Category: Kumita

Am I mediocre when it comes to MLM?

Ang blog post na ito ay para sa mga kakilala, kaibigan , at mahal sa buhay na nag iinvite sa akin para sa kanilang networking business (Paki usap basahin hanggang huli). Please don’t hate me kung hindi ko kayo na pagbibigyan or kung may mga sinasabi ako na hindi pabor sa inyong paniniwala. Hindi ibig sabihin nito mayabang na ako or close minded na ako at diko kayo naiintindihan sa inyong paniniwala. My stand on multi-level marketing is base on my experienced, and like what most networker always said you need to be open minded, being more open minded I leanred na may butas ang system ng MLM.

Do I hate Multi-Level Marketing?

My answer is no, sa totoo lang marami akong natutunan sa multi-level marketing. Maraming mga aral sa multi-level marketing
na nai aapply ko parin sa buhay ko ngayon. Like “Don’t give up”,”If you’re tired don’t quit, take some rest then continue”, “Always think positive”,
“Leverage”,”Don’t work hard, work smart”, I even bought a great book “the 21 secret of self made millionaire”, itong book na ito ang first gift ko sa sarili
ko sa unang kinita ko sa MLM. And this book have BIG influence to my life, and I am forever thankful sa MLM kundi dahil sa MLM I have no chance to buy this book.

At aaminin ko rin I knew some people who are successful in Multi-level marketing, but most of them sila ang mga nauna sa product or service na pinu-push nila. Kumbaga naka position sila agad before pa lumawak ang network ng product distribution. So hindi ko inaalis ang posibilities that you will really make lot of money in MLM as long as you’re one of the people the top of the pyramid. Armon Gatos is one of them who is successfully push the buahmerah product of essensa, nakilala at nakasama ko sya Online Marketing Group.

I was once a multi-level marketing believer or maybe fanatic

Nong nasa 20s pa ako, I am very active in multi-level marketing. I was inspired by my uplines (Reynaldo Fombuena, Chinkie Tan, at iba pa). Kung saan saan ako nag prepresent, pumupunta pa ako sa Manila sa Pampaga, at Nueva Ecija to present the so called opportunity for those who want to become millionaire. Those were the days of Buhay Milyonaryo of Prodential Inc, AXN, at iba pang mga mlm companies. Nauubos ang pera ko (sahod ko bilang computer instructor) sa pag tri-trit ng mga invites, sa pamasahe papunta kung saan saan para mag present. I did all these things with all my hearth at buong sipag dahil naniniwala ako na ito na ang chance para gumanda ang buhay ko, para yumaman, at para maiahon ko ang pamilya ko sa kahirapan.

Sabi nga ng mga uplines ko don’t give up, think positive, we are offering the best opportunity to those who want to become millionaire. Dika ba naman ma iinspire
sa lagi nilang sinasabi na makaka tulong kana yayaman ka pa. Sino ba naman ang taong di gustong gumanda ang buhay. Sabi pa mag focus ka lang , so I did it. For 3
years I guess I did Multi-level marketing talagang focus ako.

I even started to get mad or magtampo sa mga kakilala ko, sa mga kaibigan ko, at sa mga mahal ko sa buhay kasi binibigyan ko na nga sila ng pagkakataon para kumita ng malaki, para yumaman, para maka-ahon sa hirap pero feeling ko, nilalayuan nila ako , piang tataguan nila ako, piang tatawanan ako, feeling ko di nila ako naiintindihan, feeling ko rin hindi sila naniniwala sa akin. I told to my self papatunayan ko sa inyo na yayaman ako dito at pipila kayo para isali ko kayo sa business opportunity na inaalok ko sa inyo dati.

To be honest marami sa mga kaibinga ko, mga kakilala , at mahal sa buhay ang halos diko kausapin or iniiwasan ko na during those days kasi nga iniisip ko mga negative people sila.At dapat I detached my self from them kundi hihilain nila ako pababa. Ganon ako ka panatic during those days, hindi ko iniisip inilalayo ko na yong sarili ko
sa mga taong nag mamalasakit sa akin at nagmamahal sa akin dahil sa paniniwala kong hindi sila supportive kung sino pa yong mga mahal mo sila pa ang di makaintindi.

But after 2 years hindi parin ako yumaman paminsan minsan kumikita rin, pero di sapat pamalit sa mga nagagastos ko. But still I didn’t give up. Sabi ko positive lang don’t give up I am in the right direction. Then after 3 years ng pag sisipag at paninwalang yayaman ako sa multi-level marketing, I started to realized na sa halip maka tulong ako sa mga taong na convince ko to join my team ay na uulit lang din sa kanila yong nararanasan ko na walang kita. Naisip ko nangako ako sa kanila in just 6-12 months yayaman na sila and they trusted me pero what happened some of them , more than 1 year na pero di parin nababago ang buhay nila. At kahit dinila sinasabi alam ko they started to lose their trust to me. Ang tanong ko rin sa sarili ko how can I tell them na hwag silang mag give-up pasasaan ba at yayaman din sila kung ako mismo diko masabing mayaman na ako na successful na ako.

Tapos yong mga nag turn down dati na mga kaibigan, kakilala at mahal sa buhay andyan parin nilayuan ko kasi akala ko they are negative people.

I learned the hard way

On my third year in MLM, I lose my day job. Malakas ang loob ko kasi nga malakas talaga pananampalataya ko na kikita ako sa multi-level marketing. Dahil I learend to become positive thinker I even said to my self ayos mas matutukan ko na MLM ngayon. But sad to say, after losing my job I was broke. Walang ipon kasi nagamit ko sa pag nenetworking ko. Dahil wala na akong trabaho wala narin akong pang gastos unti-unti naramdaman ko yong mga taong lagi kong kasama dati in short my team ay unti unti ng nawawala or lumalayo.

This time napakarami ko ng time para mag isip, where I started to think kung magwowork ba talaga ang MLM. Gumawa ako ng mga computations and diagrams.and I found out that networking is a good marketing strategy to sell a product or service, pero pagdating sa kitaan ang kikita lang ay yong mga taong nasa taas
ng pyramid. Dito ko na realized ang tanong na ito, what if ako na ang huling sasali sa opportunity na ito kikita pa ba ako. I even ask this question to my
uplines and other networker who are in the market for so long and no one straightly answered my question ng Yes. Dito ko napag tanto na ito ang butas ng Multi-level marketing kung ako ang may ari ng product or service na i pupush ng mga networker surely I will make tons of money for the effort of lot of people. Pero kung ako ay nasa
buttom ng pyramid I will surely not make money.

Kaya mula noon I stop multi-level marketing…

Who was there when I was broke at pinaka down na down na part ng buhay ko?

Sila yong mga kaibigan ko at mga mahal ko sa buhay na akala ko noon ay pinagtatawanan ako, na akala ko di naniniwala sa aking mga sinasabi, na akala ko
mga negative people, na akala ko lumalayo sa akin, pero ako pala lumalayo.

Sila yong mga taong unang tumulong sa akin, sila yong mga taong muling nag inpire sa akin para ituloy ang buhay para muling mangarap Diman sila mayayaman
diman sila yumaman, pero at the end of the day sila parin ang mga taong nasandalan ko at nag encourage sa akin para lumaban sa hirap ng buhay.

Final words

Para sa inyo na mga nag nenetworking please don’t hate or magtampo sa mga kakilala nyo, kaibigan or mahal who don’t share the same beliefs with you pagdating sa MLM.
Sa ngayon iba ibang tao ang makakasama nyo who are passionate as you are pagadating sa pinupush nyong product or service trough multi-level marketing, pero tandaan mo hwag na hwag mong uulitin ang pagkakamaling nagawa ko. Hwag mong ipagpalit sa mga bagong kilala ang mga nagmamahal sayo at subok mo ng mga kaibigan. Soon kapag nawala kana sa grupo or team hindi kanarin kilala ng mga karamihan sa mga taong madalas mong kasama ngayon. And only those people who loves you even before you discover MLM will stay besides you maging successful ka man or hindi sa tinatahak mong landas ngayon. Those are people na nasa background mo lang na akala mo iniwan ka ang makakadamay mo at the end.

Ito ang dapat natin tandaan lahat, “there is no such easy money in life”, itinatanim kasi ng mga nag rerecruit sa atin na sa program na ito madali lang yumaman, pero in reality hindi ganon kadaling gawin. Hwag kang maniwala kung sasabihin sayo ng kausap mo na yayaman ka in 6 – 12 months just by presenting a new opportunity to others. Tanungin mo muna ang sarili mo yong nagsasabi sayo non mayaman na ba sya talaga? If yes yumaman ba sya dahil sa program na ina aalok sayo or yumaman sya sa ibang paraan like pag nenegosyo, work abroad, have good job or dati ng mayaman ang family.

Kung ibi base ko sa experience ko, success needs lot of works, puyat, thinking, at diskarte. Set clear goals, set time frame, then list your solotions para ma reach mo ang iyong goal. Thendo something everyday para mapalapit ka sa iyong goal, that’s how succesful people do.

To be honest, naniniwala parin akong pwedeng maging successful ang isang networker as long as he/she have the best product or service to offer , hindi pa saturated ang target market, at pwede syang kumita with or with the recruiting part.

Don’t take my words

Ask Reynaldo Fombuena , he is the one who introduce multi-level marketing to me, at sya rin ang unang taong inalok kong turuan para gawin ang ginagawa ko sa online marketing. You can also ask Leonardo Paguio a real friend who were there when I was so down hindi man nya ako matulungan financially but emotionally and encouragement the best sya, isa sya sa mga pinipilit ko dati na sumali sa pinasukan kong mlm pero diko sya na convinced and dumating ako sa point na halos iwasan sya, pero at the end sya parin ang umalalay sa akin. Ang mag asawang Irving and Mean Dela Fuente na umampon sa akin dahil wala na akong mapuntahan wala akong matirhan. They did not give up on me kahit halos diko na sila pansinin nong tinurndown nila ako about sa MLM.

Yeheey.Biz Legitimate or Not?

Lately ang daming mga taong nag shi-share sa facebook about this, kesyo madali daw kumita mag click ka lang ng ads at maglogin logout ka lang kikita kana. They even claiming that they are partner of google adsense, infolinks , and other known pay per click advertising companies.  Those claims are obviously not true, they don’t even show evidence that google adsense is actually partnered with them. Malinaw sa Terms of use the google adsense na hindi pwedeng i compensate ang sino man para i click ang kanilang mga ads, hindi rin pwedeng encourage or i ask ang mga kakilala para i click ito. How come na ang company na ito ay binabayaran ang kanilang members para mag click ng ads.

Ito ay malinaw na pandaraya sa mga nagbabayad ng ads, ang reason bakit nagbabayad at gumagastos ang mga advertiser ay dahil gusto rin nilang kumita sa pinag hihirapan nilang pera. Paano kikita ang mga advertiser kung ang mga nag cliclick sa ads nila ay hindi naman interested sa ads na cliniclick nila. They are clicking this ads because they were promised by yeheey to received money every time they click an ads.

Nakakalungkot isipin na may mga taong gustong kumita sa madaling paraan at walang paki alam kung may tao silang napag sasamantalahan. Paano nila nasisikmurang kainin at ipakain sa kanilang pamilya ang perang masasabi kong ninanakaw nila sa mga taong naghihirap para lang kumita ng pera.

I hope google , infolink, and other companies will make an action para habulin ang mga mandarayang kagaya ng company na ito, dahil kawawa naman ang mga advertisers kagaya ko na nagiging biktima ng mga ganitong klaseng scheme.

Here are some screenshots of their claims

Para sa mga nag join na sa company na ito ang kumita na, maaring sabihin nyo sinisiraan ko lang ang yeheey, ang sagot ko lang dyan is good for you. Pero dika ba nakokonsensyang kumita ka ng pera pero may mga tao namang malungkot kasi yong perang pinag ipunan nila at ginastos nila para sa mga ads nila ay napunta sa mga kagaya mong walang paki alam kung kikita yong mga nag aadvertise basta kikita ka lang? If that’s okey with you then wala na akong magagawa. Pero para sa aming mga advertiser at mga legitimate na adsense user hindi yon tama at fair.

Para sa mga nagbabalak namang sumali sa company I am suggesting na pagisipan nyong mabuti, mag research pa kayo. Malay nyo mali pala ako at yong sinasabi nila ang tama. Pero gusto ko lang ipaalam sa inyo lahat nong mga sinasabi nilang companies na tie up nila or partner nila ay free lang ang pagsali dito. At kung babasahin nyo sa kanilang TOS (Term of use) mahigpit nilang pinag babawal ang artificial clicking, compensating someone to click, or encouraging someone to click the ads.  Sana bago kayo sumali sa scheme na ito isipin nyo rin yong mga kawawang advertiser na napag sasamantalahan dahil sa illegal clicks na ginagawa ng mga members ng yeheey.

Kung may mga taga yeheey.biz na gustong mag re-act you are welcome po. You can show your evidence na hindi nga kayo nanlalamang ng kapwa nyo, na kayo ay legitimate partner ng mga company na binanggit nyo, na kayo ay pinapayagang mag click ng mag click ng ads. Yong exit ang logout is for the Pey Per Impression which is artificial din ang ginagawa ng mga members.

Don’t give up : Step #4 sa 6 steps para maging successful online

Bakit ang tagal bago ko naisipan ipost ang number 4 sa 6 steps para maging successful online? To be honest nakalimutan ko na ang topic na ito, akala ko lahat ay natapos ko na 🙂 until today may nabasa akong comment sa old post, doon ko na realized kulang pa pala ng tatlo ang na didiscuss. Tama na ang paliwanag walang maitutulong sa iba yan hehe :).

Alam mo ba ang pagkakaiba ng mga taong successful at mga taong unsucessful?

Successful people didn’t give up, kahit ilang beses pa silang mag fail hindi sila umaayaw. Naka focus parin sila sa kanilang goal. Wala silang paki alam kahit gaano pa katagal at kahit gaano pa ka hirap ang pag dadaanan nila kahit gaano pa karaming failures ang ma experience nila they are very determine to reach their goal and at the end of the day kasi wala sa kanila yong salitang give up or pag suko nagiging successful sila.

Unsuccessful people always give up, marami dyan at marami rin akong kakilala kaibigan at member of the family na kahit na nakikita na nila  na experience na nilang makatikim ng success pero pag nakatikim ng kunting setback or pagka bigo ay umaayaw na agad.

Sa online marketing or kahit saang larangan kapa mapunta kung madali kang umayaw, madali kang sumoko, madali kang mawalan ng pag-asa hindi ka magiging successful. Marami ang nag aasam na maging OFW kasi nakita nila yong pinsan nila, yong kapit bahay nila, yong kaibigan, or kapatid nila na gumanda na ang buhay. Naniniwala sila na kapag naka pag abroad sila magiging maganda narin ang buhay ng pamilya nila, which is true. Pero hindi rin yon kadali, una pwedeng mag fail ka gagastos ka ng marami tapos dika pala makaka alis, pwedeng nakaalis ka pero niloko ka ng recruiter mo, pwede rin niloko ka ng employer mo, or nahihirapan ka sa trabahong napasukan mo, pwede rin na hohomesick ka. Dahil sa mga ito umayaw kana, ayaw mo na mag abroad paano na pangarap mong magandang buhay para sa family mo? Dimo ba naisip bakit yong mga iba, yong mga kapit bahay mo, kakilala mo, at kaibigan mo kinakaya nila lahat ang mga yon? Ibig sabihin kung kaya nila yon kaya mo rin, determinasyon lang at tulad ng sabi kung don’t give up.

Ganon din sa online marketing, karamihan sa mga successful sa online marketing ay dumaan din sa katakot takot na hirap, failures at yong iba nakaubos ng maraming pera pero wala paring kita. Pero pare parehas lang sila ng kwento kahit magtanong ka pa. Ang sasabihin lang sayo we continue believing that there is money online na pwede rin akong kumita ng dollar online , na pwede rin akong yumaman sa pamamagitang ng online marketing.

Marami na akong tinuruan na kumita na sa online marketing, hindi lang barya ang kinikita kundi thousands of dollar. Pero nong biglang nag fail yong kanilang ginagawa at nawalan sila ng kita umayaw narin sila at parang di sila naniniwala na pwede silang kumita ng malaking pera online, at mas pinili pang mag abroad lumayo sa family nila at mag paalipin sa ibang bansa , yong iba naman mas ginusto pang mamasukan at sumahod ng minimum per day. May mga iba naman na kahit wala silang kinita for how many months tinuloy-tuloy parin nila , hindi sila nag give up. Now they are millionaires.

So kung naniniwala ka talaga na pwede kang kumita online, be sure ang mindset mo ay hindi ka aayaw at magiging successful ka online kahit ano pa mangyari kahit gaano pa ito katagal gagawin mo parin.

Sa online hindi pare parehas and magiging experience natin pwedeng yong iba in few months maganda na ang kita pero yong iba naman it take longer time pero at the end of the day kung dimo ito titigilan pasasaan ba at magiging successful karin.

When I said don’t give up and don’t stop meaning tuloy ka parin sa pag tuklas , pag explore , at pag aaral kung ano ba ang bagay sayo na online opportunities. Halimbawa yong kaibigan mo successful sya sa website flipping (build website then sell). Hindi ibig sabihin magiging successful karin doon, maaring magaling sya sa linyang iyon kaya successful sya eh ikaw dika naman magaling doon. So try to explore other opportunities halimbawa sikat ka naman sa facebook bakit hindi mo ito pagkakitaan at samantalahin mag benta ka ng mga bagay sa mga friends at followers mo na sa palagay mo needs nila. Magaling kang gumawa ng video? Instead of posting them to facebook bakit dimo igawan ng youtube channel lahat ng videos mo then i monetized sa pamamagitan ng pagbenta ng ads sa google.

What I am saying here is kung hindi umobra ang isang opportunity sayo online hwag kang mag giveup try another one, pero gaya ng sinabi ko rin sa ibang post ko dito avoid being kangaroo type of online marketer. Yong tipong talon ka ng talon narinig mo lang si ganito si ganyan na kumita gusto mo subukan din. Hwag ganon dapat pag may napili kang opportunity online at alam mo naman na talagang kaya mo ito at passion mo ito dapat mag stick to it ka muna hanggang kumita kana. Pero kung ginawa mo na ang lahat nag invest kana ng maraming time (marami meaning everyday at least 6 months ) ay wala ka parin kinikita then that’s the time siguro na need mo ng i re-consider kung maghahanap kana ulit ng bago.

So what you need to do for now?

Start –  Mag umpisa ka kung ano kaya mong gawin kung ano nalalaman mo, dimo kailangan mag aral munang mag program, mag seo, mag sme, at kung ano ano pang naririnig mo online. Kung ano kaya mo ngayon yon muna ang gamitin mo. Along the way matutunan mo na yong iba, mahalaga maka pag start ka at masipag kang mag aral. Read… read.. read.. at read pa more about the opportunity you selected.

Set your goal – Need mong mag set ng goal para sa ganon alam mo kung saan ka patungo kung ano talaga ang gusto mong gawin online. Without a goal is like shooting everywhere without specific target.

Focus – Kapag naka pag set kana ng goal mo you need to focus to reach your goal na na-umpisahan mo na.

Don’t give up – Walang aayaw kahit abutin pa ng isang tao or dalawang taon bago mag reach ang goal mahalaga hindi ka mag give-up. Kung napapagod kana , burnout kana, pwede kang mag pahinga pero never quit.

 

Make good cash from Fiverr.com

It’s been more than a year since my last post, alam ko yong mga sumusubaybay sa blog na ito hindi na napapasyal dito sa sobrang tagal ng pag update ko. I am really sorry for that. Medyo nakalimutan ko ang blog na ito, sa sobrang tagal ng diko pag bisita ng blog na ito umabot na ng mahigit 2K ang comments.

Anyways, for this post gusto kong magbigay ng isa sa pinaka madaling way to make money online lalo na sa mga nag uumpisa na gustong masubukan lang or mapatunayan kung totoong pwedeng kumita ng pera online. Marami kasi sa atin hirap maniwala sa mga naririnig or nababasa natin hanggat di natin ito napapatunayan. May kasabihan kaming mga Ilocano “Diyak Pati, Dyak Kita” meaning kung diko nakita diko papaniwalaan.

With Fiverr.com you can easily make $5 if you do it right. Hindi ko ginawa ang post na ito para magbigay ng tutorial about fiverr, pero ito ay post para lang magkaroon ng idea yong mga nag hahanap ng ways how to make money online. Maganda kasing stepping stone ng mga baguhan ang fiverr, dito nyo matutunan paano maki pag usap sa mga clients at paano magbenta ng service or digital products online. Dahil napakarami ng client ang fiverr.com hindi kana mahihirapan mag promote or maghanpa pa ng client, all you have to do is provide the best product for prospect clients.

Ano ba ang Fiverr, ang concept ng fiverr nong umpisahan ito is to cater online service provider and digital product seller na willing to sell their product or service for $5 only, kaya sinabing fiverr from the root word five. Dahil murang mura lang ang mga binebenta dito mabilis na sumikat sa mga online marketers at buyers. You can sell almost anything in here basta ang price starts at $5. I suggest that you visit the site and explore it, try grasp how the system works, ano anong service at product ang binebenta ng mga members.

You can make fortune in this site if you do it right.

What product or service should you sell?

  • Create 2-5 minutes videos
  • Nice looking photoshoped photos
  • Offer Article writing service
  • Offer logo / header creation
  • Offer video creation
  • Offer original video captures
  • Sell databases (Business list, recipes, lyrics, etc)
  • Math/Sci assignment help
  • Code editing (programmers)
  • Template modification
  • and more

Marami sa mga nabanggit ko above ay usually binibili ko sa fiverr, be sure your product or service ay with good or high quality para sa ganon yong mga client mo oorder sila ulit at i rerecommend ka sa iba.

Tip : Kapag naka kuha ka ng client make some extra mile, if he ask you to create a logo for his site or business dagdagan mo narin ng header or ng template ng business card. It will not hurt you. At humingi ka ng magandang review at 5 start para sa ganon tumaas ang confident level mo.

Kumusta people?

Alam ko may mga iilan din na sumusubaybay sa blog na ito hehe, sa inyo gusto kong humingi ng paumanhin kung madalang kong i update ang blog na ito.

Nahihirapan kasi akong humanap ng mood para magsulat dito. Kasi kung pipilitin kong mag sulat na wala ako sa wisyo alam ko hindi maganda ang kalalabasan. I am not born a writer , pero gusto ko kapag nagsulat ako eh may sense at may mapupulot naman ang reader kahit papaano at higit sa lahat hindi sya ma bored.

Isa pa guys, sorry din about dun sa experiment dapat taglish blog, diko na naituloy kasi medyo naging busy sa school. Balik school kasi kaya pag uwi wala ng chance mag sulat kailangan narin harapin ko yong mga sites kong iba.

Pero, after my school babalikan ko ang experiment na ito..

Once again my apology sa mga sumusubaybay sa blog na ito… I’ll try to update this blog soon

Hwag sana kayong madadala…

10 akala na pumipigil sa marami para pumasok sa internet marketing

Madami ang gustong gawin kung ano ang ginagawa ko at ginagawa ng mga iba pang mga online marketers.  Syempre nga naman kung makikita nyo ang buhay ng mga online marketers compare sa mga may daily jobs eh maiingit ka talaga. Bakit ka nga naman di maiingit sa kanila. Makikita mo sila nasa bahay lang, paupo upo, nag tratabaho minsan naka pajama lang, naka short, minsan nga wala pang damit.

Madalas mo silang makita nasa mall lang, o dikaya panay panay nasa bakasyan. Ang pina-nakakainggit ay pag nakita mong nag papagawa na ng bahay. Mapapaisip ka talaga, bakit ikaw kayod marino, nag papa kasunog ka ng kilay sa abroad pero dimo magawa ang ginagawa nila.

Dahil naiingit ka gusto mo rin gawin ang ginagawa namin. Pero ang problema ang daming pumipigil sayo para pumasok dito.  Heto isa-isain ko sila para malaman mo in case ayaw mong aminin sa sarili mo.

programming1. Di Ako Marunong Mag Program –  Ahhh… sino bang  expert ang nagsabi sayo na kailangan marunong kang mag program para kumita ng pera sa internet? Bawasan mo ng 30 minutes ang oras mo sa ka fe facebook at i search mo ang mga pinaka successful na online marketer sa buong mundo at magugulat ka most of them or baka lahat sila walang idea about programming.

Hmmm hihirit ka pa, sige dito na nga lang tayo sa Pinas… I want you to meet Zaldy Dalisay, Kim Tyron Agapito, Mark Acsay they are known Filipino Online Marketers. Mga tinitilian mga yan pag sila na ang nagsalita sa harap ng mga audience. And they are successful online marketers.  But believe it or not di naman marunong ang mga yan sa programming.

Ito ay nag papakita lang na hindi requirements ang programming skill para pumasok sa internet marketing. Hindi mo puedeng gamitin ito na dahilan para ma justify ang sarili mo bakit ayaw mong mag start sa internet marketing kahit sinasabi mong gusto mong gawin.

2. Di ako marunong gumawa ng website – Gaya ng sinabi kong una, sino naman ang magaling na nagsabing kailangan mong marunong gumawa ng website bago ka kumita ng pera sa internet? Kung may magsasabi sayo ng ganito, tumakbo kana ng mabilis at wag ka lilingon baka madapa ka. Ang mga taong nag sasabi nito ay gusto ka lang pag kakitaan. Hindi totoong pag marunong kanang gumawa ng website kikita kana agad ng limpak limpak na salapi.website

Napakarami na ngayong free CMS na puede mong gamitin, para gumawa ng website. Oh wag na naman ma praning sa CMS, ito ay isang uri ng software/script na puede mong gamitin para maka pag create ka ng website as simple as 1 2 3.

Maraming mga baguhan sa internet na hindi masyadong concern sa paggawa ng sarili nilang website. Hindi requirements ang website para kumita ka ng pera sa internet. Nung bago palang ako sa net wala pa akong pera pambili ng domain at hosting para maka gawa akong website. What I did is nag collect ako ng mga data and convert it into mysql database tapos saka ko binebenta sa mga webmaster forums.

Yung mga iba naman na mga pinoy ang ginagwa nila is sumasali sila sa mga freelance website gaya ng elance at odesk. Dun sila nag hahanap ng mga trabaho na kaya nilang gawin online.

O ayan, sana naman na liwanagan ka sa isipin mong dika puedeng mag start online kasi dika marunong gumawa ng website.

3. Diko alam paano mag promote ng website –  Gusto mong matutunan agad mag promote ng website eh wala ka pa ngang website na ipropromote. Mag umpisa ka muna bago mo problemahin ang marketing ng website mo. Wala kang mauumpisahan kung gusto mo perfect lahat bago mag umpisa.

Wag mong gamitin ito na dahilan para dika mag umpisa, ang website marketing ay matutunan mo na ito kapag andun kana.  Ang tanong requirements ba para kumita ng pera sa internet? Ang maiksing sagot ko jan is HINDI.

4. May trabaho kasi ako – Miss Anna Tan kwento mo nga paano ka nag-umpisa sa internet marketing, ng matauhan mga ito.  Nung una kong ma meet ang babaeng ito ay may fulltime Job not sure kung ano ang work nya that time.  Nakatawa ang first meeting ko with her, Christmas party ng SEO Org Philippines habang ang lahat ay nag iinuman ang nakakasiyahan at isama na natin yung nagyayabangan sa mga kita at diskarte sa internet marketing. Sya naman ay nasa tabi lang tahimik pero may hawak na notebook.

annatan

Pumapasok sya sa work sa umaga at sa gabi pinag aaralan nya ang online marketing. After few years heto sya ngayon isa na sa mga successful member ng seo org philippines. She afford to buy her condo at naka pag patayo narin ng dream house nya sa laguna.

Ano ang lesson? Hindi dahilan ang may trabaho ka para dimo ito magawa. Ilang oras ba ang pasok mo 8 hours? meaning may 16 hours ka pang tira… you can spare you 2-3 hours a day para gawin ang online marketing.

Marami pang iba na bago nag fulltime sa internet marketing ay may mga work sila, gaya nila Cristian Lacsamana, Eli Tapiador, at Apple Tinao my ex employee.

5.  Wala akong pera pampuhunan – Ito lagi kong sinsabi pag may seminar na na-iinvite akong mag talk. Started from nothing, totally broke. Nung 2002 I lose my job, wala akong work for almost a year wala akong ipon kaya hirap ako during those days. Umasa lang ako that time sa GF ko. 2003 literally nag paampon ako sa isang kaibigan who have a computershop. On January 2004 pinilit ko ang sarili ko na pag aralan ang internet marketing.money

Wala akong pera that time, umaasa lang ako kung ano naiaabot nila sa akin, itinatabi ko yun at yun ang ginagamit ko para makabili ng internet card.  Pinag aralan ko ang internet marketing for almost a year, until november of 2004 I made my first $100.  During those days ang pera ko lang ay pambili ng internet load wala ng iba pa.

Hindi requirements ang maraming pera kung gusto mo talagang matutong kumita ng pera sa internet.  Mas mabilis na ang internet natin kaya mas manilis narin mag research. Mas marami kanang mababasang mga information kagaya nito. Ditulad noon na napakahirap maghanap ng mga mga information how to make money online kasi lahat may bayad.

Ang masasabi ko lang sayo, maglaan ka ng oras para pag aralan ito. Maniwala ka minsan narin akong andyan kung nasaan ka ngayon walang pera.

6. Di ako marunong magsulat – Ako man hindi rin marunong, pero hindi naman requirements ito para dika kumita ng pera sa internet.  Marami sa mga online marketer ang hindi marunong mag sulat.  Kung kailangan mo talaga ng magandang article later on pag kumikita kana puede ka naSman magbayad ng magsusulat para sayo.

7. Mahina ako sa English – Sa palagay mo ba kung magaling akong mag English tagalog ang binabasa mo ngayon? Kung ganun hindi requirement ang pagiging magaling sa English para maka pag umpisa ka sa internet marketing. Pero inaamin ko, kailangan mo at least basic english para maka pag communicate ka online.
Pero I am sure nakakaintindi ka naman ng english at kaya mo rin magkipag usap ng english kahit sa email or chat lang. Mula Grade I tayo hanggang college ay may subject tayong english kaya imposibleng dimo kaya.

8. Walang oras eh – Anak ng pating, gusto mong kumita, naiingit ka kasi yung kakilala mo nag papatayo na ng bahay dahil sa kinikita nya sa internet, magawa mo pang sabihing wala kang oras. Ano ba pinag kakaabalahan mo at wala kang oras. Kung ganyan ka ka busy ibig sabihin ang dami mo ng kinikita kasi busy ka lagi. Dimo na kailngan mainggit sa kakilala mo malamang may bahay kana ngayon at busy kana sa pagbibilang ng pera mo.wakeup

Ilang oras ba ang inilalaan mo sa pag babad sa harap ng TV? ilang oras ba ang nauubos mo sa pakiki pag tsismisan? Ilang oras ba ang nauubos mo para manuod ng youtube? Ilan oras ba ang nauubos mo para mag tweet, mag fb, mag pinterest, at mag instagram? Bakit dimo nalang gamitin ang mga yun para kumita ka ng pera online?

Ang daming tao ngayon ang nag hihirap dahil lagi nilang sinasabing wala silang oras. Hwag kanang dumagdag sa kanila, maglaan na ng oras para pagdating ng araw dadami na ang oras mo para mag pasarap buhay.

9. Mabagal kasi ang internet namin eh – Grabe kung mas mabagal pa ang connection mo kaysa sa connection ko nung 2004 san lupalop ng mundo ka ba nakatira? Wag mong idahilan ang connection mo sa internet para dimo magawang kumita. Kung nakaka pag open ka ng FB, nakaka panuod ka ng youtube meaning mabilis na ang connection mo.

10. Andito kasi ako abroad baka diko yan ma asikaso – 8 hours lang naman pasok mo sa isang araw diba? Di naman araw araw ang OT.  Pag uwi mo wala ka naman nang gagawin di gaya kapag nasa Pinas ka.  Pag kagaling ng work either may gagawin pa sa bahay or makiki pag inuman sa tropa.  Baka naman may inaasikaso ka lang?

Kung gusto mong madagdagan ang kinikita mo ngayon, ubusin mo yung mga free time mo sa pag-aaral kung paano kumita sa internet. Para sa ganun kapag malaki na kita mo online, puede kanang umuwi at wag ng bumalik abroad, para mas mahabang oras mo ng makakasama ang pamilya mo.

Wag mong pangarapin na habang buhay ka nalang anjan at malayo sa pamilya mo. Ikaw ang pinaka maraming oras para gawin ito kaya wag mong idahilan ang pagiging ofw mo para di magawa ang gusto mong gawin.

Walang katapusang alibi para di maka pag-umpisa. Gusto mong kumita , gusto mong i enjoy ang ini-enjoy namin diba? Bakit dimo nalang gawin kaysa puro ka dahilan para lang dika maka pag umpisa. Baka naman ayaw mo lang talaga, baka naman tinatamad ka lang, o tamad ka lang talaga.

 

6 steps para maging successful online

Maraming nag tatanong, ano daw ba gagawin nila para makapag umpisa at maging successful sila online.  Kaya naisipan kong gumawa ng simpleng guide. Sana makatulong para sa mga nagbabalak na mag start sa internet marketing. At sa mga nasa internet marketing na pero di pa kumikita.

I am pointing out here ang lima na sa palagay ko ay pinaka critical to start and become successful in online marketing. Maaaring may mga iba pang tips ang mga kapwa online marketers, kaya puede rin kayong magtanong sa kanila.

Please note: Diko pa na PROOFREAD paki intindi nalang muna 🙂

start1. Start – Gusto mong pumasok at magtagumpay sa internet marketing?  Ano pa hinihintay mo pasko? Paano ka makaka-pag umpisa at mag tatagumpay kung ayaw mo namang magsimula. Marami sa mga nagbabalak pumasok sa internet marketing. Ang hindi maka pag umpisa kasi ang dami nilang “buts” sa buhay nila.  Tanungin mo lahat na nasa internet marketer at 80 %- 90% sa kanila ang mag sasabing wala silang idea kung ano ba ang internet marketing nung bago lang sila dito.

Yung iba kasi dyan, sasabihin nila gusto ko rin mag online marketing, paano ba yan? Kapag sinabi mo na ang gagawin nila, sasabihin naman paano ako mag i start dyan? kapag sinabi mo ano gagawin nila, sasabihin naman paano ba yun, pag sinabi mo kung paano yun, sasabihin naman wala pa akong alam dyan.

Walang katapusang dahilan, gusto nilang alamin lahat bago sila mag umpisa. Which is mali, kung gusto mong mag online, start kana agad today wag mo ng hintaying bukas. Kapag naka pag start kana, unti unti ng masasagot yung mga ibang tanong at pagdududa mo. Sa online marketing kasi kailangan mong subukan para malalaman mo kung ano ang tama at mali.

goals2. Goal – Kung dimo alam kung saan ka pupunta, paano mo malalaman kung ano ang tamang direction?  Sa buhay natin, kahit ano pa ang gusto nating tahakin o gawin. Mahalagang alam natin kung ano ang gusto nating marating o makamit. Ang mga mountaineer ang ultimate goal nila lagi is marating ang summit ng bundok na inaakyat nila. Ang mga runner ang ultimate goal nila is makarting sa finish line.  Ang mga studyante gustong maka graduate.

Same principle is applied  in online marketing, ano ba ang goal mo bakit gusto mong pumasok sa internet marketing.  Kapag natutunan mong mag set ng goal, ang tagumpay ay madali nalang abutin, kasi may direction kana, alam mo na kung saan ka pupunta, kailangan mo nalang gumawa ng paraan para marating mo ito.

Ang mga mountaineer, para makarating sila sa summit ng bundok na gusto nilang akyatin, kailangan nilang humakbang patungo sa direction ng summit, gaano man ito kahirap alam nila na bawat hakbang nila ay palapit sila ng palapit dito.

Ganun din sa online marketing,  gusto mong kumita ng $100 a day, then work everyday to reach that goal.  Along the way maraming mga distraction kang ma-eencounter, kaya need mong mag proceed sa 3rd step. Read more about Goal Setting.

focus3.  Focus – May mga kakilala ako, some of them are friends. They start online marketing almost mga kasabayan ko pa nga yung iba. Lahat sila nag sasabi kikita lang ako ng $500 a month masaya na ako. Hindi ko na kailangan mag abroad kasi talo ko na mga nasa abroad. So what they did is start a program that they heard from friends or nabasa nila sa internet na proven to work.

Then after a a few weeks or months may nabasa or narinig silang bago, ayon si juan gusto rin subukan kasi sabi ni expert na Joe dun daw sya yumaman.  Si juan kinalimutan yung unang ginagawa kasi gusto nyang yumaman gaya ni Joe, after few weeks or months, narinig nya ulit na si Pedro kumikita na ng $501 a month at ang ginagawa ay magbenta ng tuko. Itong si Juan nainggit, gusto rin nyang mag benta ng tuko gaya ni Pedro, kinalimutan na yung diskarteng ginawa ni Joe para yumaman.

After a year, naka sampong program na sya pero wala parin syang kita, at the end of the day, he concluded that making fortune online is all lies.

Kung ipinag patuloy lang sana yung unang inumpisahan nya, malamang lampas na sa $500 a month ang kinikita nya after a year.  Ito ang madals na pagkaka mali ng mga bago at datihan na sa internet marketing. Gusto nila subukan lahat kahit dipa nila na aabot yung nauna nilang goal. Read more about Focus

Walang mountaineer na kayang umakyat ng dalawang bundok at the same time. Kailangan nya munang maka summit sa isa, bago sya baba at para akyatin naman ang susunod na bundok.

Kung gusto mong kumita sa online marketing, kailangan mag focus ka. Kahit ano pa naririnig or nababasa mo, isulat mo lang muna ang mga yun, para kapag na reach mo na yung first goal mo, isunod mo naman ang mga ito.

dontgiveup4 . Don’t give up  – There is no such easy money, maniwala ka.  Naiingit ka sa mga holdaper? Dimo ba alam na buhay nila ang isinusugal nila para makakuha sila ng ganun pera. Si Pacman, kalusugan at buhay nya ang itinataya nya.  Lotto kamo? Kung madali lang ang pera sa lotto di lahat sana tayo mayayaman na ngayon.

Maraming nag sasabi, madali lang kumita ng pera sa internet, hwag kang maniwala sinungaling ang mga yun. Bago sila kumita ng pera sa internet, kinailangan nilang umupo sa harap ng computer nila ng halos 16 hours a day o dikaya kinailangan nilang mambula ng ibang tao para pagkakitaan nila.

Siguro nga compare to other daily job, mas madaling kumita sa internet, compare sa mga OFW mas madaling kumita ng pera ang mga online marketers. Compare sa mga bank executive siguro nga mas madaling kumita ng pera ang mga online marketers. Pero di ibig sabihin pinupulot lang nila ito online. Pinag tratrabahuan din nila ito, pinag pupuyatan, at pinag iisipan.

Marami kasi sa mga baguhan kapag dina kumita after 2 months umaayaw na sila. Kasi ang mind set nila bago sila pumasok sa online marketing is madali lang kumita ng pera sa internet. Read more about this topic

Kung gusto mong maging successful sa internet marketing,  hwag kagn susuko. Kahit gaano pa kahirap abutin ang iyong goal basta mag focus ka lang at wag kang aayaw magugulat ka nalang isang araw naabot mo na ito.

5. Become Expert – If you want to become successful in any field you need to become expert on that particular field, there is no exemption.  Gusto mong magtagumpay sa internet marketing? Then pag-aralan mo ito, maglaan ka ng maraming oras para pag – aralan ito. Wag lang dumepende kung ano ang sinasabi ng iba.expert

In my case, hindi ako natatakot mag expirement, kung ano ang nababasa ko gusto kong subukan kung totoo ba ito o hindi. Kung may naisip ako na sa palagay ko ay makakatulong para maabot ko ang aking mga goals sinusubukan ko. If I fail, then at least sinubukan ko. From that failure I will see to it na may natutunan ako. Wag kang matakot na subukan ang mga ideas mo, dahil ito an mga ito ang maghahatid sayo sa tagumpay.

leverage16. LeverageDon’t work hard, work smart. Palagi ko itong sinasabi everytime na nai-invite akong mag speak sa mga seminars ng mga online marketers.  Kung nasubukan mo ng sumali sa mga Multi-level marketing I am sure you are familiar with this.

Sabi ng boss ko dati, kung gusto mong ma doble ang production mo, you need to duplicate your self. Hindi ko yun makalimutan, dahil sa salitang ito, ito ako ngayon kung saan ako naroroon. At first diko maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin. Until he told me para ma duplicate ko ang sarili ko I need to teach someone else to do what I am doing.

Ito ang ginamit kong principle nung nasa internet marketing na ako. I only have 24 hours to work a day, at yun lang ang pude kong kitain sa bawat araw. Para madoble ang kinikita ko, ang ginawa ko is to train someone na gawin kung ano ang ginagawa ko para kumita ng ganun ammount of money.

Now dalawa na kami na gumagawa sa dating ako lang ang gumagawa, syempre dahil dalawa na kami mas malaki na ang puedeng kitain. Gusto ko pang madag-dagan ang earnings ko… so ang gagawin ko lang is mag train ako ulit ng tao para gawin kung ano ginagawa ko ngayon.

Halimbawa, may isang kang site na kumikita ngayon ng $100 a month,  for sure alam mo na kung ano ang ginawa mo para kumita kang $100 a month from that site.  Para kumita ka ng $200 a month kailangan mo pa ulit gumawa ng isang site applying all the process you did sa una mong site para kumita ng $100 a month. Kung gusto mo pang another $100 ulit, then do the same process.

Ayan ang haba na pala.. sana para sa mga nag tatanong kung paano ba kayo makaka pag start at maging successful online.. sana itong post na ito ay makatulong sa inyo…

If you have any question or suggestion please let me know..

Extra Earnings Para sa mga Overseas Filipino Workers

An old friend who’s working abroad, approach me  nung minsan nagbakasyon sya galing Saudi. He ask me ano daw ba ang  raket ko dito sa Pilipinas at ayaw kong mag abroad, sayang naman daw yung galing ko sa programming. During school days kasi isa sya sa mga classmate ko na laging umaasa sa akin pagdating sa programming (ehemss :)).   But before he approached me, na kwento na ng mga iba naming classmate na medyo successful na rin ako kahit andito lang ako sa Pilipinas.

To make the story short,  I told him kung ano ang ginagawa ko para kumita ng dollar kahit andito lang ako sa Pilipinas. Actually sabi ko sa kanya kami ang bagong hinerasyon ng mga OFW (Online Filipino Worker). We work at home, sa oras na gusto namin, sa lugar na gusto namin, at the more we work the more money we earn.  Nung sinabi ko ito sa kanya, lalong dumami ang kanyang mga tanong. Heto yung mga ibang naalala ko:

Ano ang pagkakaiba ng mga makabagong OFW sa mga traditional OFW?

  1. Hindi namin kailangan umalis ng bansa para kumita ng dollar
  2. Kahit nasa bakasyon kami puede namin gawin ang trabaho namin
  3. Puede kaming kumita kahit natutulog na kami
  4. Mas maraming oras ang naibibigay sa pamilya namin
  5. Mas masipag kami mas marami kaming kikitain
  6. Wala kaming literal na amo
  7. Kung gusto namin magbakasyon walang pipigil sa amin
  8. Puede kaming magtrabaho kahit naka pambahay lang

Paano kayo kumikita online?

Ang sagot ko dito ay base lang sa experience ko, hindi ko isinama ang mga ways to make money online na diko pa nasubukan kumita.

1. Provide Services – Karamihan sa mga Filipino freelancer  dito sila naka focus.  Pude kang mag provide ng service sa mga online SEO_image_004 elvis1marketers base sa skill and knowledge mo.  Malaki ang pera sa service providing business kung alam mo ang ginagawa mo, kasi puede mo itong i leverage para mas lumaki ang kita mo.

Anong mga services ang puede kong i provide? Marami, depende kung ano ang current skill mo. Puede kang mag start dun habang pinag aaralan mo ang mga iba pang mga  kailangan ng mga online marketers. Halimbawa sa akin, nung bago pa ako sa internet, dipa naman ako marunong sa SEO, Link Building, at kung ano ano pang mga ginagawa ng mga internet marketer, ni hindi ko nga alam ano ibig sabihin ng mga terms na mga yun eh.

So I started with what I know, that time alam ko marunong na akong mag program. So what I did is naghanap ako ng mga online marketer na nag hahanap ng gagawa sa mga simpleng programming projects nila which I know kaya ko naman.Maliban dun, ang isa pang ginawa ko nung bago pa ako ay nag co-collect ng mga data and convert it into database and sell to online marketers.

Halimbawa  ng mga data na kino collect ko that time is mga  lyrics, recipes, at kung ano ano pa na sa palagay ko magagamit ng mga internet marketer and sell it for $7 – $10 per copy.  Minsan sa isang database collection ko nakaka benta ako ng 100 copies or more.  While doing those things, nag aaral na-rin akong mag SEO, nung matutunan ko na sya dito na ako nag focus hanggang ngayon.

Kung marunong kang magsulat, maraming mga online marketer and hindi marunong or tamad magsulat kaya ang ginagawa nila nag babayad nalang.  Web developing , researching, data entry,  photography, photo editing, website template creation at marami pang iba na puede mong i alok as service online.

2 . Sell your own product – Maraming mga successful online marketer are doing this. Puede kang kumita ng malaki sa pag create ng mga e-products, kasi dimo kailangan ng inventory at stockroom dito. You can sell your e-product as many times as you want. Tuwing may bibili ng eproduct mo, ibibigay mo lang yung download link nito, dimo na kailangan i deliver physically.

In my case gumagawa ako ng mga scripts na sa palagay ko makaka tulong sa daily life ng mga online marketers, ibenebenta ko ito from $27 – $47 per copy.  Pude ka rin gumawa ng videos tapos ibenta mo , or di kaya take a good picture and sell it o dikaya mag create ka ng info product like how to make money online, how to lose diet in 1 week tapos ibenta mo.

3. Google Adsense – Isa sa pinaka paborito  ng mga baguhan at beterano na sa internet marketing at para sa mga wala pang masyadong time para gawin yung number 1 and number 2. Ang gagawin mo lang dito is mag create ka ng high quality website, a site that you think beneficial sa mga taong pupunta sa site mo. Then drive a good traffic to it.  Kikita ka dito sa pamamagitan ng pag papakita ng mga ads ng mga advertiser ng google sa website mo.google adsense

Dito kailangan mo ng website, puede kang mag create ng personal blog mo or a blog of your passion. You need to regularly update it para magustuhan ng mga prospect site visitors mo.  The more traffic na makukuha nung site mo the more money you will earn.

Every time na may mag click sa ads na nasa site mo puede kang kumita from $0.01 up to $10 per click.  Sa mga baguhan maganda itong program kasi nakaka motivate sya everytime na makikita mong may pumapasok na pera sa google adsense account maffiliateo. Malaki rin ang puede mong kitain dito, ang pinaka malaking kinita ko sa adsense is $2000+ , pero may mga kilala akong kumikita ng $4000 – $12000 a month from their adsense account. Naka depende ang kita mo dito sa traffic ng website mo.

4. Affiliate programs – Maganda rin ang kita dito, kaya lang karamihan sa mga sumasali sa program na ito ay may mga experience na talaga sa internet marketing.   Hindi kasi kagaya ng google adsense mas mahirap kumita dito.  You need to sell others product, kapag naka benta ka may commission ka ranging from 2% – %75 per sale, depende sa product na ibebenta mo.

I will discuss each of these four ng mas malaliman, sa mga susunod  kong blog post.

Paano nyo nakukuha yung pera nyo?

Personally I prefer Paypal, kasi karamihan sa mga internet marketer paypal ang ginagamit nila to make transaction online.  Yung pera na papasok sa paypal puede mong i withdraw sa bank account mo directly.  Kung sa adsense naman may dalawang option ka either Check or Western Union. Sa mga affiliate programs karamihan sa kanila check pinapadala.

Puede ba ako jan kahit nasa abroad ako?

Kahit nasaan ka basta may internet puede mong gawin ang ginagawa namin. Mahalaga lang mag laan ka ng time para gawin ito. Marami akong kilalang nasa abroad ngayon na ginagawa rin ang mga ginagawa namin ngayon. Karamihan sa kanila ginagawa nila itong source of additional income sa mga free time nila. They use their spare time to work online. At marami narin akong kilala na dating nag aabroad after they finished their contract dina bumalik ng abroad at nag full time na online. And the good news is mas malaki ang kinikita nila ngayon kaysa nung nasa abroad sila.

Magkano ang kailangan ko para maka pagumpisa?

investmentHindi mo kailangan ng libo libo para maka pag start sa online marketing, pero syempre like other jobs and business you need to invest din.   Depende kasi kung ano ang gusto mong gawin sa internet, may mga program na kailangan mong mag invest from $50 – $100 or oras lang ang kailangan mong i invest.

Nung nag uumpisa pa ako sa internet marketing, maniwala ka, I started from nothing. Wala akong work, wala akong savings, at wala akong pera. Umaasa lang ako sa kaibigan ko, luckily nakaka libre ako ng internet that time. Nung 2004 hindi pa masyadong uso dito sa Pinas ang DSL kaya mabagal pa ang connection nun. Pero napag tyagaan ko twing madaling araw ang mag internet para pag aralan ang internet marketing.

Wala akong pera kaya kahit gusto kong bumili ng mga tutorials how to make money online diko magawa. Kaya umasa lang ako kung ano libre.  After a year I start making good income from internet. Oo medyo matagal kasi wala naman akong mapag tanungan or magtuturo sa akin those days. Masyado pang bata ang internet marketing dito sa pinas that time.

Pero kung noon pa man ay may taong nag turo na sa akin, siguro mas maaga kong natutunan kung paano kumita ng pera sa net, hindi ko na kinailangan mag  trial and error for a year.

I will try to discuss sa susunod bawat isa yung ways to make money online.  Gawin kong topic each of them base sa experience ko para mas details ang pagkaka discuss para lalong maintindihan ng mga interested to go online.

Kung interested ka sa internet marketing at gusto mong matuto, ano ang gusto mong matutunan or gusto mong i discuss ko sa susunod na blog post? Please help  me to help you…

$300 – $1,000 after 4 months for the second challenge

Matagal tagal narin palang di ako nakaka pag post dito… gusto ko lang kayong i update after 4 months yung sumunod na mga tinuruan ko paano sila kikita online from their own website.

Actually ang target lang namin dito is $200 – $300 a month  in 6 months, kasi sabi nila masaya na daw sila kapag kumita sila ng ganung kalaki. But guess what. After 3 months yung isa sa kanila kumita na ng $400+ yung iba mas mamababa, after 4 months naging $1k na ang kita sa isang affiliate program palang. Plus sa adsense malaki rin kita nya.

Palagay ko this month mas malaki na ang kita nung isa sa kanila kaysa sa kita ko sa technique na tinuro ko sa kanila.

Heto na yung mga screenshots ng mga earnings nila…

 alvin earning

click the image to enlarge

Sa lahat ng tinuruan ko sya ang top earner at pinaka matatag ang website…

Click the image to enlarge the picture
Click the image to enlarge the picture

Ito naman nung february naka $60+ lang sya, pero pagdating ng March lumaki gang $700 ang earnings nya.  He is hoping na this month eh mapapantayan din yung earnings nya kundi malampasan.

Heto pangatlo, pamangkin ko sya, first year college 16 years old. Kasi mahilig naman syang mag computer nauubos oras nya sa ka lalaro, sabi ko sa halip nanag lalaro sya bakit di nalang sya mag aral kumita ng pera sa net ng may pang tuition sya… so after 4 months.. heto na earnings nya

Click image to enlarge
Click image to enlarge

Ayan screenshot ng earnings nya ganda na rin kung ma maintain nya yang earnings na yan, makakatulong na sya sa magulang nya.

Ito ang pang apat…  ito naman nag start sya mid January I guess, after 2 months naka $700 na sya.

Click image to enlarge
Click image to enlarge

Ito naman nag umpisa rin sya ng December, kaya lang after a month nung walang kinita at traffic yung site nya tinamad na sya. Pagdating ng end of February nung i kwento ko sa kanya na kumikita na yung mga kasabayan nya. Bigla nya akong piang tatanong kung ano na daw ba ang gagawin nya. Then mid ng March nag start ng kumita yung website nya.

Click to enlarge the image
Click to enlarge the image

Marami pang mga screenshots na pinasa sa akin ng mga iba, pero tama na siguro yan na proof na puedeng kumita online kahit sino or ano kapa basta determinado kang kumita at may taong mag ga guide sayo. Yun ang advantage nila kasi may nag guide na sa kanila hindi na sila maliligaw at di na nila kailangan mag trial and error. Diko kagaya dati na kinailangan ko ng isang taon para matuto paano kumita ng $100.

Ito pala yung latest earnings ko naman sa niche na ito… hope to get my checque sa end ng month na ito. tapos 21 business days clearance…

click image to enlarge
click image to enlarge

Kung may tanong kayo about sa post na ito, puede nyong itanong dito or sa FB or anyway na puede nyo akong i contact. I am planning also to start a new batch ng tuturuan siguro limit lang sa 50. Kung interested kayong mag-aral paano kumita sa net, you can contact me para mapasama ka sa susunod na batch.

$1,800 in 2 months from an ugly and almost forgotten website. Want to know how?

Mula noong i post ko sa blog na ito yung about sa in 14 days I made $265 from I thought dead site. Marami na ang nag aaproach sa akin kung puede ko daw bang ishare how I did it? Pero sa unang post ko na banggit ko na kung anong klaseng website ito.

Ito ay isang phone number website, kung saan ni lilist ng site lahat ng mga possible combination of phone numbers in the US. At kapag may nag search ng US phone number sa US there is a chance na mag pakita yung website ko. Kumikita ako dito sa pamamagitan ng affiliate program na related sa nasabing niche. The name of the affiliate program is spokeo.

So far since I started to join spokeo nung October 16, 2012 I already made $1,800 to date. Nag papatunay lang na talagang puedeng kumita ng pera sa niche na ito. And take note hindi mahirap magkaroon ng ganitong website almost setup and forgot type of website sya.

spokeoearnings

For the past 2 months tuwing may nagtatanong sa akin kung paano daw ang ginawa ko, sinasabi ko sa kanila na bigyan pa nila ako ng time para masigurado ko kung mag wowork ba talaga yung ginawa ko dati sa unang website ko, bago ko sabih ito.

After 1 month yung second site ko ay nag start na rin magkaroon ng traffic and to date nag aaverage na syang 100+ unique a day. And I used to apply to other affiliate program, gusto kong itest yung ibang program kung mas maganda ba o mas maliit ang kikitain ko dun.

phoneinfolookup

So kung after 1 month ay nagkaroon na sya agad ng ganito kataas na traffic, all from search engine, ibig lang sabihin nito ay madaling maka rank sa search engine ang mga ganitong websites or madaling maka kuha ng traffic sa mga search engines.

Diba sabi nga ng mga Internet Gurus, traffic is money pag dating sa online marketing…. so having 100 unique a day at maging conversion ko lang is 1% a day sigurado na akong may $13 a day commission kung ang ipropromote ko na product ay yung spokeo affiliate program. In 30 days may ini expect na akong $390. What if I will create 10 more site na mag i earn din ng let’s say $200 a month nalang di may $2000 a month na ako. Right now I am starting to build my 10 more sites at after 1-2 months mag a update ako ulit dito to tell you kung na meet ko ba ang target ko na $2000 a month from 10 phone number websites.

Para sa mga gustong mag start ng ganitong website… heto ang na idocument ko na ginawa ko sa dalawang website.

  • Nag register ako ng domain na related sa phone number niche (phoneinfolookup.com ). Ang suggestion ko pag dating sa TLD gumamit lang kayo ng .com or .org
  • Pagkatapos bumili naman ako ng hosting space, kailangan mo ng reliable webhosting para sa site na ganito para kapag tumaas na ang traffic mo hindi ka mag woworry na baka mag down ito.
  • Create a custom script para sa ganitong klaseng website. Kung coder ka puede kang gumawa ng sarili mong script for this purpose, or kung may budget ka naman puede kang magbayad ng taong gagawa nito para sayo. He/she may charge you $100 – $200 depende kung anong feature ang gusto mong ipagawa. Or kung gusto mo naman puede mong makuha ng libre yung script na gamit ko ngayon for FREE, kung paano malalaman mo mamaya.
  • Install the script and be sure everything is working
  • Link Building, mahalaga ito para magka traffic ang website mo. Pero don’t worry hindi mo kailangan maging SEO guru to do this. Mga simple and basic link building lang ang ginamit ko sa dalawang website ko. At proven ko ng nag work sila. All you need to do is 3-5 SBM per day (wag naman palaging 5 kasi magkakaroon ng patern ma dedetect ni google na hindi natural ang back link mo), 2 Sets of UAW submission per week  (Kung wala kang UAW account or have no budget for that, pudeng gawin mo ispin mo yung article mo tapos isubmit mo sa mga article directories. Hwag ma disappoint kung di kayang mag sulat there are other link building techniques that you can apply na di kailangan ang article like article directory submission, blog commenting, at forum public profile), RSS Feed submission (Create static rss feed as many as you can. Puede kang mag create ng static page rss feed sa site na ito html2rss.com), Authority public profile back links (Optional nalang, pero ginawa ko ito nung start ng mag rank yung website ko). Gawin mo ang link building na ito in 1 1/2 month wag mong bibiglain to avoid penalty. Wag kang mag madali, baka sa halip na kumita ka mawalan saysay ang pinag hirapan mo.
  • Analytics, importanteng ma monitor mo ang traffic status ng website mo para alam mo kung kailangan mong mag adjust or tama yung ginagawa mo.
  • Monetized, ito na yung huli sa process na ginawa ko. Kapag nakita mong tumataas na ang traffic ng website mo,  maghanap kana ng way to monetized it. Puede mong i monetized using adsense, or other Pay per click programs, o dikaya naman gayahin mo yung ginawa ko promote affiliate product. So far ang tested ko palang is spokeo,  I am currently testing new one right now.. kung maganda ito i a update ko kayo.

Yan lang, wala na akong ibang ginawa maliban sa mga nabanggit ko sa taas. Kaya kahit sino madali lang nilang gayahin ang ginawa ko. Kung ako ay kumikita na ngayon sa website ko ng $800+ month just following the above process for sure ikaw din maaring kikita ng kagaya ng kita ko or mas malaki pa in 2 months from now.

Paano Mo Makukuha ng Libre ang Script na Ginamit ko sa mga sites ko?

Kung interested kang magkaroon ng ganitong website at kumita ng kagaya sa kinikita ko ngayon from my phone number website, pero dimo kayang gumawa ng sariling script or wala kang budget to pay someone else. Here is how you can get the script I used to my new website http://findusphone.com. Kasama na rin yung database ng mga state and cities of US.

1. Register a domain from godaddy.com using my affiliate link. Kung gusto mo talagang magkaroon ng ganitong website syempre kailangan mo ng domain. So all you have to do is use my affiliate link to buy your domain.
2. Buy web hosting from bluehost using my affiliate link. I recommend their service sa ganitong website. Like domain reguirement din ito para maka pag start ka ng website.
3. Pagkatapos mong makabili ng domain at hosting using my affiliate link i email mo sa akin yung receipt mo sa godaddy.com at bluehost. Email ko ay edpudol1973@gmail.com
4. Optional, kung gusto mong ako na mag install ng script sa server mo, please provide me your hosting login details.

That’s all hope to hear from you after 2 months na ibinabahagi ang success story dito.