Kunting background lang tungkol sa akin!

Kunti lang ito, ipapakilala ko lang sarili ko, puede mo rin namang i disregard ito kung ayaw mo akong makilala :).

Ako si Ed Pudol, my friends call me Ed, puede mo rin akong tawagin Ed. Galing ako sa mahirap ng pamilya ng magsasaka sa Abra. Sabi nga isang kahig isang tuka buhay namin nung bata ako. Papasok ako sa school walang pera, baong ulam swerte na kung may kamatis o bukayo hehehehe drama no pero totoo yun.

At madalas din akong pumasok sa school nun na walang sinelas at nilalakad ko 5 kilometers umaga at hapon, tumatawid pa sa ilog :). When I was 10 years old namatay ang tatay ko kaya lalong humirap ang buhay namain.  Dahil ako ang panganay at nag iisang lalaki sa bahay kailangan kong tulungan ang nanay ko para kumita kami at kumain.

Pero hindi ko parin isinuko ang pangarap kong makapag aral, sa awa ng Panginoon naka tapos din ako ng High School at hindi ko kailangan huminto sa pag aarala ,  I want to say thank you to my mother kasi hindi talaga nya kami pinabayaan.  After high School, I go to Manila kasi gusto kong ipag patuloy ang pag aaral ko, pumasok akong house boy, then later on constraction worker at iba iba pa para lang maka pag aral.

Kaya lang hindi rin ako naka tapos sa pag aaral ko sa manila kasi mahirap talaga kapag working student ka.. kapag nawalan ka ng work ala na… so I decided na mag training the security guard. When my training was completed yung agency ko ina-sign nila ako sa Bagac , Bataan. I was a regular security at at NPC housing Bagac, Bataan.

When I was there naisip ko na hindi ko maipagpapatuloy ang pangarap kong makapag aral. So I ask my agency na ilipat nila ako… inilipat nga ako pero sa Mt. Samat naman under Philippine Tourism. Pero at least sa Mt. Samat Malapit na sa Balanga , Bataan. On 1995 nag decide akong mag aral ulit taking up 2 year computer technician with my partner Rod Lipat kasama ko rin syang guard sa Mt. Samat.

We walked 5 Km pababa sa samat at 5 Km paakyat sa Samat everday kasi walang sasakyan o walang byahe dun… wala naman kaming service. Pero tiniis namin yun for 2 years hanggang sa makatapos na sa pag aaral… luckily after graduation kinuha ako na teacher sa school na pinag aralan ko. Naging instructor ako dun at the same time nag aaral parin ako taking up computer science naman… After kong mag graduate ng second course ko, nag resign ako sa dati kong pinag tuturuang school. At sumama ako sa dalawa kong classmate sa bagong tayong company sa Balanga, well natulungan naman naming nag success ang nasabing company until naka pag start na ng sariling Computer School. I was then a computer instructor to this school.  But on 2002 I was kickout 🙂 from the school whom I am one of the architech. At this time I was really broke. When I say broke talagang walang wala.. walang ipon, walang mapuntahang trabaho. Sa tanang buhay ko ito na siguro ang pinaka mahirap na nasubukan ko at least nung bata ako at nasa bukid ako hindi ako pumapalya sa pagkain.

Hindi ako sumuko, I have a friend who have computer shop in Gapan Nueva Ecija, literally nag paampon ako sa kanila for almost 2 years I guess. Early 2004 nag decide akong maghanap ng opportunities sa net kasi marami na akong naririnig dati. Ang dami kong sinubukan pero talagang hindi ako kumikita siguro dahil wala akong mapag tanungan or magtuturo sa akin. Halos dipa ako makakita ng mga pinoy dati sa net, buti nalang may na meet akong isang Singaporean national that time, sya ang tumulong sa akin. Binilhan nya ako ng domain at hosting.

For the entire one year na trial and error ko sa net I made $100 hehehehe totoo yun $100 lang ang kinita ko sa boong taon grabe, buti nalang may umampon sa akin. But guess what dahil sa $100 na yun dun na open ang mata ko kung paano kumita talaga ng pera sa net.

On the next year, nag paalam na ako sa mga friends ko kasi nahihiya narin ako sa kanila at alam ko kaya ko nang kumita para mag survive… with God Grace and blessings sa ngayon maganda na rin ang earnings ko from internet…

Buti nalang na terminate ako dati dun sa dati kong pinapasukan kung hindi siguro wala itong blog na ito na binabasa mo ngayon :).

Sapalgay ko napahaba na itong post na ito.. sige sa susunod na mga post ko nalang yung ibang kwento

Welcome sa blog ko

Kumusta, diko alam kung paano ka nakarating sa blog na ito, pero gusto kitang i welcome sa pag visit mo sa site na ito.

Sana kahit sa maliit na bagay lang ay makatulong naman sa iyo. Kung paano makakatulong ang blog na ito sayo hindi ko masyadong sigurado pero. Depende sa pangangailangan mo.

Itong blog na ito ay para sa mga pinoy na naghahanap ng additional source of income nila.

I want to share my experience at kung ano ang natutunan ko sa 5 years kong experience sa internet Marketing, sana mayron man lang isa o ilan na matulungan ang blog na ito.