Para hindi maubusan ng ideas na isusulat sa blog

Mabilisan lang ito, it’s 3:25 AM na hehe medyo inaantok narin, pero kailangan ko ring i update ang blog na ito to update yung mga nag hihintay ng new post ko. Sensya na medyo busy pa kaya hindi masyadong nakaka pag update. I am creating a product right now that will be soon to launch hopefully next week na. Puede kang mag join dito and you can earn 100% commission directly deposited to your paypal account. I announce ko dito day before the launching.

Since mabilisan lang ito, please kung may mga mali ako or kulang kulang paki inform nalang din ako or kayo nalang bahalang umintindi. Baka kasi di makasunod yung mga daliri ko sa sinasabi ng utak ko :).

Here we go..

Okey,  aminin na natin kahit pa passion natin at knowledgeable tayo sa topic na napili natin para iblog.  Dumarating  tayo sa point na hirap tayong mag isip kung ano ba ang isusulat natin. Sa kadahilanang ito,  dito nag uumpisang tatamarin na tayong mag sulat para sa blog natin kasi akala natin nasabi na natin lahat. Akala natin wala natayong idea or alam pang isulat sa blog natin. Ito ang isang reason why other people feel bored writing their blog content.

I mentioned in one of my previous blog that you must start a blog that you are passionate .  Kasi kung passion mo or knowledgeable ka sa topic na napili mo hindi ka mahihirapan mag sulat ng content ng blog mo. Mag paganun paman may times talaga na palagay mo naibigay mo nalang nasulat mo nalahat.  Pero sa tutoo lang walang katapusan ang puede mong isulat, kaya lang wala kang clue kung paano mang yayari ito.

Para dika maubusan ng idea kung ano ang isusulat mo,  kailangan mo ng magbibigay sayo ng mga ideas.

1.  Magazines

Ang mga magazines na related sa niche mo ay malaking tulong para magkaroon ka ng idea kung ano ba ang dapat mong isulat sa blog mo.  Maraming articles dun na puede mong gawing reference para sa susunod mong post. Alam mo ba na yung mga ads duon ay puede rin maging clue para sa susunod mong blog post.

2. TV Shows

Halimbawa ang blog topic mo ay about cooking, sa pamamagitan ng mga tv cooking shows magkaka roon ka ng idea kung ano ang susunod mong i susulat sa blog mo. Ang mga tv shows ay napakalaking tulong sa atin para maging updated tayo kung anong bago sa ating napili na topic. Kung minsan kasi dahil busy tayo dina tayo updated sa mga bagay bagay na interesting para sa atin.

3. Books

Maghanap ka ng  aklat na related sa topic or passion mo. For sure ang mga aklat na ito ay makakapagbigay sayo ng maraming ideas para may maisulat ka saiyong blog. At hindi lang basta idea at information kundi high quality information that you can share to your blog readers.

5.  Group / Organization

Kung may mga grupo or organisasyon sa niche na napili mo, maganda kung makakasali ka sa kanila. Dahil ang mga members ay makakatulong sayo para makakuha ka ng ideas. Kadalasan kasi ang mga members ng isang org for a particular niche laging updated mga yan at gusto nila nauuna silang magbalita sa mga kasamahan nila.

6. Join Forums

Maghanap ka sa internet ng mga forums na related sa napili mong topic, mag join ka sa top 5 forums na makita mo.  Regular mong bisitahin ang mga forum na mga ito. For sure marami kang makukuhang idea sa mga members.

7. Use Google Alert

Ang google alert ay napaka effective tool para maging updated ka kung ano ang mga bago sa niche mo. Kailangan mo lang sabihin kay google kung anong keywords ang i aalert sayo everytime may bagong pang yayari sa topic na napili mo.

8. Subscribe to related blog

Hwag kang matakot na mag subscriber sa mga ibang blogs na related sa site mo, makakatulong ang mga ito para sa ganun maging udpated ka lagi kung ano na ang bago sa niche mo.  Karamihan kasi sa mga authority blogs owner everytime maybagong post sila pina padalhan din nila ang kanilang mga subscribers.  Kung naka subscribe ka sa top 10 blogs na related sa niche mo dika na halos mauubusan ng idea kung ano ang susunod mong isulat para sa mga readers mo.

Kung sa palagay mo maganda yung blog post na nabasa mo at naging reference mo magbigay ka ng link papunta dun. Hwag kang mang hinayang sa link na palabas, usually kapag nakita ng mga ibang bloggers na nagbigay ka ng link sa kanila at nagustuhan din yung blog content me they will do the same dimo na ito kailangan hingin sa kanila.

9. Idol/hero sites

Kunin mo yung top 10 sites sa niche mo, parang yung sa number 8 lang din. Gawin mo silang idol site mo. Diba kapag idol mo ang isang tao ang ginagwa mo halos ginagaya mo sya. Diko naman literally sinabing kupyahin mo buong site, what I mean is tignan mo kung ano ang ginagawa nya sa site nya baka puede mo rin implement sa site mo. The fact na sila yung top 10 sites ibig sabihin authority sites na sila sa niche mo.

Since authority site na sila proven na , nag wowork yung mga ginagawa nila sa mga sites nila.  So kung gagayahin mo rin yung ginagawa nila sa mga sites nila sooner or later magiging authority site narin ang site mo. Hwag mong isipin ang mga site na mga ito ay kalaban mo. They are your role model to become successful.

Itong mga idols/hero sites mo ang makakatlong sayo para dumami lalo ang idea mo kung ano ang puede mong isulat para sa blog mo.

Ayan syam lang dipa nabuong sampo :).

Siguro naman ngayon using this 9 source of ideas hindi kana mauubusan ng idea para may ma ipost ka sa blog mo.  Tandaan mo lang, mag focus ka lagi sa pag proprovide ng high quality content para sa mga readers mo. Money will only the second reason why you’re blogging.

Ayan it’s 4:00 AM na… sensya na guys kung medyo magulo yung pagkakasulat ng blog post na ito kapag magkaruon ako ng time na i edit i edit ko sya. For the meantime… unawain nyo muna 🙂

Week 2 Update : $500 a month in 6 month challenge

Medyo late itong update ko, dapat kahapon pa ito or kaninang morning kaya lang may mga ginawa kasi ako. I need to finished some content of my new membership site. Tapos kaninang hapon nag punta kami Subic birthday kasi ng nanay ko, kailangan i date.

BTW, heto na yung update ng 6 blogs, may humabol na isang blog pero hahabol nalang yung pang 7 sa naunang 6. Kung matatandaan nyo yung first week update ng $500 challenge, I mentioned na ang mga ginawa namin sofar is install wordpress blog cms to the sites, then nag add ng 3 plugins, plus 2 post to each blog. Maliban dun nag lagay din kami ng google Analytics para manitor namin kung may traffic ba ang site at kung saan galing ang mga traffic.

This week, I ask the 6 blogger na mag post ng not less than 2 blog post.  Same with the first 2  blog post, kailangan sundin parin nila yung rule  how to create blog post na sinulat ko. Kailangan maging consistent sa way of writing in 6 months para malaman namin kung effective ba ang diskarteng ito. Maliban sa mga blog post nila we started to tell the world about these blogs.

Ang marketing strategies lang namin so far is social media and related niche forums.

Marketing of the sites

Heto ang mga ginawa namin to market the sites

  1. Create new account from social media sites for each blog. (fb, twitter, gplus, linkedin, pinterest, at youtube)
  2. Add new friends to our account. Pinili lang naming i add yung mga taong related ang interest sa topic ng blog namin. We limit to 10 a day lang ang pag add para di maban ang account
  3. Join related groups and fanpages
  4. I ask them to post to their wall and groups naturally. Kung ano ginagawa nila sa personal account nila yun lang din gagawin nila. Ganun ang way ng pag popost nila para di magmukhang spammer sila. Kung may mga post ng mga friends nila at members ng mga groups na nagustuhan sila puede nila itong i like, i share or mag comment.  Ang purpose dito is not to spam pero to gain reputation and connection to other people na ang interest ay kagaya ng mga interest ng mga blogger.
  5. Pag maybagong post sa blog nila kailangan nilang i share sa mga social sites nila at mga groups nila. Dapat hindi basta i post yung link. Kailangan tell something about the url they are posting. Para malaman ng iba kung ano ba ito. Ang sinasabi ko is kung puedeng i hit nila yung emotion ng mga friends nila para ma-attract itong puntahan yung link na nilagy nila.
  6. Maliban sa mga social sites, I ask them also to join at least top 3-5 related forums. Ang purpose dito same lang with social media sites, hindi para mag spam kundi makia pag network sa ibang mga tao na same lang din ang interest nila sa interest ng mga blogger.

So far yan lang ang mga ginawa namin last week, we are not monetizing the blogs yet… Kapag okey na ang traffic try na namin maglagay ng mga affiliate programs or adsense hanggang makahanap kami ng tamang monetizing program for each blog.

Just want to show you the analytics screenshot of each blog.

Site 1: Moms related blog with 7 blog post to date..

Medyo hindi pa consistent yung traffic ng site at mababa pa nasa 39 unique lang yung traffic nya at di natin alam kung ilan dito ang mga personal friend at family ng author 🙂

Site 2: About relationship with 6 blog post

Hindi parin consistent ang traffic ng site, kung mamapansin mo 58% direct traffic

Site 3: About sa music with 9 post

Ito hindi maganda yung trend ng traffic pabagsak, not sure bakit pero hopefully makabawi next week. May 9 post na sya pero mababa ang traffic.

Site  4 :  Anime and manga related blog with 5 post

Itong blog na ito na late ang pag lagay ng analytics kaya kukunti palang ang data na nakikita nyo

site 5: Seduction related blog with 9 blog post

Ito medyo maganda ang traffic trend, kaya nag apply na ako ng affiliate program na related dito hopefully mga targeted yung mga traffic nito.

Site 6 : Writing related blog with 4 blog post

Late din nalagyan ng google analytics ang blog na ito,  medyo kukunti lang ang napopost pa nung blogger 4 palang. Ginawang 2 post per week. Okey lang naman sabi ko nga minimum of 2 per week lang naman. At useless naman yung maraming post kung wala naman sense.

Site 7 : Family matters related blog with 3 post

Bago lang ang blog na ito, pero maganda na agad ang trend ng traffic nya. Sana next week maging consistent ang traffic nya para sa susunod na linggo ay puede ng start i monetized.

 

Yan lang muna ang maibibigay kong updates guys.  Next week will give you another update kung ano na progress ng nasabing challenge.

Kung may tanong kayo about sa update na ito please leave a comment. Kung may gusto naman kayong i discuss ko basta about sa how to make money online…  please leave a comment.

I also inviting you to subscriber to this blog para every time may bagong blog post or updata ako i inform kita.

 

 

What should we write for our first blog post?

Kumusta kumusta… Ang tagal ko ng gustong mag post about this topic pero inabot yata ako ng katamaran kaya dina natuloy tuloy. Inabot na tuloy ng undas bago matapos.

Ano ba ang effective way para sa blog posting? Itong tanong na ito ay nanggaling sa isang kaibigan ko na gustong sumubok mag blog para may additional income daw sila. Full time mom kasi sya, so gusto nya makatulong sa asawa nya sa mga free time nya.

Isa lang ang alam kong  sekreto ng mga successful bloggers kapag gumagawa sila ng blog post, ito ay ang makuha nila ang emotion ng mga readers nila.  Believe it or don’t lahat tayo ay emotional, hindi tayo machine na walang emotion.  Para basahin ng mga tao ang  mga blog post mo at subaybayan nila ang blog mo kailangan ma hit mo ang kanilang emotion. So paano mo ito magagawa?

Story Telling

Sa palagay ko ito ang isa sa pinaka effective way to promote or market your self or your blog sa mga prospect readers mo.  Start your blog with your story.  Sabihin mo kung ano ba ang kwento behind this passion. Bakit ang bagay na ito ang passion mo, paano ka nag umpisa.  Marami sa atin ang mas gustong magbasa ng kwento about sa buhay buhay ng ibang tao, lalo na kung nakaka relate tayo sa kwento ng writer, marami sa atin ang pagbabasa ng facts ay boring.

Karamihan sa mga nakabasa ng kwento ng buhay ko ay naging avid reader ng blog na ito. Kasi sa unang post ko palang naka connect na ako sa emotion nila.

Puede mong umpisahan lagi yung blog post mo with a story of yours, a friend, or someone else na sa palagay mo makaka relate ang mga readers mo. A story that you can connect to your blog post topic.

Ang kagandahan kung ang mga blog post mo ay dinadaan mo lang sa kwento ay dika mahihirapan mag isip kung ano ang isusulat mo. Dahil ito ay kwento mo siguradong high quality information ang maibibigay mo sa mga readers mo.

Don’t Tell a Lie

Ang mga reader mararamdaman nila kung totoo ba o hindi ang sinasabi mo sa kanila. Wag kang mag imbento ng kwento para lang may ma ipost ka. Baka sabi mo, sabi ni Ed  “idaan ko daw sa kwento yung mga blog post ko”. Oo sinabi ko na idaan mo sa kwento ang blog post mo pero diko sinabi na mag sinungaling ka or gagawa ka ng kwentong hindi totoo.

Tandaan mo sa online marketing kahit ano pa ang napili mong way to earn from online, reputation is very important. Alagaan mo ang reputation mo kung gusto mong maging successful.

Heto personal kong experience, may ginawa akong blog post dati sa luma kong blog.  Sinabi ko dun na ito ang ginagawa ko para kumita  ng $40 a day ang site na ito from adsense, pero yung site na yun hindi naman talaga kumikita ng $40 a day kundi $7 a day lang yata minsan lower pa nga eh.  Naisip ko kasi kapag ginawa ko yun maraming tao ang pupunta dun, kasi gusto nilang malaman ano ginawa ko para maka $40 a day yung blog na yun.

Ang dami kong nakuhang magagandang comments, kaya lang hindi ko inexpect may isang visitor yung blog ko na nag sabi mas maganda daw kung sana ipakita ko yung screenshot nung sinasabi kong $40 a day para lalong ma inspired yung mga readers.  Dahil sa comment na yun bigla akong nahiya sa sarili ko at sa mga ibang taong nag comment.  Ano ang ipapakita ko sa kanila eh wala naman talagang $40 a day earnings yung site na yun. What I did is I deleted that post. At mula nun I promised to my self na hindi na ako gagawa ng kwento na hindi totoo.

What if pinilit nila akong mag pakita ng ebidensya sa sinulat ko sa blog ko, kapag wala akong maipakita syempre sasabihin nila sinungaling ako at dina sila ulit babalik pa sa blog ko. Sira pa ang reputation ko.

Kaya wag na wag kang mag popost ng dimo sigurado at hindi totoo para dika masira sa mga taong sumusubaybay sa blog mo. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa isang post ko na mas magandang passion mo ang blog na gagawin mo para alam mo kung ano ang sinasabi mo at dimo na kailangan magsinungaling or mag imbento ng kwento.

Focus on providing quality information

Syempre kung gusto mong balik balikan ka ng mga readers mo dapat mag focus ka sa pag provide value sa kanila. Mga information na makakatulong sa kanila. Marami kasing nag bla blog na ang iniisip nila ay mag bla blog sila para kumita. Nakakalimutan tuloy nila na dapat mag focus sila sa pagbibigay ng mahalagang impormasyon sa mga readers ng blog nila.  Kung ang mga information na ibinibigay mo sa mga tao ay high value, ma eearn mo ang kanilang tiwala.  At kapag ang mga taong ito ay may tiwala na sayo, everytime na may i rerecommend kang product sa kanila sa malamang bibilhin nila ito kasi may tiwala na sila sayo.

Sabi nga ni Zig ZiglarYou can have everything in life you want, if you will just help other people get what they want.

Don’t limit your thoughts

Ang tanong ng isang tao ko nung sinabi kong gawa sya ng blog ay gaano kahaba yung blog post sir?  Hwag nyong i limit ang haba ng post nyo. Hayaan nyong tuloy tuloy lang yung information na ibinibigay mo sa reader ng blog post mo. Hindi puede yung, uy naka 500 words na ako puede na ito. Bakit kailangan mong tapusin yung blog post mo kapag naka 500 words kana kung hindi mo pa naman naibibigay yung kabuoan ng information na gusto mong ipaabot sa magbabasa nito. Kung umabot ito ng 300 words, 500 words or 2000 words then let it be.  Ang mahalaga masaya yung nakabasa ng blog post mo pagdating nya sa dulo ng article.

All text is boring

Lastly,  to be honest kapag nakita ko na puro text yung isang blog post tinatamad akong umpisahang basahin ito. Boring kasing tignan at parang ang haba nakaka tamad na basahin.  Magandang lagyan mo ng at least one or more related image ang blog post mo para magkaroon ng buhay ito.

That’s it for now, salamat sa pagbasa…

Can I ask a favor from you, puede bang mag iwan ka ng comment? Kung may gusto kang  talakayin ko sa blog na ito na diko pa na natatalakay dati, please paki sabi sa comment para maisama ko sa mga susunod na mga blog post ko.

At kung gusto mo ang mga laman ng blog na ito, at gusto mong makatanggap ng email everytime may bago akong post, paki fill up yung subscription form sa left top side ng page na ito.

Happy Halloween sa inyong lahat… Punta muna ako sa October Fest 🙂

 

$265.95 in 14 days from I thought dead site, what is the story behind it?

Gusto ko lang ikwento paano kumita ng $265.95 in 14 days yung isang site ko na akala ko walang kwenta. Actually ang site na ito ay ginawa ko 3 or 4 months ago na yata. Pagkatapos kong magawa ang site na ito nakalimutan ko na sya, pero bago yun na pa bookmark ko at napa rss feed ko yata sa mga tao ko before ko sya makalimutan.

Nung April nag join ako sa isang membership site where they are teaching SEO, haha oo nag jojoin parin ako ng mga membership na related sa pinagkakakitaan ko ngayon. SEO at internet marketing membership nag jojoin ako basta type ko yung matutunan ko sa nasabing program.

Nung August or late July I guess may ni release silang video ipina pakita nila yung isang site nila na kumikita daw ng $500 a month from adsense. Yung site nila is napaka simple at naisip ko napakadaling gawin nung script nun kasi puro numbers lang ang laman nito. All I have to do is create a script that will generate a numbers. To make the story short sinubukan ko syang igawan ng script. Kaya lang tinamad ako bigla na itinuloy,  kaya ginawa ko, I tried to contact my professor during college days kung kaya nya itong gawin.  Ayon sabi with in 3 days daw matatapos. After nyang matapos yung script pina bookmark ko sa mga tao ko at pina rss feed.

After that hindi ko na sya tinuloy na i promote or galawin pa kasi medyo nag dadalawang isip akong lagyan ng google ads.  Wala naman kasing laman talaga yugn site kundi puro phone numbers lang.  Iniisip ko kung lalagyan ko sya ng adsense baka i ban ng google kasi wala naman syang masyadong laman, list lang ng mga phone numbers.

Nung October 16 habang tinitignan ko yung stat ng server ko, napansin ko yung isang site ko dun na consistent ang traffic, nasa 100+ unique a day ang traffic nya.  Nang hinayang naman ako sa traffic nung site, so ang ginawa ko nag hanap ako ng affiliate program na puede kong subukan na ilagay dun and I found spokeo.com.  Sa unang araw na nilagay ko yung search banner sa site ko naka benta ako agad ng 1 subscription.  Ngayon after 14 days I already earned $265.95 from it.

Nakaka tuwa lang kasi diko I did not put to much time to it, ginawa ko lang tapos nun kinalimutan ko na sya. Naisip ko kung siguro month or two months ago nag promote na ako ng affiliate product mas malaki na siguro kita ko ngayon.

Siguro na pa puzzle kana kung ano yung site na yun no :).  Ang concept ng site na ito is to list all US telephone numbers, para sa ganun pag may taong mag hahanap ng US number puedeng ma pickup yung page ng website. Ang kagandahan kasi sa mga phone numbers walang mga SEO people ang tumatarget sa mga ito.  Kaya ang chance na mag pakita yung page ng site na ito ay malaki. Pero since diko naman sya prinomote or di ako nag link build sa kanya medyo hindi ganun ka ganda ang ranking nya sa mga search engines. Pero still nakaka 100+ unique a day parin sya.

Yah… I read your mind, haha hindi ako manghuhula… pero alam kong kanina mo pang gustong malaman kung ano URL ng site na yun.  Okey heto na yung url ng site ko http://phoneinfolookup.net. Simpleng simple lang diba actually 5 files lagn ang nag papatakbo sa site na yan. Simpleng simple lang diba, kung iisipin mo how the hell this kind of site earn $265.95 in 14 days.

Ayan alam mo na kung anong klaseng site behind the $265.95, ano gusto mo rin kumita ng $265.95 start ka narin ng site mo na ganito tapos i market mo kapag ma imarket mo ng mas maayos sa malamang mas malaki ang kikitain mo sa akin.

Just arrive from wordcamp Philippines 2012

First time ko lang mag attend ng wordcamp Philippines even do ito na yata yung pang four times ng nasabing event. Medyo na late kami ng dating ng kasama kong si Abet Mina. 6:30 na kami naka alis ng Balanga tapos kumain pa ng breakfast sa NLEX. Kaya pagdating namin ng Manila ma traffic na sa daan tapos first time ko rin pumunta sa event venue kaya dipa kabisado yugn daan. Thanks to Mitsubishi Montero GPS feature hindi kami naligaw sa Makati.

Since first time pumunta sa nasabing event medyo dipa alam kung paano ang setup, buti nalang ang mga organizer are very accommodating at mababait sila. Sila nag assist sa amin kung sa room kami pupunta.

So far okey naman ang experience ko sa nasabing event specially sa discussion nung isang speaker nila si Kimanzi Constable. Maganda yung topic nya actually nakaka relate ako kasi yung topic nya is yun din ang tinuturo ko dun sa $500 challenge ko. Lahat ng approach nya sa pagsusulat ng blog is yun ang inaapply namin sa nasabing challenge. Will discuss this in my next blog post, kung ano ang rule na itinuturo ko sa pag bla blog post.

Ang medyo naiba lang is yung guest posting which not new actually kasi na didiscuss narin yun sa mga seo seminars at mga seo forums.

Maliban kay Kimanzi okey naman din yung mga ibang presentation ng mga ibang presentor sa nasabing event.

Ang masasabi ko lang sa event na ito, bilib ako kung paano nila i organized yung seminar napaka ayos at talagang strict sila sa oras ng mga speakers.  Isa pang nakakatuwa yung mga audience nag paparticipate sila sa discussion. Ano pa ba? Hmmm ang gagaling mag English ng mga Speakers hehehe.

Congrats sa organizer ng WordCamp Philippines 2012. At salamat di sa mga sponsors nila like FireFox Philippines, Greenwhich Pizza at iba pang sponsors. Kasi nabusog kami at may give aways pa 🙂

Quick update of the $500 a month challenge

Hello guys, quick update lang sa $500 a month challenge, di ako maka pag post na maayos mabagal kasi connection, pag uwi ko nalang ako mag post ng mga ginawa namin sa pagsusulat ng blog post. Dito kasi kami ngayon sa Baguio 2 days vacation lang para makapag pahinga at maka pag unwind. Pero from time to time nag checheck din online, di maka tiis :).
Para sa first week ng challenge heto ang mga bagay na ginawa naming sa 6 na blogs
1.    Register new domain from name.com for $10.99 per domain. Pagkatapos nun create hosting account from my VPS para makatipid ako dina kami bumili ng iba ibang hosting per domain.

2.    Install wordpress to the site, manual ang installation kasi walang fantastico yung server ko. Sa settings ng wordpress ito lang ang mga binago namin, permalink %postname%, Title, at description.

3.    Install the following wordpress plugins; All in One SEO Pack, Facebook Comments for WordPress, Scrolling Social Sharebar

4.    Then create google analytics account for each blog para sa ganun ma monitor namin ang traffic progress ng mga blog.

5.    Create the about page of the blogs

6.    Post 2 blog post per blog.

7.    Share  namin yung mga post sa fb, linkedin, twitter, at gplus. Nag join din kami sa mga related forums then made some post, hindi spam.

So far yan palang naman ang nagagawa namin sa mga blogs, expect namin makapag post ng not less than 2 post per week sa mga blogs. We will monetized only the sites kapag umabot na sa 50 unique a day ang traffic.

More tips and update in the next days so watch out. Kung gusto mong ma update everytime may bagong post ako dito sa blog na ito, please subscribe.

$500 a month earnings in 6 months from blogging challenge

Hello guys… Isisingit ko lang itong post na ito bago ako matulog, medyo pagod pa. Maghapon kasi kaming nag libot kanina. Pumunta kami sa S & R sa San Fernando , then sa Robinson Star Mills, tapos nag SM Pampanga, bago pumunta ng SM Clark, grabe adik na adik sa mall hahaha. Wala naman kaming pinamili nag ikot lang ng nag-ikot tapos kumain ng kumain.
Pero yun ang kagandahan kapag nasa online marketing ka, you can go anywhere you want lalo na kung kumikita ka ng passive income. Sakit ng katawan ko ang bigat na ng baby ko, 12.4 kilos na sya di puedeng pakawalan sa mall kasi lahat inaabot at ibinabagsak.

May mga kaibigan akong nag tatanong kung gaano daw ba katagal bago sila kikita ng at least $500 a month kung mag i start sila ng blog. Ang sagot ko sa kanila is bigyan nyo ng 6 months yung sarili nyo. Ayaw kong sabihin na in 2 months kikita na sila baka ma-disapoint lang sila kung hindi sila kumita after 2 months. Sa palagay ko 6 months is enough time para sa isang blog para kumita ng $500 a month basta alam lang ng nag bloblog ang kanyang ginagawa.

Para mapatunayan kung kaya ba talagang kumita ng $500 a month after 6 months sa pag blablog, gumawa ako ng challenge para sa sarili ko. I pick 6 individual who will create their blog base sa mga passion nila which is my topic on my last post. Ang papel ko sa challenge na ito is to teach them what they should do. Paano sila mag susulat ng blog post, at kung paano ipapaalam sa tao ang kanilang mga sinulat.

I instructed them also to at least post 2 blog post per week, pero kung kaya nilang mag post ng mas marami mas maganda. Pero pinaka importante sa lahat dapat ang kanilang ipopost sa blog nila ay original at galing talaga sa isip at puso nila. Mahalagang ma-iconnect nila yung sinusulat nila sa mga prospect audience nila.
I will update this blog the progress of the challenge para yung mga gustong subaybayan kung ma-memeet ba yung goal o hindi ay ma update narin.

Maliban sa mga updates, magpo post din ako ng mga ideas or tips paano maging successful ang blog na ginagawa natin.
Yung mga gustong sabayan ako sa challenge na ito , puede kayong mag start din ng blogs nyo… I suggest na basahin nyo yung huling post ko para iisa ang direction na gagawin natin. Puede kayong mag comment everytime na mag popost ako about sa update ng challenge na ito para sabihin din ang progress nyo.

Note : All blogs are started from new domains

I want to start my blog, but what topic should I choose?

Pagkatapos ng seminar sa Microcity, habang nag memeryenda kami, Miss Carmen Morales (Owner of the school) ask me kung puede ko daw ba syang turuan mag start sa online marketing. Ang sagot ko ay sure maam, mag start kayo sa pagsusulat ng blog. Ang sagot sa akin is paano ako mag i start ng blog at ano ba ang gagawin kong blog?

The other night, bago kami mag sleep ni misis I ask her bakit hindi sya mag blog. Ang sagot sa akin ano daw ang ibla-blog nya? Sumunod na araw an online friend from Singapore also approach me asking me if I can help her to start a blog para maka pag adsense sya. At tinatanong ako ano daw ba ang topic na puede nyang gawin.

Tapos yung dati ko naman classmate nung high school, ka chat ko sa fb the other day after nyang mabasa yung post ko about sa Seminar namin sa Microcity about how to make money online. And dami rin nyang tanong about sa online marketing I list some of her questions sa last post ko. At ganun din, di rin nya alam kung anong topic ba ang gagawin nyang blog.

Last night nag post ako ng survey sa seo org philippines official FB group and I learned na marami parin pala sa mga nasa online marketing na ang wala pang blog o dikaya dina naa-update. Isa sa nakikita kong reason bakit wala pang blog yung iba ay dirin talaga alam kung ano ba ang kanilang gagawin na blog at yung iba naman na nag start ng blog nila pero dina nila na update sa malamang wala silang interest sa topic ng blog na inumpisahan nila.

What topic should I choose?

Kung mag re-research ka online about sa question na ito, at kung magtatanong ka sa mga nasa online na ngayon.  Malamang dalawa ang pagpipilian mong sagot, ang isang grupo sasabihin sayo maghanap ka ng mga topic na may mataas ang potential earnings gaya ng insurance, health, attorney at iba pang high paying keywords. Yung isang grupo naman sasabihin sayo mag start ka ng blog base sa interest at passion mo.

Para sa akin , proven na in the long run, na mas successful ang mga taong nag bla-blog, na ang topic ay ang kanilang passion o may interest sila sa topic na sinusulat nila.

Kung passion mo or interested ka sa  napili mong topic na iblog mas madali para sayo ang mag-sulat ng high quality content para sa iyong mga readers.  Hindi mo kailangan ipeke ang mga isusulat mo kasi alam na alam mo ito. Hindi rin stressful para sayo ang magsulat kasi nga nag eenjoy ka dito.  Hindi ka mauubusan ng isusulat para sa mga taga subaybay ng blog mo. Hindi ka rin magsasawang mag sulat kasi gusto mo yung sinusulat mo.

Ang magkaroon ng blog na related sa passion or interest mo ay magbibigay sayo ng 99%  assurance na mag success ka. Kung passion mo ang isang topic or industry mas marami kang alam dito at kung marami kang alam dito mas marami kang pweding isulat. Dahil marami kang maisusulat mas malaki ang chance na malaki ang kikitain mo.

Paano mo malalaman ang passion mo?

Marami sa atin ang nalilito at hindi alam kung ano ba talaga ang passion nila. Tinanong ko yung 40 staff ko sa office, kung ano ang passion nila sa buhay. Marami sa kanila ang hindi makasagot ng diretso kung ano ba talaga ang passion nila. Hindi sa wala tayong passion, minsan hindi lang natin nabibigyan ng pansin ito. Minsan naman di tayo nabigyan ng pagkakataon na gawin ito.

Ito ang pinaka malaking dahilan kaya marami sa mga nag-uumpisa ng blog ang hindi kumikita at tumitigil sa pag susulat ng laman ng blog nila. Hindi sila makapag bigay sa mga prospect audience nila ng valuable information kasi nga kulang sila ng interest at kaalaman sa napili nilang topic.

Ito ang advantage ng mga taong may blog na related sa kanilang interest at passion.  That is the main reason why I am suggesting that you start a blog in your passion.

Masasabi mong passion mo ang ginagawa mo KUNG:

–    Nag eenjoy ka sa ginagawa mo gaano man ito kahirap.
–    Nawawala ang stress mo habang ginagawa mo ito.
–    Manalo ka ng 100 million pesos sa lotto ngayon, bukas gagawin mo parin ito.
Example :

1.    Mahilig kang umakyat sa mga bundok, alam natin lahat na ang pagakyat sa mga bundok ay mahirap at nakakapagod. Marami ang nagtatanong ano ba ang napapala nang mga taong umaakyat sa bundok?  Pero para  sayo ang pagakyat sa mga bundok ay libangan at masaya ka kapag ginagawa mo ito.

2.    Mahilig kang mag alaga ng aso, kahit pagod na pagod kana galing sa trabaho nagagawa mo paring paliguan ito, nagagawa mo parin ipasyal ito. Para sa mga ibang tao di nila maisip bakit sinasayang mo ang oras at pera mo sa pag aalag ng aso, at minsan they are

questioning bakit pati sa pagtulog katabi mo eh ang baho daw nito. Pero para sayo nawawala ang stress mo habang ginagawa mo ito.
Marami pang ways para malaman ang passion natin pero ang tatlong nabanggit ko ang sa palagay ko ang pinaka simpleng paraan para malaman mo kung passion mo ba ang bagay na ginagawa mo o hindi.

Paano malalaman kung profitable ang napili mong topic?

Passion nalang ang gamitin kong salita para I describe ang topic instead of niche (sa mga online marketers kasi niche talaga ang ginagamit nilang salita kapag blog or site topic ang pinag uusapan). Oo nga sinabi ko sa taas na mas malaking ang chance na maging successful ka sa pag bla-blog kung ang uumpisahan mong blog ay related sa passion mo. Pero kailangan din malaman mo na may mga interest or passion din tayo na maliit or walang potential para pagkakitaan natin online.

Gumawa ako ng check list para malaman mo kung ang passion or interest mo ay may potential na pagkakitaan online.

–    Maliban sa iyo, may mga tao rin bang passion din nila ang passion mo? Mga taong nangangailangan ng information or product about sa passion mo.  Halimbawa mahilig kang magluto, alam natin marami rin ang kagaya mong mahilig magluto na naghahanap ng mga iba ibang recipes online or minsan nga bumibili pa sila ng mga recipe books.

–    May mga dedicated forums sa online about your passion.

–    May mga existing magazines or books, na related sa passion mo. May mga existing product na about sa passion mo. Halimbawa ang passion mo ay mountain climbing.  May mga product na bang ibenebenta ngayon para sa mga mountain climber? Oo marami, gaya ng mga bags, cook sets, shoes, tents, at mga guides para makatulong sa mga climber.

–    May mga existing radio or TV shows about your passion. Ito ay malaking advantage in your part, dahil madali nalang para sayo ang malaman kung ano ano ang mga latest information about your passion.

–    Saguting mo ang tatlong tanong na ito without thinking.
1.    Ano ba ang kailangan ng mga taong kagaya ng passion mo?
2.    Ano ba ang gusto nila?
3.    Ano ang mga problemang na eencounter nila?
Example : Ang passion ko ay mountain climbing, Kailangan nila ng matibay na bags, maayos na lutuan, matipay na shoes, gusto nilang malaman ang mga trail paakyat sa isang bundok, madalas nilang problema ay maghanap ng makakasamang umakyat.

Yan ang limang checklist natin para malaman natin kung profitable ba o hindi ang napili nating niche. Hindi naman lahat ay required para masabing profitable ang niche mo, pero at least may dalawa man lang sa limang nabanggit ko.

Palagay ko enough na ang information na ito para maka pag decide ka kung anong topic ang gagawin mong blog. Kung may tanong ka sa mga sinabi ko sa post na ito I’ll be happy to hear them .  Masaya akong mabasa ang mga comments at suggestions niyo regarding sa blog post na ito.

Kung interested ka talagang mag start ng online business, then start with a blog.

 

My last post give me lot of trouble…

Hahaha… hindi ko ini-expect, dahil sa last kong post “Ways to Make Money Online : Microcity Computer College Presentation” makaka tanggap ako ng katakot takot na mga tanong. Akala ko talaga yung post na yun is basic na basic na sya madali na syang intindihin. Diko naisip na bawat topic pala sa nasabing post ay pag uumpisahan ulit ng bagong tanong.

Mga tanong na nag sanga sanga nung makausap ko yung dati kong classmate.

gusto ko online selling ng jewelries but how?

for sure ung iba mag aalala baka maloko sila or paano ang pagpapadala ng items diba?isa pa mejo malaking halaga ang price paano dapat ang pagset ng payment duon?ano dapat sabihn sa buyer?

paano bibili ng domain at hosting?

ano ung mga free blogging sites na un? Kailangan ko ba talagang mag signup dun?

nasa blogger na ako, how to start ba?

Marami pang tanong na hindi ko nalang isinama dito, pero dito ko na-realized marami palang mga tao na gusto rin subukan ang online marketing pero ang problema talaga nila is paano sila mag uumpisa? Kailangan nila ng guide para maka pag start.

Para sa mga nasa online marketing na ngayon, iniisip nila na ang pag create ng blog/site, ano ang ipopost, pagpili ng tamang topic, pag monetized ay madali lang pag-aralan yun, hindi na nila kailangan ng taong magtuturo sa kanila nito kasi puede nilang pag aralan on their on. Dati ganito rin ang mentality ko, kasi nung nag uumpisa pa ako sa internet lahat self study ko lang. Pero, unti-unti na realized ko, hindi pala lahat ng tao na gustong subukan ang online marketing ay kagaya ng mga successful na, na online marketers.

Para sa akin hindi na nila kailangan pagdaanan ang mga pinag-daanan ko or ng iba pang mga online marketers dati para kumita sila sa internet. Hindi na nila kailangan mag trial and error para malaman lang nila kung ano ang uubra at hindi. Hindi na nila kailangan umupo sa harap ng computer 10 – 20 hours a day para lang matutunan paano mag setup ng blog, paano i monetized ang kanilang blogs, at paano magka traffic ang website nila.

Bakit kailangan pa nilang dumaan duon kung puede naman silang turuan ng mga taong nakakaalam na ng mga bagay na ito. Hindi ba mas madali para sa mga baguhan kung may taong magbibigay ng direction sa kanila? Isang taong may experience na sa online marketing.  Alam ko may mga nasa online marketing ngayon ang magtataas ng kilay sa sinabi ko. Pero sana hindi sila magagalit sa akin kung gagawin ko ito para makatulong sa iba.

Kaya I decided na ang blog na ito ay mag focus sa pagbibigay ng information para sa mga baguhan palang sa internet marketing.  Sa mga susunod na post, I will try to answer and provide step by step guide para maka pag start sa online marketing.

Sa mga gustong pumasok sa online marketing or yung mga nag i struggle parin ngayon para kumita ng pera sa internet. Inaanyayahan ko kayong mag iwan ng tanong or kung ano ang gusto nyong matutunan para kumita ng pera online.

Ways to Make Money Online : Microcity Computer College Presentation

Last October 12, I was invited para maging guest speaker sa Microcity Computer College, the seminar is all about Internet Marketing.  After 14 years, nakabalik ulit ako sa aking Alma Mater and feel at home parin :).

Gusto ko lang din i share sa mga sumusubaybay sa blog na ito yung nilalaman ng aking presentation sana may matutunan kayo or magkaroon din kayo ng idea specially if you’re looking for something na makakatulong sa inyo to start your online business.

My topic is about Ways to make money online

Why Online Business?

    •  You earn dollar from home

 

Gusto mo bang kumita ng dollar without leaving the country? With online marketing, hindi mo na kailangan umalis ng bansa para kumita ng dollar. Hindi mo na kailangan mag paalila sa ibang bansa para kumita ng dollar.

 

    • You have more free time

Sa Internet marketing control mo ang oras mo pwede kang mag trabaho anytime na gusto mo at pwede ka rin mag pahinga anytime na gusto mo.

    •  You don’t need to wake up very early in the morning  and go to work.

I am sure maraming nakaka relate dito, lalo na kung nag wowork kana ngayon.  Kapag may daily job ka, kailangan mong gumising ng maaga para pumasok sa work.  Kahit puyat ka pa kinagabihan kailangan mo parin gumising the next day para pumasok or else bawas sahod kung malas malasin ka baka tanggal trabaho ka pa.

Ito ang isang reason kung bakit hindi na ako naghanap ng trabaho after materminate ako sa work. Gusto ko mag work kung kailan feel ko ang mag work.

Sa online marketing, hindi mo kailangan puwersahin yung sarili mo para gumising ng maaga. Pwede kang gumising kung anong oras mo gustong mag work.

  • You don’t have boss

Ang hirap mag work lalo na kung naiinis ka sa boss mo, yung tipo bang tinatamad kang pumasok kasi makikita mo ulit yung boss mong masungit.  Sa online marketing wala kang boss.

  • You work for your self not for a company or someone else.

Aminin man natin o hindi kahit sabihin pa natin na malaki ang compensation mo sa iyong trabaho. Ang nakikinabang sa galing at talino mo ay ang company na pinag tratrabahuan mo, sila ang pinapayaman mo hindi ang sarili mo.  Binibigyan ka lang ng maliit na share sa perang ipinapasok mo sa kanila.

Kung online marketer ka, ang pinapayaman mo ay ang sarili mo. The more you work the more money you earn. Unlike kapag namamasukan ka kahit super sipag kapa ganun parin ang kikitain mo.

  • You can work any where as long as there is computer and internet.

I love this one. Kahit saan ako pumunta pwede akong mag work at kumita. Magbakasyon kami ng pamilya ng kahit isang bwan I am not worrying na baka pag uwi ko wala na akong work or wala akong sasahurin kasi pwede kong patakbuhin yung online business ko basta may internet at may computer.

Note : Skip ko na yung part ng presentation ko kung saan naka paloob kung sino ako, my downs and ups in life. At kung ano na ang narating ko financially dahil sa online marketing.

People will judge you base on what car you’re driving, dress you’re wearing, and place where you eat.

Newbie’s Questions

Ito yung mga tanong na madalas kong marinig sa mga baguhan sa internet marketing.

  • How Can I Make Money Online
  • Can I really make money online?
  • What are the requirements to start online business?
  • Is it true that I can earn dollar from home?
  • I am not good in computer, can I still earn dollar online?
  • What are the ways to earn money online?

How Can I Make Money Online?

Internet income comes in three forms:

  • Selling other people’s stuff

Kikita ka online by selling other people products or services. Halimbawa may isang online marketer na nag bebenta ng info product about how to make money online. At isa ka sa kanyang mga affiliate partner, kapag nakabenta ka nung info product na make money online automatic may commission ka. Ang commission ay depende sa may ari ng product. Pwedeng 5% – 100% and pwede mong kitain as affiliate partner.

Saan pwedeng kumuha ng product na ibebenta at nagbibigay ng commission?

Libre lang sumali sa mga site na yan…

  • Selling your own stuff

Kung kaya mo naman gumawa ng sarili mong eproducts or provide services then much better, kasi pwede kang kumita ng mas malaki. Ano ano ba ang mga ito?

e-Book  –  We are now in the age of information technology, ang mga tao pumupunta sa net para maghanap ng information. And many of them are willing to pay para sa information na kanilang hinahanap. Kung magaling kang magluto pwede kang gumawa ng sarili mong recipe ebook, kung magaling ka naman sa programming pwede kang gumawa ng ebook about programming, kung magaling ka naman sa beauty pwede karin gumawa ng ebook about beauty.Then ibenta mo ang info product na ito sa mga taong kailangan ito. Kung ibebenta mo ito ng $7 per copy at maka benta ka ng 1000 copies that will be $7,000. Ang maganda dito is, dimo na kailangan ng inventory at bodega para mag stock. You create once and sell multiple times.

Articles– Magaling kabang magsulat ng articles? Pwede kang magsulat ng mga articles at ibenta mo ito or magsulat ka para sa mga online marketer na hindi marunong magsulat ng article or walang time para magsulat. Nag re-range from $4 – $15 per article.

Web Sites– Dito ako nag start sa online marketing. Create website then drive some traffic then benta. Pwede kang kumita ng $30 to $3,000,000,000 sa isang website na ibebenta mo depende sa traffic, earnings at potential. Alam mo bang yung original na may ari ng myspace ay kumita ng $600,000,000 nung benenta nya ito at yung original na may ari ng youtube ay kumita naman ng $3,000,000,000,000 nung benenta nya ito sa google. Ganyan kalaki ang potential na pwede mong kitain sa pagbebenta ng website.

Graphics– Magaling ka bang gumawa ng mga logos, images, cartoons, and other graphics? Pwede mo itong i alok sa mga online marketers na hindi marunong gumawa ng logos, banners , at iba pang graphics.

Jewelry – Kung mahilig ka sa mga jewelry, pwede mo rin itong pag kakitaan. Yung isang kaibigan ko from Singapore, she started her own jewelry store online and she is making $4000 a month from it.

Tech Gadget – Pwede ka rin magbenta ng mga gadget online, maraming mga online marketer na ang ginagawa ay drop shipping.

Services – Sa ngayon sikat ang mga Filipino pagdating sa outsourcing. Maraming mga foreigner ang lumilipat na sa Pilipinas from India. Isa sa reason bakit mas gusto nila ang mga Filipino ay mas magaling sila sa pakiki pagusap ng English compare to other none english nationals. Ano ano bang service ang pwede mong i provide online para kumita ka? SEO related jobs, data entries, web developing, software developer, designer,web template creation, at marami pang iba.

  • Renting your Internet property for advertising purposes

Kung may sarili kang website pwede kang mag benta ng ad space sa website mo. Halimbawa ang topic ng website mo ay related sa mga Filipino families or karamihan ng audience ng site mo is mga batang pinoy, pwedeng si Jollibee or si Mcdo magbayad sayo para ilagay mo ang kanilang ads sa site mo. Pero karamihan sa mga may website ang ginagamit nila to monetized their site is using google adsense.

Google adsense is a Pey Per Click program, kung saan may ilalagay ka lang ng code sa website mo kung saan mo gusto mag pakita yung ads ng google. Yung code ay provided ng google adsense. Every time na may bumisita sa website mo at nag click sila ads na galing sa google adsense automatic kikita ka ranging from $0.01 to $20 per click.

Ito ang ibat ibang mga program na pwede mong gamitin to monetized your website or blog

– Pay Per Click – Ito yung mga ads na pwede mong ilagay sa website mo na every time may mag click sa ads may kita ka.
– Cost Per Action – Ito yung mga ads na pwede mong ilagay sa website mo kung saan pwede kang kumita kapalit ng action, halimbawa yung visitor mo iwan nila yung email nila sa site na prino promote mo.
– Sell Ads Space – Ito naman kung may mga taong interested na direct magbabayad sayo kapalit ng paglagay mo ng kanilang ads sa site mo
– Pay Per Impression – For every 1000 view ng ads ng advertiser sa website mo babayaran ka nila from $1 – $5.
– Pay Per Post – Pwede kang maningil sa mga taong gustong mag post ng article sa website mo kapalit ng link papunta sa kanilang website.

 

Can I really make money online?

Yes! But…
There is no such easy money
You will not become millionaire over night
Perseverance is the name of the game

Kung may lumalapit sayo at nagsasabing madaling kumita sa net overnight yayaman ka at sabihin bayaran mo ako para ituro ko sayo ang sekreto magdalawang isip ka. Oo madaling kumita ng pera online pero hindi overnight yayaman ka. Kailangan mo parin mag work para kumita online at dapat mahaba ang pasensya at marami kang tyaga kung gusto mong kumita sa internet.

What are the requirements to start online business?

Computer
Internet Connection
Willing to invest

Paano kung wala akong internet at computer? Nung nag uumpisa ako sa internet marketing wala din akong computer at internet. Ang ginagawa ko ay nag rerent ako sa mga computershops. Naalala ko nga dati sa Olongapo yung may ari ng computer shop lagi nyang ni rereserve yung computer na ni rerentahan ko di nya pinapagamit sa iba. Ganun ako nag start before I afford to buy my own computer. So hindi mo pwedeng idahilan yung wala kang computer at internet kung gusto mo talagang kumita online.

Maliban sa computer at internet syempre kailangan mong mag-invest. There is no business in this world na hindi mo kailangan mag invest. Kung iniisip mo wala kang pera na i invest para mag start ng online business, don’t worry sa online marketing hindi mo kailangan ng malaking pera to start you can start from nothing to few thousand. Depende kung anong klaseng online marketing ang gusto mong tahakin.

Ang kailangan mong investment talaga sa online marketing is time, kung gusto mong maging successful sa online marketing kailangan mong maglaan ng oras para dito.

I am not good in computer, can I still earn dollar online?

You don’t need to become computer guru to earn money online
Do you know how to use computer?
Do you know how to use internet?
Do you know how to use search engine (e.g. Google, yahoo, bing)?
Can you read?

Kung ang sagot mo sa lahat ng tanong na yan ay oo, then you are qualified to earn money online. Maraming mga successful online marketer ang natuto nalang mag computer at mag internet nung pumasok sila sa online business. At hindi mo kailangan super galing sa computer para kumita online.

Is it true that I can earn dollar from home?

If I can why can’t you?
You need to believe that you can make dollar from home.
Leap from where you are right now to where you want to be.
You have arrived at where you are right now because you are exploring

Walang pinagkaiba yan sa kahit anong career na gusto mong pasukin, kung naniniwala kang kikita ka for sure kikita ka. Kailangan mo lang pagsumikapan ito. Kung papasok ka bilang real estate agent kung dika naniniwalang kikita ka as real estate agent sa malamang hindi ka kikita. Pero kung naniniwala kang kikita ka sa pagiging real estate agent mo at magsusumikap ka for sure you will earn. Ganun lang din sa online marketing.

Why Many Newbie’s Failed?

They Expect Too Much
Dahil maraming nagsasabi sa kanila na malaki ang kita sa internet, inisip nila na pwede silang maging millionaryo sa loob lang ng napakaiksing panahon. After 2 months 3 months di sila naging milyonaryo, they start loosing their faith. Sasabihin nila di naman pala totoong yayaman ako online, then they quit.

They Have Kangaroo Mind Set
I admit from time to time nagiging ganito rin ako, pero worse kung newbie ang may ganitong mindset. Ito yung mga taong puro umpisa walang natatapos, kasi talon sila ng talon. Halimbawa may nagsabi sayo kumikita sya ng maganda sa adsense, so dahil gusto mo rin kumita gumawa ka rin ng website mo para sa adsense. Tapos may naka pagsabi sayo maganda ang kita sa clickbank, ang ginawa mo tinigil mo yung website na ginagawa mo ngayon for adsense at nag start kana ulit ng bagong site pang clickbank mo kasi sabi nung nakausap mo maganda ang kita sa clickbank. Nabaliwala ang pagod at oras na ininvest mo sa unang site mo. Then after few weeks may narinig ka ulit na kikita ka ng malaki, iiwan mo ulit yung current project mo at susubukan mo ulit yung bagong narinig mo. Ang nang yari puro ka umpisa wala kang natapos, bandang huli you quit kasi iisipin mo dinaman pala totoong kikita ka sa net.

If you want to become successful online kailangan mong mag focus, kapag kumikita kana sa isang program saka ka susubok ng ibang program para sa ganun may source of income ka while waiting na mag earn yung new program na sinusubukan mo mag fail man ito may pinagkakakitaan kana.

Band With Mediocre People

Hindi ko sinasabing magalit ka sa mga taong ganito, pero kung kaya mo silang iwasan, umiwas ka. Hindi sila makakatulong sayo para mag success pero sila ang hihila sayo para mag fail. I still remember one time I met some old classmates na nakakakilala sa akin na marunong akong mag program. Nung sinabi kong nag oonline marketing ako at sa bahay lang ako nag wowork. Ang sabi nila sa akin, sinasayang ko lang daw yung galing ko bakit daw di ako maghanap ng magandang trabaho. WTF ano ba ang ginagawa ko, naglalaro lang? Kung naglalaro man ako at least masasabi kong I making more money than them.

Lack Of Interest

Kung mag iinternet marketing ka dahil nakikiuso ka lang I suggest wag mo ng umpisahan. Kasi magsasayang ka lang ng oras at pagod. Kung wala kang interest sa bagay na ginagawa mo sooner or later magsasawa ka rin at hindi mo ibibigay ang 100% na effort mo para dito.

They Quit

Marami sa mga sumusubok sa online marketing ay nag qui quit bago pa man sila mag start na kumita. Dinila alam kung gaano na sila kalapit sa tagumpay nung mag quit sila. Ano ba ang goal ng mga taong umaakyat sa bundok? Ang goal nila ay para maabot ang tuktok ng bundok na gusto nilang akyatin. Kahit gaano pa katagal nila itong inaakyat basta hindi lang sila babalik at aayaw alam nilang mararating din nila yung pinaka asam asam nilang tuktok ng bundok. Ganun din ang mga sumasali sa mga takbuhan, ang goal nila ay para marating ang finish line. Kung hindi sila titigil sa pagtakbo at aayaw alam nila na makakarating din sila sa finish line gaano man ito katagal. Ganun din sa online marketing, ang ultimate goal natin is to earn money. Kung hindi tayo aayaw sooner or later mararating din natin yung pinapangarap nating kita.

 

 

Tips to become successful

Dream BIG Dreams

 

Libre lang mangarap, so kung libre lang bakit mo ito titipirin? Marami sa atin ganito, pangarap kong akyatin ang Mt. Everest, kaya lang mataas pala yun masyado. Mt. Apo na nga lang ang aakyatin ko. Teka mataas din pala masyado yung Mt. Apo, Mt. Samat na lang ang aakyatin ko mas madali. Eh pag tingin nila sa Mt. Samat mataas parin pala. Sasabihin nila sa burol na nga lang ako umakyat mas madali.

 

Set Your Goal
Now convert your dreams into goals else they will remain as dreams. Marami sa atin ang daming pangarap pero wala naman ginagawa para maabot ang mga ito. Para maabot natin ang ating mga pangarap kailangan natin mag set ng goal. Kung gusto mong akyatin ang Mt. Everest kailangan mo itong iset as goal. Pwede mong sabihin in 3 years from now aakyat ako sa Mt. Everest, pero bago ko akyatin ang Mt. Everest kailangan ko munang akyatin ang Mt. Samat para ma practice ako then akyatin ko pa ang ibat ibang bundok para ma practice ako sa pag akyat.

Ito ang sekreto ng mga successful people, para maabot nila yung mga parang imposibleng dreams nila hinahati nila ito sa mas maliliit na goals. Ang mahalaga may natatapos silang maliliit na goal palapit sa mas malaking goal nila.

Focus!
On our way to reach our goal maraming mga distractions tayong madadaanan, kung wala tayong focus madali tayong maligaw. Ang sekreto para laging focus sa goal mo is create a to do list.

Eliminate Distractions

Kung hindi makakatulong sa goal mo dapat hindi mo ito gagawin. Ang madalas na distractions sa mga online marketers ay madalas na pag check ng email, chatting, fb, twitter, at watching youtube.

Do Not Stop
Kahit anong mangyari wag kang titigil sa pag abot sa yong mga pangarap gaano man ito katagal. Basta everyday be sure mayginagawa ka para maabot mo ito. Pasasaan ba at maabot mo rin ito basta wag ka lang titigil.

Be Patient
Tyaga tyaga tayga…

Duplicate What Successful People Doing
Hindi mo na kailangan mag trial and error para lang malaman kung ano ang uubra at hindi uubra. Bakit kailangan mo pang gumawa ng square or rectangle na gulong kung alam naman ng lahat na bilog ang proven to work na klase ng gulong.

All you have to do is hanapin mo kung ano na yung mga systemang ginagamit ngayon ng mga successful people at gayahin mo sila. Kung naging successful sila with those system for sure magiging successful ka rin.

Don’t Work Hard, Work Smart.

Every time na na iinvite ako para magsalita about internet marketing hindi ito nawawala sa aking presentation. Daig ng mga taong madiskarte ang mga taong masipag. Ito isang example, Ngayon kumikita na ako ng $50 a day by doing something that I’ve proven to work. Using the same program where I am making $50 a day gusto kong kumita ng $500 day. Ang problema I have only 24 hours to work everyday.

Ano ang gagawin ko? I duplicate my self. Since alam ko na paano kumita ng $50 a day, all I have to is train 10 person na gawin yung ginagawa ko ngayon para kumita ng $50 a day, para sa ganun 11 na kami lahat na kikita ng $50 a day. Smart ha?

Ayan ang kabuoan ng presentation ko, may mga part na iniskip pero halos na discuss rin naman sa ibang part ng presentation. Kung gusto mong makuha yung presentation file mismo please leave your name and email below. I send ko nalang sayo yung presentation.