Kung ko lang i share what happened to me 4 days ago. I receive a phone call from an attorney  base in Makati, according to him may demand letter na ang (diko na i mention yong company) regarding sa infringement of  international copyright law. Dahil daw I used a trademark and copyrighted images. According to him there were 5 emails sent to me asking me to cease and disease all those promotion we’ve made 6 years ago. To be honest hindi ako aware na may mga emails na palang dumating sa isang email address ko kung saan halos 2-3 years ko ng di binubuksan.

Nong i search ko yong nasabing request I found out na mayron nga at napakatagal na pala ito. Dahil akala nila I ignored all their emails and request they file case against me and my company. Nong nalaman ko ito ang unang pumasok sa isip ko ay natakot, syempre bakit madedemanda ako sa kasalan diko naman ginusto. Hindi ako maka pag isip ng maayos diko alam ano gagawin ko saan ako kukuha ng $20,000 agad agad to settle the problem.

Nag umpisa yong problem dahil sa dalawang images na binigay sa akin ng aking client, diko narin i meniton ang name nya. Matagal kong naging client yon and I admit I made lot of money from him. During that time I guess it wast 2012 may pina promote syang mga websites nya where he is selling wines. Binigyan nya kami ng 2 images na gagamitin namin to build graphics material for the promotion of his online liquor website. I even ask him personally kung may pahintulot ba sa kanya na gamitin ang dalawang images and he replied with a scanned image na nagsasabing pinapahintulutan syang gamitin ang mga nasabing images. Yon pala hindi totoo fake lang.

Nong dumating problemang ito at sya muna ang hinabol ang ginawa nya dinown nya ang kanyang website tapos saka kami itinuro na may kasalanan. Pinalabas nya na kinuha lang namin yong image online without asking permission. Kinausap ko yong client about this problem I even show him our email correspondence pero still he is insisting na kasalanan daw namin yong nangyari kasi hindi namin verify ang authenticity nong agreement to use. And after that he ignored me totally kahit anong message ko sa kanya kahit anong pakiusap ko sa kanya na tulungan nya akong maayos ang problemang ito kasi sya naman maykasalanan hindi na ako sinasagot.

For the past 3 days halos wala akong tulog, kaiisip ano gagawin ko para ma solve ko ang problem na ito. Iniisip ko saan ako kukuha ng 20,000 usd that is more than 1 million pesos if we convert it sa current rate exchange. Di ako makatulog, stress as in stress di maka pag isip ng maayos to the point na mainit lagi ang ulo ko nadadamay pati mga mgahal ko sa buhay. Pati anak ko na sisigawan ko at napalo ko pa sya twice I am totally disoriented.

But I said to my self this morning, oo this morning lang kung wala akong gagawin I should not expect any result.  Ang condition nila I’ll pay para sa danyos or I will remove all those images online and they will withdraw all the charges against me ang my company. So naisip ko ang pagasa ko nalang is kailangan ko maalis lahat yong mga images na ginamit ko ang kanilang trademark.

I tried to search the image and I found it, and tried to remove the image luckily standard yong mga gamit namin dati sa aming company sa paggawa ng username at password pati email address so hindi ako nahirapan alisin yong unang image then I move to the next image pero naisip ko ang dami more than 40,000 entries ang need kong linisin how can I do that for 7 days (yon ang binigay sa akin na palugit). Pero need kong gawin ito I need to make possible the impossible. No room for negative today.. so I started to think paano mapabilis kung mag hahire ako kahit 10 pa ang i hire ko di namin kayang linisin lahat ng mga images na mga yon. Tapos kaninang mga 2 siguro or 3 diko matandaan nakita ko yong post ko sa facebook it’s a joke about sa mga students na gustong maging programmer.. haha biglang naisip ko what the heck programmer pala ako bakit diko naisip agad I can create a simpel script to do all the magic.

Yes… in less than 1 hour I completed a very simple program na ang gagawin i seasearch lahat yong mga images using certain keywords and criteria and boy magic talaga  kasi in less than 10 minutes wala na lahat yong mga images na need kong burahin. Sobrang saya ko, nabunutan ako ng tinik actually hindi nga tinik eh pako na di singko.

Then I contacted the legal department of the said company, sinabi ko na lahat ay naayos ko na. Sabi ng kausap ko 2 hours ago nakita pa daw nila na 40k plus yong mga images na nakakalat online. I told to him na i check ulit and he said what the hell have you done how did you do that? Sabi ko I created a simple program that will search and destroy all information that I want to be remove online.

Biglang nagka interest about that said script and offer me kung gusto ko daw i compensate nila ibigay ko lang yong script na ginamit ko. Wow astig haha ngayon ako na kikita sa halip na ako ang magbabayad. Well wala naman na akong panggamitin sa nasabing script why not anyways it’s a 50 lines program lang naman sya haha. Kumita pa sa bandang huli.

The lessons are:

  1. Mag ingat sa mga nakaka transact online kahit matagal mo ng kakilala or customer kapag sa gipitan na ililigtas nila ang kanilang sarili.
  2. Tandaan mo malaking usaping ang copyright infringement pagdating sa online so mag ingat ka sa mga ginagamit mong images, trademark materials, content, at even text.
  3. Kapag mayganitong kasalimoot ng problemang daratign sa buhay mo hwag kang mataranta, mag isip ka ano dapat mong gawin para sa ganong masolosyonan instead of matakot or tumahimik nalang magmokmok. Kapag hinayaan mong kainin ka ng problema hindi kana makaka pag isip ng maayos, pati mga taong mahal mo at nagmamahal sayo ay madadamay na.
  4. Don’t give up, think think think then focus. Use every possible resource of knowledge you have to solve your problem
  5. Tandaan mo kung maghahanap ka ng solosyon sa problema mo makakahanap ka..
  6. Kung quequestionin mo ng quequestionin bakit sayo ang problemang hinaharap mo instead of doing something to solve  the problem don’t expect na mawawala ang probelmang kinahaharap mo
  7. Stop complaining , you need to act.

4 Comments on I almost paid $20,000 for a client mistake, positive actions will always do the magic.

  1. makisig talaga tong si sir ed, napapaisip tuloy ako ngaun kung bakit hindi ako nakinig sa mga technique na tinuturo nya samin dati nung kasalukuyang nagtatrabaho pako sa company nya halos lahat binibigay nya ng libre ultimo script ng walang bayad, may free class din sa bahay nila with meryenda pa hahahah

    dko sure kung makikilala nyoko sir, kung makilala nyo man ako secret nlng ntin mahiyain ako e hahahah

  2. Haha salamat sa comment, how I wish you mentioned your name para nakilala kita kahit secreto lang din haha

  3. hahahah d na kylngan sir, bsta secret. goodluck sir, sna magkaroon ulit kyo ng office apply ulit ako. nkakamiss yung mga task. hahahah

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *