Category: Step by Step

Don’t give up : Step #4 sa 6 steps para maging successful online

Bakit ang tagal bago ko naisipan ipost ang number 4 sa 6 steps para maging successful online? To be honest nakalimutan ko na ang topic na ito, akala ko lahat ay natapos ko na ūüôā until today may nabasa akong comment sa old post, doon ko na realized kulang pa pala ng tatlo ang na didiscuss. Tama na ang paliwanag walang maitutulong sa iba yan hehe :).

Alam mo ba ang pagkakaiba ng mga taong successful at mga taong unsucessful?

Successful people didn’t give up, kahit ilang beses pa silang mag fail hindi sila umaayaw. Naka focus parin sila sa kanilang goal. Wala silang paki alam kahit gaano pa katagal at kahit gaano pa ka hirap ang pag dadaanan nila kahit gaano pa karaming failures ang ma experience nila they are very determine to reach their goal and at the end of the day kasi wala sa kanila yong salitang give up or pag suko nagiging successful sila.

Unsuccessful people always give up, marami dyan at marami rin akong kakilala kaibigan at member of the family na kahit na nakikita na nila  na experience na nilang makatikim ng success pero pag nakatikim ng kunting setback or pagka bigo ay umaayaw na agad.

Sa online marketing or kahit saang larangan kapa mapunta kung madali kang umayaw, madali kang sumoko, madali kang mawalan ng pag-asa hindi ka magiging successful. Marami ang nag aasam na maging OFW kasi nakita nila yong pinsan nila, yong kapit bahay nila, yong kaibigan, or kapatid nila na gumanda na ang buhay. Naniniwala sila na kapag naka pag abroad sila magiging maganda narin ang buhay ng pamilya nila, which is true. Pero hindi rin yon kadali, una pwedeng mag fail ka gagastos ka ng marami tapos dika pala makaka alis, pwedeng nakaalis ka pero niloko ka ng recruiter mo, pwede rin niloko ka ng employer mo, or nahihirapan ka sa trabahong napasukan mo, pwede rin na hohomesick ka. Dahil sa mga ito umayaw kana, ayaw mo na mag abroad paano na pangarap mong magandang buhay para sa family mo? Dimo ba naisip bakit yong mga iba, yong mga kapit bahay mo, kakilala mo, at kaibigan mo kinakaya nila lahat ang mga yon? Ibig sabihin kung kaya nila yon kaya mo rin, determinasyon lang at tulad ng sabi kung don’t give up.

Ganon din sa online marketing, karamihan sa mga successful sa online marketing ay dumaan din sa katakot takot na hirap, failures at yong iba nakaubos ng maraming pera pero wala paring kita. Pero pare parehas lang sila ng kwento kahit magtanong ka pa. Ang sasabihin lang sayo we continue believing that there is money online na pwede rin akong kumita ng dollar online , na pwede rin akong yumaman sa pamamagitang ng online marketing.

Marami na akong tinuruan na kumita na sa online marketing, hindi lang barya ang kinikita kundi thousands of dollar. Pero nong biglang nag fail yong kanilang ginagawa at nawalan sila ng kita umayaw narin sila at parang di sila naniniwala na pwede silang kumita ng malaking pera online, at mas pinili pang mag abroad lumayo sa family nila at mag paalipin sa ibang bansa , yong iba naman mas ginusto pang mamasukan at sumahod ng minimum per day. May mga iba naman na kahit wala silang kinita for how many months tinuloy-tuloy parin nila , hindi sila nag give up. Now they are millionaires.

So kung naniniwala ka talaga na pwede kang kumita online, be sure ang mindset mo ay hindi ka aayaw at magiging successful ka online kahit ano pa mangyari kahit gaano pa ito katagal gagawin mo parin.

Sa online hindi pare parehas and magiging experience natin pwedeng yong iba in few months maganda na ang kita pero yong iba naman it take longer time pero at the end of the day kung dimo ito titigilan pasasaan ba at magiging successful karin.

When I said don’t give up and don’t stop meaning tuloy ka parin sa pag tuklas , pag explore , at pag aaral kung ano ba ang bagay sayo na online opportunities. Halimbawa yong kaibigan mo successful sya sa website flipping (build website then sell). Hindi ibig sabihin magiging successful karin doon, maaring magaling sya sa linyang iyon kaya successful sya eh ikaw dika naman magaling doon. So try to explore other opportunities halimbawa sikat ka naman sa facebook bakit hindi mo ito pagkakitaan at samantalahin mag benta ka ng mga bagay sa mga friends at followers mo na sa palagay mo needs nila. Magaling kang gumawa ng video? Instead of posting them to facebook bakit dimo igawan ng youtube channel lahat ng videos mo then i monetized sa pamamagitan ng pagbenta ng ads sa google.

What I am saying here is kung hindi umobra ang isang opportunity sayo online hwag kang mag giveup try another one, pero gaya ng sinabi ko rin sa ibang post ko dito avoid being kangaroo type of online marketer. Yong tipong talon ka ng talon narinig mo lang si ganito si ganyan na kumita gusto mo subukan din. Hwag ganon dapat pag may napili kang opportunity online at alam mo naman na talagang kaya mo ito at passion mo ito dapat mag stick to it ka muna hanggang kumita kana. Pero kung ginawa mo na ang lahat nag invest kana ng maraming time (marami meaning everyday at least 6 months ) ay wala ka parin kinikita then that’s the time siguro na need mo ng i re-consider kung maghahanap kana ulit ng bago.

So what you need to do for now?

Start – ¬†Mag umpisa ka kung ano kaya mong gawin kung ano nalalaman mo, dimo kailangan mag aral munang mag program, mag seo, mag sme, at kung ano ano pang naririnig mo online. Kung ano kaya mo ngayon yon muna ang gamitin mo. Along the way matutunan mo na yong iba, mahalaga maka pag start ka at masipag kang mag aral. Read… read.. read.. at read pa more about the opportunity you selected.

Set your goal – Need mong mag set ng goal para sa ganon alam mo kung saan ka patungo kung ano talaga ang gusto mong gawin online. Without a goal is like shooting everywhere without specific target.

Focus – Kapag naka pag set kana ng goal mo you need to focus to reach your goal na na-umpisahan mo na.

Don’t give up – Walang aayaw kahit abutin pa ng isang tao or dalawang taon bago mag reach ang goal mahalaga hindi ka mag give-up. Kung napapagod kana , burnout kana, pwede kang mag pahinga pero never quit.

 

Focus! Focus! Daw! Pero bakit maya’t maya eh iba na yong ginagawa?

Yon!!! hehe after how many months heto na ang pang number 3 sa 6 step to become successful online.  Sensya na as usualang tagal na naman bago mag post. Alam nyo naman buhay estudyante na kailangan mag FOCUS hehehe. Kita nyo kahit sa pag aaral kailangan din mag focus kundi fail ang aabutin ko :D.

“One more thing sorry guys kung may mga mali, paki intindi nalang diko na kasi na prof read eh”

focusSana ma-ideliver ko ng maayos yong gusto kong ibahagi sa topic na ito para sa ganon hindi naman masayang ang oras mo sa pagbasa ng blog na ito.

To be honest kung ayaw mong mag fail online pay attention on this. Marami nang sumubok sa online marketing ang nag fail dahil hindi nila nai-intindihan  ang kahalagaan ng pagkakaroon ng Focus sa ginagawa.

Sa online marketing kahit anong line pa ang mapipili mo, mapa SEO, blogging, content provider, ecommerce, service provider, or sell your product man still kailangan mong mag focus kundi mauuwi ka sa pag give up.  Kung ikaw yong tipo ng tao na madaling ma distract  pero naka pag start kana online nagawa mo na yong step 1 at step 2 natin I suggest na i avoid mo munang mag basa ng mga blogs and articles na about sa how to make money online na hindi related sa napili mong line.

Believe me if you do this, you help your self para maka pag focus kung ano na ang naumpisahan mo. Marami kasi sa atin ang madaling ma-distruct, kapag may narinig o nabasa na bago gusto rin subukan. Halimbawa sabi ko magsulat ka ng article tapos ibenta mo kikita ka for sure. Tapos kina umagahan sabi ng article na nabasa mo mag benta ka ng website mas malaki at mas madali ang kumita ng pera. Ikaw naman ay naniwala at nagmamadaling mag aral gumawa ng website, bumili ng gabundok na book at san tambak na ebook about how to create a website na nauwi lang naka tambak sa aparador at naka file sa hardrive mo kasi dimo  naman kayang basahin sabay sabay.

Then after 2 months nag attend ka ng seminar how to make money online at sabi ni speaker mas madaling kumita ng pera sa pamamagitan ng launch jacking. Sabi mo sa sarili mo ito na, ito na talaga ang mag papayaman sa akin magiging succesful na ako Ed  kasi malaki ang potential talaga ng launch jacking. Ang tanong ko naman sayo anong nangyari sa mga binili mong books and ebooks? Marunong kana bang gumawa ng website after 2 months? How about yong inumpisahan mo dati na sabi mo gusto mong magbenta ng articles?

Kung hindi ka kumikita sa dalawa mong naumpisahan malamang may problema ka, at sigurado akong hindi mo rin matatapos yang launch jacking na yan ay may makikita ka na naman na sasabihin mo ito na talaga. Hanggang sa masubukan mo na lahat ang mga puedeng pagkakitaan online. After one year baon kana sa utang wala ka pang kinita, ang masaklap pa nito aayaw kana kasi dikana naniniwala sa mga taong nagsasabi na puede kang kumita online kasi lahat ng sinubukan mo nag fail ka.

Hindi yon kasalanan ng system, lahat ng nabasa at narinig mo na way to earn money ay totoo they all works. Ang naging problema ay ikaw. Wala ka pang natatapos gusto mo na naman mag umpisa ng bago.

Pahiram Lang Po :)
Pahiram Lang Po ūüôā

Alam mo ba kung bakit may takip ang magkabilang gilid ng mata ng kabayo na humihila ng kalesa? Ginagawa ito ng mga kotsero para sa ganon naka focus lang sa harap ang kabayo at hindi sya ma distruct sa mga bagay bagay na nasa paligid nya. Since may takip ang magkabilang gilid ng mata nya wala syang choice kundi tumingin lang ng diretso, sa direction kung saan sya pupunta, mas mabilis syang makakarating sa goal nya at hindi rin malalagay sa peligro ang mga sakay nya.

Ang lesson? Well kung gusto mong maging successful online or kahit anong field pa ang napili mo, kailangan mong magbulagbulagan at mag bingibingihan sa mga sumusulpot na mga distruction sayo para sa ganon you will safely reach your goal.

Bago ko tapusin ang blog post na ito, I have a story to tell you na good example na kung mag fofocus ka lang sa ginagawa mo masmapapaaga ang iyong succes.

Alvin Dizon, is an example ng nagtagumpay online dahil nag focus sya sa ginagawa nya!
Alvin Dizon, is an example ng nagtagumpay online dahil nag focus sya sa ginagawa nya!

On December 2012, bumagsak ang earnings namin most of our clients were badly hit by google Penguin update, kung dika familiar about that Google Penguin update thing na yon, hayaan mo na wala naman syang papel dito sa sasabihin ko hehe. Dahil dito hindi ko kayang magbigay ng bonus sa mga tao ko kaya sabi ko sa kanila I still extra fund here kung gusto nyo ibilhan ko kayo ng tig isa kayong domain at hosting then gawin nyo itong system na na-discover ko that I am 100% sure na kikita kayo in 3 months.

To make the story short some of them have tried siguro 10 yong nagsabi na gusto nilang i try, but after 2 months nainip sila at pinabayaan yong site at yong system na binigay ko sa kanila.

But one of them consistently follow the program or instruction I gave to these 10 person. After 3 months he started to earn di naman kalakihan $30-$50 siguro ganon ang kinita after 3 months. Then tuloy parin sya sinusunod lang nya kung ano ang sinabi ko sa kanya na gawin nya and he never tried other ways to make money online ito lang ang ginagawa nya. Then after 5 months doing religiously the system I gave to them, he started to earn 3 digits then later on 4 digits in dollar yon ha.

Hanggang umabot na sya sa point na mas malaki na ang kinikita nya kaysa sa akin sa system na ito. After a year naka pagpatayo na sya ng sarili nyang bahay.  Naging successful sya hindi dahil na prove ko na 100% mag wowork yong system, kundi dahil nag focus sya at naniwala sya na kung susundin lang nya ang nasabing system kikita sya. Hindi na nya kinailangan maghanap pa ng iba ibang way to make money online.

Kung gusto nyo syang makilala heto sya Alvin Dizon hehe sana di magalit sa akin na sinama ko sya dito sa blog ko ūüėÄ

One last word… FOCUS!

Goal Setting : Step #2 sa 6 steps para maging successful online

goalsSorry guys, napatagal itong second step natin. Medyo naging busy kasi lately naging buhay estudyante na naman. Nainggit kasi ako sa mga degree holder kaya ayon bagong goal maging BS Computer Science graduate, hopefully next year matatapos ko na.

Marami sa atin, ang daming pangarap, I dream to become pilot someday, I dream to become a doctor one day, I dream to become a teacher one day. Ito ang mga madalas natin marinig at sinasabi noong mga bata pa tayo. Pero nung tumanda na tayo, madalas na nating sabihin, dream ko talaga maka punta ng boracay, dream ko magk roon ng ganong sasakyan, dream kong magtravel abroad, dream kong magkaroon ng sariling bahay, dream ko rin magkaroon ng personal business ko, at mareami pang dreams na kulang ang space ng hosting ko kung isa isahin ko lahat dito.¬† Ang mga dreams natin¬† ay mga pantasya natin na madalas hanggang sana nalang, tama ba yung tagalog ko ūüôā (pantasya)?

Kapag ginawa mong goal ang mga dreams mo, ibig sabihin  gumagawa ka nang paraan para maging totoo ang pinapangarap mo at hindi nalang sya fantasy kundi reality na sya.goal setting measurable

Kung first time mo lang makarating sa blog na ito, I suggest na i-read mo muna na ang blog post na ito “6 steps para maging successful online” para mas maintindihan mo ang purpose ng blog post na ito.

But we did not realized that dreams are just dreams unless we make action to set them as goal. Tandaan mo ang mga panaginip ay nang yayari lang kapag tulog tayo, marami sa mga ito ang nakakalimutan na natin pag kagising.¬† Meaning kailangan mong gumawa ng action kung gusto mong magkatotoo ang mga dreams mo…

And all starts from SETTING A GOAL:

setting goal1. How to set a goal – Aminin man natin o hindi 95%-98% ng mga Filipino hindi marunong mag set ng goal. Hindi ko alam kung ang dahilan ay di talaga sila marunong mag set ng goal or ayaw lang nilang gawin ito kasi tinatamad sila or natatakot silang gawin ang mga consequences nito.

Kahit ano pa ang reason ng bawat isa sa atin bakit di tayo nag se-set ng goal, sana after reading this article eh matutunan nyong mag set ng goal.

Teka paano nga ba talaga mag set ng goal :)? Haha bigla tuloy akong napaisip, baka naman mamali ako sa sasabihin ko eh mapagalitan pa ako ng mga expert talaga sa usaping ito. Kaya ikwekwento ko nalang kung paano ko ito ginagawa base sa experience ko.

Natutunan ko magset ng goal noong makabili ako ng book ni Brian Tracy na may title na “The 21 Success Secrets of Self-Made Millionaires“.¬† And to be honest malaki ang naging papel ng book na ito kung ano ako ngayon financially.Isa sa mga natutunan ko sa book na ito is to set a goal.

Bago ka mag set ng goal dapat alamin mo muna kung ito ay attainable or realistic ba.¬† Halimbawa jobless ka ngayon at ang gusto mong goal is to earn 5,000,000 in one month. Realistic ba sya sa current status mo? Kung ang sagot mo ay hindi meaning hindi ito goal, but¬† a fantasy.¬† Ang goal ay na me-measure in time, kaya madali mo itong malalaman kung yung sinasabi mong goal is attainable o hindi. Yung iba malamang sasabihin malay mo manalo ako ng lotto :), sabi ko naman malay mo hindi ka manalo ng lotto :). It’s a dream/fantasy , inasa mo sa luck ang iyong pangarap.

Here is how I do it, first kailangan ko ng papel at ballpen. Then on this paper isusulat ko ang aking Goal. Let’s say¬† ang goal ko is “to earn $500 a month in 6 months from now“, meaning on the 6th month and succeeding month mula isulat ko ang goal na ito dapat kumikita na ako ng $500 a month. Bakit kailangan kong isulat ito?

Well maganda na yung may nag papaaalala sa akin kung ano ang goal ko. ¬†I still remember when I set my first goal, isinulat ko sa mga papel ang main goal ko, na in 10 years from now (2002) “I will be having my own house, car, and business“. Tapos isinulat ko lahat ang mga dapat kong gawin para maabot ko ito. Then lahat ng mga sinulat ko ay naka dikit sa loob ng kwarto ko, kahit san ka lumingon may mga naka sulat about sa goal ko. Ito ang nagpapaalala sa akin every time I am inside my room about my goals. Guess what? After 8 years na reach ko ang mga goal na sinulat ko, mas maaga kaysa sa target ko na 10 years.

See ganun lang kadali ang mag set ng goal, bakit di magawa ng iba?  After setting your goal you need to make an action to reach your goal.

2. How to reach your goals –¬† Oh ayan naisulat ko na ang aking goal, okey na ba yun? Syempre hindi pa, writing your goal is just¬† the beginning. Ang susunod mong gawin ngayon is write down all the action you need to do to reach your goal. Tama! Kailangan mong isulat lahat ang maisip mo na way para ma reach mo ito. Try to write as many as you can, then from the list you made mamili ka kung alin sa mga isinulat mong solusyon ang puede mong gawin at sa palagay mo kayang kaya mong gawin paraplan of goal ma abot mo ang iyong goal

Kung goal mo magkaroon ng 500,000 pesos savings in 12 months, ano ano ang mga puede mong gawin para pagdating ng 12th month ay may 500K ka nang savings. Puede mong isulat sa iyong papel ang mga sumusunod: 1. Magtinda ako ng barbecue sa gabi, tapos gumawa ako ng puto sa umaga tapos itinda ko sa mga canteen. 2. Mag buy and sell ako ng bigas 3. Tumanggap ako ng home turorial 4. Mag blog ako 5. Mag provide ako ng cleaning services  6. Isang beses nalang ako mag mall sa isang bwan 7. Di mun aako bibili ng bagong gaddget 8. Di muna ako kakain sa labas 9. Gulay muna ako for 12 months and so on.

Makikita mo pag ginawa mo ito tuloy tuloy ang mga maiisip mong solusyon para maabot mo ang iyong goal, ito ang isang sekreto kung bakit kailangan mong isulat lahat ang mga maiisip mong solusyon, kasi kung hindi mo isulat sooner or later makakalimutan mo na yung mga naiisip mong paraan para ma abot mo ang iyong goal. Isulat mo lahat kahit gaano pa ka liit o ka silly ang naisip mong solusyon malay mo in the long run makakatulong pala ito.

Pagkatapos mong maisulat lahat, pumili ka ng sampo sa mga isinulat mo, ang sa palagay mo mas madali mong gawin at kung gagawin mo ito sigurado kang maaabot mo ang iyong goal. Then araw-araw mong gawin ito hanggang sa makasanayan mo na sya at magiging systema mo na sya. Believe me as long as you donot stop doing something to reach your goal, magugulat ka nalang isang araw you reach your goal na.

3. Long Term And Short Term goals  РKung ang goal mo ay malaki at pang matagalan, kailangan mo itong hati-hatiin ng mas short term and long term goalsmaliliit ng goals para hindi ka mainip at magsawa. Walang pinagkaiba ito sa pag-akyat ng bundok. Kung ang aakyatin mo ay kagaya lang ng Mt. Samat puede mong sabihin na mga 1-3 hours lang nasa taas na ako di ako maiinip at di masyadong mapapagod. Pero kung ang aakyatin mo ay kagaya ng Mt. Apo, kailangan mo ng tatlong araw para maabot ang ibabaw nito. So hindi puedeng tuloy-tuloy kang maglalakad paakyat gang makarating ka sa ibabaw ng Mt. Apo. Kailangan mong hati-hatiin ang pag-akyat. Sa unang araw umabot ka sa kalahati, then on the second day saka ka sa summit. And on the third day saka ka naman baba.

Ganun din ang approach sa mga malalaking goals, you need to divide them into smaller goals. Halimbawa ako, when I wrote my goal to have my own house, car, and better life in 10 years.  Hinati hati ko ito, para sa ganun mas madaling igawan ng steps kung paano ko maabot ang bawat small goals papunta sa main goal ko. Syempre to reach my main goal, dapat ang unang goal ko is to find an stable source of income, then paano ko papalakihin pa yung nahanap kong source of income. Ang nang yari is goal after goal.

Halimbawa ang goal mo is to have your own car in 12 months from now and you want to pay it cash.¬† Second step is to decide whether brand new ba or second hand? Third step alamin mo kung magkano ito. Let’s say 500,000 ang price nung car na napili mo. Divide it by 12 months that is 41666.7 per month ang kailangan mong maitabing pera para pagdating ng 12th month may brand new car kana.

Kung titignan mo pinaliit natin yung 500K na goal natin into 41,666.7 per month, so ang focus natin per month is to reach our monthly goal which is 41,666.7. Mas madaling magisip kung paano maiipon yung 41,666.7 per month kaysa yung 500K kahit sabihin mo pang 12 months. Puede mo pa ngang paliitin pa, i divide mo per week para lalong lumiit yung goal mo. I hope you got my point.

Well I guess that’s all, pasensya na kung medyo napahaba. Ito lang ang blog post ko na diko natapos ng isang upuan :). Sana kahit papaano may napulot kayo dito.

 

3 simple steps to start your online career. Start Now! Tanong nila paano?

Puede daw bang gawin kong mas detailed pa yung bawat topic na sinulat ko sa¬† about sa “6 steps para maging successful online“. Sige yung mga nag re-quest pagbibigyan ko kayo this time ūüôā sa susunod na mag request kayo sisingilin ko na kayo ng coaching fee (:D).

Maraming nagsasabi dyan, madali lang sayong sabihin Ed na mag start, kasi alam mo na kung ano ang gagawin mo. Eh paano naman kami eh wala pa kaming alam san kami mag i-start?  Gusto ko lang linawin,  nung nag uumpisa ako walang ganitong blog para magbigay sa akin ng motivation at guide.  During those this days almost everything may bayad.   Kung gusto nyo talagang maging successful online, I am encouraging from this moment na alisin nyo lahat yung mga negative thinkings  nyo.

Since dimo alam kung paano at saan ka mag start. Ako ngayon ang magdidikta sa buhay mo pagdating sa internet marketing. Ako muna ang master mo ngayon. Sundin mo kung ano ang sasabihin ko sayo dito at sisiguraduhin ko sayo makaka pag start kana.

I want you to start your online career by creating your own blog. Ito ang gagamitin nating pinto papasok sa online marketing world. Mai-intindihan nyo kung bakit,  sa mga susunod kong blog post.

Dimo alam ibig sabihin ng blog? Tinatamad ka rin alamin kung ano ito.. heto basahi mo muna ang simple definition nya dito

Kung gusto mo pa ng mas detalyadong explanation heto ang link sa wiki-pedia about bloging.

Let’s begin

lose interest1.  Ano ang i bla-blog mo? РEwan ko sayo, blog mo yun eh :D.  Ito ang sagot sa tanong mo I already have a blog entry about sa tanong na ito please follow this link. Mahalagang basahin mo ang blog entry na yan, kung gusto mo talagang matutong mag blog. Tandaan mo ito ay unang hakbang mo palang papasok sa mundo ng online marketing.

Kung dito pala tinatamad kanang pag-aralan ang mga dapat mong malaman.  Ang maipapayo ko sayo, wag mo nang pangarapin ang online marketing. Go somewhere else kung saan ka nag eenjoy baka dun yumaman ka.  Sabi nga ng teacher ko dati, if you do not want to memories the multiplication table, better go to the mountain then plant kamote baka yayaman ka dun.

 

blogger2.  Choose blogging platforms РSounds technical? Hwag kang mag panic, hindi ito mahirap.  Ayaw kong gawin kumplikado ang part na ito, kaya hindi ko sasabihin na bibili ka ng domain or hosting mo.  Kapag tumagal tagal kana sa online marketing matutunan mo narin lahat ang mga ito. Ang purpose lang naman ng blog post na ito is maka-pag start kana.

Ang gagamitin natin na blogging platform ay FREE, para wala kanang alalahanin at para dimo na naman idahilan na wala ka pang pera para maka pag-umpisa.  There are many free platforms that you can use like blogger.com, wordpress.com, tumblr.com, blog.com at marami pang iba.  Lahat ang mga ito ay free at madaling gamitin.

Personally I prefer blogger.com, unang reason ko, matatag sya kasi pag mamayari sya ng pinaka malaking online business sa buong mundo which is google.   Mabilis ang kanilang server, hindi ka mag aalala na baka magdown ang website mo. Wala rin limit ang bandwidth na puede mong gamitin at wala rin limit ang diskspace.

I assume na may gmail account na kayo, kung wala pa please go to http://gmail.com and create a new account.  Ang gmail ay pag aari din ng google. Dito ka mag crea-create ng account for all google own website.

Kung mayron kanang account sa gmail, please go to the following URL http://www.blogger.com.  Ngayon panuurin mo ang video na ito para matutunan mo kung paano i-setup ang blog mo sa blogger.com.

Note: Wag nyo nalang pansinin yung mga pronunciation ko dyan kasi alam ko maraming sablay. Diko na inedit mahalaga maintindihan nyo it’s 4:30 AM inaantok na ako, tapos mina malat pa kaya pag pasensyahan nyo nalang yung ibang word na sablay :D. Di naman yun ang pinunta nyo dito eh.

3. Your first blog post РAng suggestion ko sa first blog post nyo is something about you or reason why you started your blog. Para mayron kayong basehan puede nyong i check yung una kong blog post.  Para mas magkaroon ka ng idea kung paano mo isusulat ang iyong mga blog post specially your first blog post please refer to this blog entry.  Tulad ng sinabi ko kanina sundin mo lang ang ma sasabihin ko na gawin mo. Kung dimo magawang basahin lahat ng minsanan ang mga link na binigay ko, puede mong balikan maya maya or bukas.  Please do not skip any link na binibigay ko, importante lahat ang mga ito.

Kung sinunod mo lahat yung tatlong step na sinabi ko sa blog post na ito I am sure  you have your first blog na. Na accomplished mo na ang first step natin.

Ayan may nagrereklamo na naman, di daw sya marunong mag english, paano nya malalagyan ng laman yung blog nya. Lahat tayo may basic english from Grade I hanggang mag graduate tayo ng English. Kaya naniniwala ako na kaya mong mag sulat ng English.

Ito tip ko sayo kung hirap kang mag create ng blog content mo, maglagay ka ng mga sarili mong mga pictures sa bawat mga post mo at least 3 or more each picture na ilalagay mo lagyan mo ng kwento.  Same with video maghanap ka ng mga video sa youtube.com or sarili mong video then gumawa ka ng sarili mong kwento.

Watch out for the second step… set a goal… for now try to post regularly sa blog mo. Let’s do this one step at a time…