For those who are considering to used Union Bank EON Card to make online transactions or for what ever purpose it is, think again.  Here is my case pero hindi lang ako ang naka experience nito. Ang Union Bank EON Card ay pwede ng bilhin sa 7/11 tapos i activate mo at mag register ka online… sa pag reregister pa lang napaka hirap na, paulit ulit mag type ng info kasi nag loloko ang system nila or dimo maintindihan bakit pina paulit ulit ang pag reregister mo.

During the registration you need a valid ID need mo itong pictureran , in my case ginamit ko yong sss ID ko, for 5 or 7 times tries na complete din ang registration ko. Akala ko everything is okay na. Nong mag request na ako ng upgrade kasi a client of mind sent me 80,000 pesos, doon na nag simula ang kalbaryo ng buhay ko sa kanila. Makilipas ang more than 5 days na pag hihintay ko sa request ko for upgrade nag submit ako ng support kasi wala man lang silang update sa akin kung ano na status ng request ko for upgrade.

Doon ko palang nalaman na may problema daw yong ID na ginamit ko kasi walang info yong likod ng ID ko. Obviously wala talaga kung SSS ID ang gagamitin mo. Ang nakakainis hindi man lang nila ako ininform na need kong magbigay ng ibang ID. Binigay ko naman yong totoong email at phone number ko.

So I provided additional ID dalawa na hindi nalang isa ang ID ang pinasa ko. Sabi ng support nila, bigyan ko daw sila ng 3-5 business day para sa upgrade kasi napasa na daw. After 6 business days wala parin akong narinig mula sa EON support. So nag follow up ako, after 2 days palang bago sila sumagot ulit. This may hinihingi na naman sila, need ko daw mag provide ng proof of billing, my God anong klaseng systema mayron ang Union Bank after more than 2 weeks bago nila sabihin need kong mag provide ng additional documents bakit dipa nila sinabi noong una palang, para sabay sabay nang ipadala sa kanila yong mga documents na kailangan nila.

Dahil sa sobrang disappointment ko, sabi ko sa kanila paki balik nalang yong pera na sinend ng aking client. Ang problema ang dami na naman nilang tinatanong at hinihingi like magkano daw yong pinadala, kailan daw pinadala. Juice ko po naman anong klaseng system ang gamit ng Union Bank EON at di kayang i trace yong mga information na yon.

Kaya kung ako sa inyo kung ayaw nyo ng sakit ng ulo.. iwasan nyong gamitin ang service na ito… maniwala kayo masakit sa ulo….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *