko yung stat ng server ko, napansin ko yung isang site ko dun na consistent ang traffic, nasa 100+ unique a day ang traffic nya.  Nang hinayang naman ako sa traffic nung site, so ang ginawa ko nag hanap ako ng affiliate program na puede kong subukan na ilagay dun and I found spokeo.com.  Sa unang araw na nilagay ko yung search banner sa site ko naka benta ako agad ng 1 subscription.  Ngayon after 14 days I already earned $265.95 from it.

Nakaka tuwa lang kasi diko I did not put to much time to it, ginawa ko lang tapos nun kinalimutan ko na sya. Naisip ko kung siguro month or two months ago nag promote na ako ng affiliate product mas malaki na siguro kita ko ngayon.

Siguro na pa puzzle kana kung ano yung site na yun no :).  Ang concept ng site na ito is to list all US telephone numbers, para sa ganun pag may taong mag hahanap ng US number puedeng ma pickup yung page ng website. Ang kagandahan kasi sa mga phone numbers walang mga SEO people ang tumatarget sa mga ito.  Kaya ang chance na mag pakita yung page ng site na ito ay malaki. Pero since diko naman sya prinomote or di ako nag link build sa kanya medyo hindi ganun ka ganda ang ranking nya sa mga search engines. Pero still nakaka 100+ unique a day parin sya.

Yah… I read your mind, haha hindi ako manghuhula… pero alam kong kanina mo pang gustong malaman kung ano URL ng site na yun.  Okey heto na yung url ng site ko http://phoneinfolookup.net. Simpleng simple lang diba actually 5 files lagn ang nag papatakbo sa site na yan. Simpleng simple lang diba, kung iisipin mo how the hell this kind of site earn $265.95 in 14 days.

Ayan alam mo na kung anong klaseng site behind the $265.95, ano gusto mo rin kumita ng $265.95 start ka narin ng site mo na ganito tapos i market mo kapag ma imarket mo ng mas maayos sa malamang mas malaki ang kikitain mo sa akin.

Para saan ang blog na ito

Hmmm para saan nga ba ito? Hindi ko naman ginawa ito para kumita ako ng pera, actually mukhang nagtatapon ako ng pera dito ah… 🙂 I need to pay $8.99 a year for the domain at $5 a month for the hosting.

Actually I decided to create this blog para sa mga kakilala ko at mga iba pang mga pinoy na gustong matutong kumita ng extra sa pamamagitan ng net. With my more than 5 years sa net marketing, marami rami narin akong mga kaibigan at mga bagong kaibigan ang naturuan ko about sa internet marketing.

Lately parami ng parami ang lumalapit sa akin, mga kaibigan at mga na memeet ko lang sa net at iisa lang naman ang lagi nilang tinatanong sa akin paano daw kumita sa net. At most of the time iisa lang din naman ang sinasagot ko…

Sa palagay ko, it’s practical to start this blog para sa ganun lahat ng mga tanong related sa paano kumita ng pera sa net at iba pang dapat malaman ay naka lagay na lahat sa blog na ito… kapag may magtatanong pa ulit sa akin ibibigay ko nalang ang url ng blog na ito…

Okey isa pang dahilan kaya naisipan kong gawin ang blog na ito ay naawa ako sa mga kapwa ko pinoy na baguhan sa Internet Marketing. Mali ang pagkakaintindi ng karamihan sa internet marketing, on how to make money online.

Most of these new commer fellow pinoys man o hindi they have in common of what they are expecting on the net marketing… Karamihan sa mga bago sa net ay naniniwala sila na madali lang kumita sa net. At puede kang maging milyonaryo over night. Ito ang natatanim sa isip nila and they are expecting it na madali nga ang pera sa net. But after 1-2 months di sila naging milyonaryo at dito na sila mag start na mag duda sa systema ng Online Marketing and they start saying that Internet Marketing is a big lie and they quit.

I hope with this blog ma i guide ko yung mga baguhan to the right direction and right mind set.

Internet promises and success stories are not lie most of them are true. Pero bago naging history ang mga ito marami muna ang nang yari, maraming sakripisyo at pagod bago naging history ang mga taong kilalang millionaire ngayon sa net.

Pag tyagaan mo lang basahin from time to time lahat ng mga ipopost ko sa blog na ito, hind ka maliligaw , this blog will guide you to start your online journey.

Kunting background lang tungkol sa akin!

Kunti lang ito, ipapakilala ko lang sarili ko, puede mo rin namang i disregard ito kung ayaw mo akong makilala :).

Ako si Ed Pudol, my friends call me Ed, puede mo rin akong tawagin Ed. Galing ako sa mahirap ng pamilya ng magsasaka sa Abra. Sabi nga isang kahig isang tuka buhay namin nung bata ako. Papasok ako sa school walang pera, baong ulam swerte na kung may kamatis o bukayo hehehehe drama no pero totoo yun.

At madalas din akong pumasok sa school nun na walang sinelas at nilalakad ko 5 kilometers umaga at hapon, tumatawid pa sa ilog :). When I was 10 years old namatay ang tatay ko kaya lalong humirap ang buhay namain.  Dahil ako ang panganay at nag iisang lalaki sa bahay kailangan kong tulungan ang nanay ko para kumita kami at kumain.

Pero hindi ko parin isinuko ang pangarap kong makapag aral, sa awa ng Panginoon naka tapos din ako ng High School at hindi ko kailangan huminto sa pag aarala ,  I want to say thank you to my mother kasi hindi talaga nya kami pinabayaan.  After high School, I go to Manila kasi gusto kong ipag patuloy ang pag aaral ko, pumasok akong house boy, then later on constraction worker at iba iba pa para lang maka pag aral.

Kaya lang hindi rin ako naka tapos sa pag aaral ko sa manila kasi mahirap talaga kapag working student ka.. kapag nawalan ka ng work ala na… so I decided na mag training the security guard. When my training was completed yung agency ko ina-sign nila ako sa Bagac , Bataan. I was a regular security at at NPC housing Bagac, Bataan.

When I was there naisip ko na hindi ko maipagpapatuloy ang pangarap kong makapag aral. So I ask my agency na ilipat nila ako… inilipat nga ako pero sa Mt. Samat naman under Philippine Tourism. Pero at least sa Mt. Samat Malapit na sa Balanga , Bataan. On 1995 nag decide akong mag aral ulit taking up 2 year computer technician with my partner Rod Lipat kasama ko rin syang guard sa Mt. Samat.

We walked 5 Km pababa sa samat at 5 Km paakyat sa Samat everday kasi walang sasakyan o walang byahe dun… wala naman kaming service. Pero tiniis namin yun for 2 years hanggang sa makatapos na sa pag aaral… luckily after graduation kinuha ako na teacher sa school na pinag aralan ko. Naging instructor ako dun at the same time nag aaral parin ako taking up computer science naman… After kong mag graduate ng second course ko, nag resign ako sa dati kong pinag tuturuang school. At sumama ako sa dalawa kong classmate sa bagong tayong company sa Balanga, well natulungan naman naming nag success ang nasabing company until naka pag start na ng sariling Computer School. I was then a computer instructor to this school.  But on 2002 I was kickout 🙂 from the school whom I am one of the architech. At this time I was really broke. When I say broke talagang walang wala.. walang ipon, walang mapuntahang trabaho. Sa tanang buhay ko ito na siguro ang pinaka mahirap na nasubukan ko at least nung bata ako at nasa bukid ako hindi ako pumapalya sa pagkain.

Hindi ako sumuko, I have a friend who have computer shop in Gapan Nueva Ecija, literally nag paampon ako sa kanila for almost 2 years I guess. Early 2004 nag decide akong maghanap ng opportunities sa net kasi marami na akong naririnig dati. Ang dami kong sinubukan pero talagang hindi ako kumikita siguro dahil wala akong mapag tanungan or magtuturo sa akin. Halos dipa ako makakita ng mga pinoy dati sa net, buti nalang may na meet akong isang Singaporean national that time, sya ang tumulong sa akin. Binilhan nya ako ng domain at hosting.

For the entire one year na trial and error ko sa net I made $100 hehehehe totoo yun $100 lang ang kinita ko sa boong taon grabe, buti nalang may umampon sa akin. But guess what dahil sa $100 na yun dun na open ang mata ko kung paano kumita talaga ng pera sa net.

On the next year, nag paalam na ako sa mga friends ko kasi nahihiya narin ako sa kanila at alam ko kaya ko nang kumita para mag survive… with God Grace and blessings sa ngayon maganda na rin ang earnings ko from internet…

Buti nalang na terminate ako dati dun sa dati kong pinapasukan kung hindi siguro wala itong blog na ito na binabasa mo ngayon :).

Sapalgay ko napahaba na itong post na ito.. sige sa susunod na mga post ko nalang yung ibang kwento